Chapter 16

834 Words
NABUNGARAN niya sa sala si Sunny katabi ang Daddy nila. Nanonood ang mga ito. Nauunang umuwi sa kanya si Sunny dahil kailangan pa niyang pasukan ang remedial niya after ng school hour para mahatak ang mga bagsak niyang grades. "Kamusta ang remedial mo?" tanong ng Daddy niya. Napanguso siya. "Ano pong ulam?" tanong niya para mabaling sa iba ang tanong nito. Sa totoo lang hirap na hirap siyang pasukan ang remedial niya. Hindi niya nga sire kung mahahatak ba nun ang grades niya dahil hindi naman siya nakakapag-participate ng ayos. Lagi lang siyang nakatulala sa labas ng bintana dahil katapat non ang field kung saan nagpa-practice sina Tristan sa track and field. Nahahati tuloy ang atensiyon niya. "Nagluto si Mommy ng kare-kare," si Sunny ang sumagot. Hindi niya naman ito pinansin. Lumapit siya aa Daddy niya at humalik. "Akyat muna 'ko," paalam niya sa Daddy niya. Patalikod na sana siya ng tanungin uli siya ng Daddy niya. "Tumawag ang Mommy mo," anito na nasa TV pa rin ang mga mata. "A-Attend ka raw ng prom?" Natigilan siya at mabilis na sinulyapan si Sunny na agad namang nag-iwas ng tingin. "Tinawagan ka ni Mommy?" tanong niya pero ang mga mata ay na kay Sunny. Duda kasi siya na tumawag ang Mommy niya sa Daddy niya. Malamang na si Sunny lang ang nagpaalam no'n sa Daddy niya. "Si Sunny ang nakausap." Sinasabi na nga ba niya. "O-Opo. Si Tristan po ang partner ko, Dad," aniya. Napakunot naman ang noo ng Daddy niya. "Yung anak ni Henry?" "Opo," sagot niya. Tumango-tango naman ang Daddy niya. "Isama mo itong kapatid mo," ani ng Daddy niya. Napatingin siya uli kay Sunny pero hindi ito nakatingin sa kanya. "Papayagan lang kitang sumama sa prom kung isasama mo si Sunny." Napakuyom ang kamao niya sa narinig. Ngunit hindi siya nagsalita. Tumango na lang siya at tumalikod na. Umakyat siya sa kuwarto niya at nagkulong doon. Nawalan na siya ng ganang kumain. Ayaw niyang bumaba dahil makikita niya lang ang kapatid doon at maiinis lang siya. KINABUKASAN maaga siya gumising dahil sa hindi rin naman siya gaanong nakatulog at maaga siyang nagising parang bangag na bumaba siya ng hagdan. "Good morning," bati ni Sunny sa kanya. Tinanguan niya lang ito. As usual, nakabihis na ito at maayos na maayos na. Mukha itong manika. Plantsiyadong plantiyado ang uniform nito. Puting-puti ang mga medyas at makintab ang mga sapatos. Nakalugay ang mahaba at unat nitong buhok. Makintab iyon at halatang malambot. Mabango rin dahil naamoy niya iyon ng magkasabay siya sa pagbaba. Tanging hairclip lang ma may mga pekeng diamond ang burloloy nito sa buhok. Pareho namang plinaplantsa ng mga katulong ang iniform nila. Ang kaso dahil nawawala ang isang parehas ng sapatos niya kaya hianlughog niya muna ang kuwarto niya kaya nagkandalulot-lukot nag uniforme niya. Nagulo rin ang pagkakatirintas niya sa buhok niya dahil sa ginawang paglusot sa ilalim ng kama. Mukha siyang gusgusin kapag katabi niya si Sunny kaya naman binagalan niya ang pagbaba para mapauna ito. Ayaw na ayaw niya talagang nagkakasabay sila dahil lalong nakikita ang pagkakaiba nilang magkapatid. "Himala at maaga kang nagising ngayon?" nakataas ang kilay ng Daddy niya nang makitang magkasunuran lang sila ni Sunny na papasok ng komedor. "Maaga po kasi akong nakatulog kagabi," pagsisinungaling niya. Ang totoo niyan hindi siya pinatulog ng inggit at selos na nararamdaman niya. Hindi na nga niya namalayan na nakatulog pala siya. At sobrang sama ata ng loob niya kaya hindi pa man tumutunog ang alarm clock niya nagising na siya. "Dapat pala maaga ka laging natutulog. Lagi ka kasing nagbababad sa cellphone na yan. Di mo gayahin itong si Sunny, puro pag-aaral ang inaatupag laya matataas ang marka. Ikaw pa naman ang panganay, ikaw pa itong hindi magandang huwaran sa kapatid mo," naiiling na sermong ng Daddy niya. Hindi siya umimik at kinagat na lang ang tinapay sa harapan niya. "Ano ba naman yan, ang aga-aga sermon na agad," singit ng stepmother niya na may dalang isang bandehado. Tumigil naman na ang Daddy niya sa panenermon na ipinagpasalamat niya. Kumain na lang siya ng tahimik. Binilisan niya na lang ang pagkain pagkatapos ay mabilis na umakyat para magsepilyo at kuhanin ang mga gamit niya saka muling bumaba at nagpaalam sa Daddy at stepmother niya. "Amelie..." tawag sa kanya ni Sunny ng papasok na siya sa service nila papunta sa school. Nakakunot ang noo na tanong niya rito. Seryoso ang mukha ni Sunny. Kung titignan parang mas matanda sa kanya si Sunny kung umasta at kumilos ito. "Ano?"bagot na tanong niya rito. "T-Tungkol sa prom--" Sumeryos na rin ang mukha niya. "Alam ko na," putol niya sa sasabihin nito. "Pumapayag akong maging chaperone niyong dalawa." Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng kapatid. Mapait siyang napangiti. "Basta ba siguraduhin mong maisasayaw ako ni Tristan sa prom kahit isang beses lang," aniya dito na nag-iwas ng tingin. Nakaradam kasi siya ng hiya sa sinabi niya pero pilit niyang itinatago iyon. Iniisip niya na lang na makakasayaw niya si Tristan sa prom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD