Drama ni Benjamin Benjamin's POV Nagluluha ang mga mata niya habang naghihikab siya, hindi pa naman alanganin ang oras. Nang tingnan niya nga ang relo niya 10:35am pa lang ng umaga, pero inaantok na siya. "Para kang zombie bro"sita sa kanya ni Marco. Nasa conference room sila ngayon at hinihintay nila ang iba pa nilang kasama para sa pinatawag na meeting ni Malik. "Nagloko kasi si Adam kagabi, hindi nagpatulog"sagot niya. Nagloko nga pala ang bunso nila kagabi, hindi naman nila malaman kung ano ang dahil nito bakit iyak lang ng iyak. Tinatanong naman nila ni Ana kung ano ang problema ng anak nila hindi naman sila snasagot nito kundi iyak lang ng iyak. Madaling araw na ng makatulog ang anak nila. "Dinala na ba ni Ana sa pedia niya?"tanong sa kanya ni Marco. "Oo, hinatid ko

