CHAPTER XXII Hindi kalayuan ang tinutuluyang Condo ni Ailee sa bahay ni Lenneth kaya wala pang tatlumpong minuto ay nakarating na siya sa tinutuluyan nito. Hindi niya akalain na makikita niya ulit ito sa loob ng mahabang panahon at nagkataon pang nasa issang bansa sila. Was it destined to happen? “Hello, Ace, long time no see, huh?” Nakangiting bati nito sa kanya nang buksan nito ang pinto para sa kanya. “Hello Doc—I mean, Ailee.” Nagkakamot na bati niya rin dito. Niluwangan nito ang pinto para makapasok siya, simple lang ang loob niyon at talagang pang-isahang tao lang. “Are you living alone here?” tanong niya habang umiikot ang paningin sa paligid. “Yup. I’d prefer to live alone, ayoko ng may kasama at masyadong maingay. Do you want anything? Drinks?” tanong n

