Ine-expect ko ‘yung kagaya ng reaksyon na meron siya last time. ‘Yung aawayin niya ako, magsasalita siya nang hindi maganda tungkol kay Tracy, but this is something I don’t expect. The silence. Hindi ko maipaliwanag ‘yung pagiging tahimik niya habang naglalakad kami palabas ng hospital. Alam kong asaran lang ‘yung kagabi na sinasabi kong nagseselos siya kay Tracy kasi in reality, hindi naman niya ako gusto. In fact, baka ako pa ‘yung may gusto sa kaniya, just like what Tracy and I have been talking about. I don’t know. She’s obviously just feeling territorial over me dahil nasanay siyang siya lang ang kinakausap ko and she has never encountered my closeness with Tracy yet before. Kaya ewan ko kung anong iniisip niya ngayon but damn it, I will never be the one to talk first.

