“Troyce. Doktor tayo, we all know that it's just a simple fainting kaya ‘wag ka ng mag-alala.” narinig kong sabi ni Treva. Akala yata ay totoong nawalan ako ng malay. Nakahiga ako ngayon sa bed ng clinic. I can hear my son playing and singing sometimes. Napangiti ako. “Alam ko and thank you, Treva. Alam ba niya ang pangalan mo?” bahagya akong naappitlag dahil sa boses ni Troyce. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon na nagkita na kami ulit. Sa laki ng kasalanan ko sa kanya, ginawan niya pa rin ako ng kabutihan. Totoo pala ang hinala ko noon, alam kong maraming Treva na pangalan pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto, plano ng magkakapatid ang nangyari sa akin. Maging ang pagkawala ng mga gamit at bag ko ay sinadya nila upang hindi ako makatanggi sa bawat offer n

