Thirty Ana's POV Nakabalik na sila galing sa Batangas after ng dalawang linggong pagkukulong sa out side world. Hindi pa nila sinasabi ni Benjamin na kasal na sila. Napag-usapan na nila na tsaka nalang nila sasabihin kapag tapos na ang problema ni Malik at Ate Issay niya. nasabi na sa kanya ni Benjamin ang lahat ng nangyayari pero hindi niya pwedeng ipaalam o sabihin man lang sa ate niya ang mga nalaman niya. Kaya naman ito hindi siya mapakali habang naghihintay siya sa boutique nila. Gusto na niyang makita ang Ate niya, nag-aalala kasi siya baka kung ano na ang nangyari doon. "Oh Ana, ang tagal mong nawala ahh"puna ni Carla sa kanya. Hindi niya alam kung anong sinabi ni Benjamin sa mga ito, nakalimutan kasi niyang itanong. "Kinulong ka na naman ni Benjamin ano?"segunda naman ni

