“Ano? Paano? Saan? Bakit sila missing?” Bigla akong parang hihimatayin dahil kinapos ako sa paghinga. Nalito ako, bakit bigla na lang may pagtatangka kay Terrence? Halos wala naman nakakakilala sa amin lalo pa hindi naman expose sa media ang mga Montero matagal ng panahon. Wala naman sigurong paparazzi na nagmamatyag sa aming pamilya o sa aking anak. Paano nangyari iyon? Ang daming pumapasok sa isip ko na mga dahilan pero mukhang malabo ang mga ito.. “Vittoria, huminahon ka lang. Alalahanin mo you are also pregnant,” pilit akong kinakalma ni Trace. Mukhang hindi naman nag-aalala pero sa paraan ng pakakasabi nila kanina ay parang humiwalay ang aking kaluluwa sa nabalitaan ko. Baka naman akala lang nila na nawawala, baka dinala lang kung saan ni Treva si Terrence at hindi na nakapag paal

