KABANATA XXV Nagmadali siyang makauwi ng bahay, laking pasasalamat niya at hindi siya naaksidente sa daan dahil lutang siya habang nagmamaneho. Nanginginig ang mga kamay niya at talaga wala siya sa konsentrasyon. Pagkarating niya sa bahay niya ay narinig niya ang tawa ni Lyka sa sala, kuyom ang mga kamaong nagmadali siyang pumasok sa loob. Mag-aalas diyes na ng gabi ngunit hindi pa rin natutulog ang anak niyang babae. Ano na naman kayang kabaliwan ang iniisip ni Ace at talagang dinadamay pa nito si Lyka. “Mommy!” Masayang saad ni Lyka at patakbo siyang nilapitan at niyakap. “Lyka, magpahinga ka na. Kami na lang ng Daddy mo ang mag-uusap, you need to go to sleep at baka hindi ka magising ng maaga bukas,” sabi niya rito pagkatapos niyang yakapin ito at halikan. “No! Hindi

