Kahit nahihilo pa ako, pinilit kong umupo mag-isa upang makainom ng gamot. Ayaw kong isipin ni Troyce na nagpapa-importante ako at gusto ko ng special treatment. Sino nga ba ang ayaw, napakasarap sa pakiramdam na may nag-aalaga sa'yo at nagbibigay ng special attention. Lalo pa sa taong lihim mong minamahal. “Let me help you,” pigil sa akin ni Troyce, inayos pa ang unan saka lang ako hinyaang makasandal. Naamoy ko ang pamilyar niyang amoy. Sa totoo lang, hindi matapang magpabango si Troyce at napansin ko rin na medyo binawasan niya pa ang paglalagay sa damit niya. Naisip ko, siguro alam niyang pwedeng makapagpahina ng sikmura ko. Kadalasan sa buntis ay yaw ng pabango at isa na ako sa iniiwasan ang pabango. Pero si Troyce, parang ang sarap amuy-amoyin at kayakap, parang natural na mascul

