Sinandal ako ni Troyce sa dingding. Binitawan na niya ang kamay ko at hinaplos ko ito dahil sa sakit. “Gusto mo maging labandera hindi ba?” gusto ko sanang matawa dahil naisip pa ni Troyce ang bagay na iyon. Seryoso ba siya? Gusto niya akong paglabahin? Aagawan ko pa ng trabaho ang mga maids niya kung ganun. “Kung nasa apartment ako. I'm sure marami akong matatanggap na palabada nung kapitbahay ko dati.” “Sigurado kang palabada lang ng kapitbahay mo ang gusto mong labhan, Tori? O baka naman lalaki ang kapitbahay mo kaya gustong gusto mo siyang ipaglaba?" tanong ko na kunot ang noo ko. Bakit alam ni Troyce na lalaki ang kapitbahay na nagpalaba sa akin? “Excuse me, gusto ko lang magkapera para sa panggastos namin ni Terrence. Kahit sino pwede kong ipaglaba. Saka ano naman ang problema m

