Twenty-Eight Benjamin's POV Selos, kinain na ng selos ang sistema niya. hindi na siya makapag-isip ng matino habang walang pakundangan niyang inaangkin si Ana. Mula pa ng gabi ng engagement ni Malik at Naomi hindi na niya tinigilan si Ana, hindi na nga niya pinapasok si Ana sa boutique ng mga ito. Hindi na niya talaga titigilan si Ana hangga't hindi ito nabubuntis. Tama na ang halos dalawang buwan na pagpipigil niya, naibigay naman na niya ang hilig na Ana na magkatrabaho kaya 'yong gusto naman niyang magkaanak ang ibigay nito ngayon. Makapananghali na niya ito iniwanan at nagtungo na sa opisina nila. Ayaw pa sana niyang iwanan ito kaso kailangan niyang pumasok. Tumawag kasi sa kanya si Marco, kaya naman kailangan niyang makipagkita sa mga ito. may kinalaman ito kay Malik at Issay k

