“Are you mad at me?” tanong ni Troyce habang sinasayaw ako. Pakiramdam ko ay totoong prinsesa nga ako. Nakalapat ang mga palad sa aking bewang, ang mga kamay ko naman ay parehong nakaikot sa kanyang leeg. Tawanan at halakhakan lang ng mga lasing na bisita ang naririnig ko habang nakatitig kay Troyce. “No, ang weird lang dahil medyo natakot ako. Akala ko talaga, nakidnap na ang dalawa at hindi mo pwedeng malaman. Huwag mo na ulit gagawin ito ha?” hinampas ko ng mahina ang dibdib niya. “Kung hindi mo ulit kami tatakasan gaya ng ginawa mo few months ago.” gigil na sabi niya sa akin saka ako kinintalan ng halik. Sasagot pa sana ako nang bigla kaming inabala ng tatlong lalaking nakapila at pare-parehong magkasalikop ang mga kamay. “May we dance to our soon to be sister-in-law and her baby

