Sixteen Ana's POV Nagising siya na may tumatamang mainit na bagay sa kanyang pisngi. Pilit niyang milulat ang mata niya at nakita niyang sinag pala ng araw ang tumatamang mainit sa pisngi niya. Napakunot noo naman siya ng maalala kung naasan siya kagabi. Paanong magkakaroon ng sinag ng araw sa kwarto kung wala naman kahit na isang bintana ang kwarto kung nasaan siya. Pilit niyang itinayo ang kanyang katawan sa pagkakahiga ng maramdaman niyang may nakadagan sa kanyang bewang. Nang lingunin niya nakita niya si Benjamin na mahimbing pang natutulog sa tabi niya at nakayakap sa kanya. dahan dahan niyang tinanggal ang kamay nito na nakayakap sa kanya. Nang nakatayo na siya naramdaman niya ang sakit ng buong katawan niya. nagtataka din siya kung bakit may damit na siya ngayon. Wala naman kas

