In that instant, para akong ninerbyos bigla. Sobra, as in sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko. I’ve never been more conscious of another person’s presence in my entire life than now. Hindi ko na nga ma-distinguish kung sobrang init lang ba ng balat niya o nilalamig lang talaga ‘yung kamay ko, e. ‘Yung short skin contact namin na ‘yon, parang isang metal object na binabad sa apoy tapos biglang binuhusan ng malamig na tubig. Naalala ko bigla si Bree. Hindi ko alam kung ba’t parang kinukumpara ko sila sa isip ko ngayon. Inaalala ko kung naging ganito na ba ako ka-tensed around her but I can’t even think straight at the moment. s**t, naaasar na ‘ko. My thoughts are all over the place and I don’t like it. I clear my throat. “I’m sorry.” Hindi ko alam kung para saan ‘yung sorry. Ang lipa

