By Monday, ang bumungad sa ‘kin pagkagising ko before going to work is a message from Bree that she can’t make it to her duty today at nagpaalam na raw siya sa assigned admins. Hindi ko alam if that action has anyhting to do with me pero sa pagkakaalala ko naman, okay kami kahapon bago siya umuwi. Except of course do’n sa part na tumanggi akong tulungan siya sa pinapakiusap niya sa ‘kin, wala naman na kaming ibang pinagtalunan so baka hindi lang maganda ang pakiramdam niya. “Morning, Doc,” Cash greets me. Kung siguro ibang babae ako, matagal ko nang crush ang isang ‘to sa sobrang pogi ng ngiti. Ang charming kasi niya talaga without even trying. Talagang gaganda ‘yung umaga mo kung siya ang unang babati sa ‘yo. Bonus pa na sobrang galang, sobrang bait, at sobrang talino. At kahit galing

