Fourteen Ana's POV Nakabalik na sila sa Manila ni Benjamin, pero bago sila bumalik sa Manila dumaan muna sila sa probinsya nila para kamustahin ang mga kapatid at Nanay niya. Nagstay pa sila ng dalawang araw sa bahay ng nanay niya. Ipinagpaalam na din siya ni Benjamin sa nanay niya na magsasama na silang dalawa. Hindi naman siya nagsalita o tumutul man lang habang sinasabi ni Benjamin ang mga bagay na iyon sa nanay niya. Noong una hindi makapaniwala ang nanay niya sa sinasabi ni Benjamin pero wala naman ng magagawa ang nanay niya kundi ang payagan silang dalawa. Bago sila umuwi ng manila, pinagrocerry pa ni Benjamin ang mga kapatid at nanay niya. binili din ni Benjamin ang lahat ng gamot ng nanay niya na para sa halos dalawang buwan na gamitan nito. maging gamit sa bahay nila doon a

