CHAPTER VII

2115 Words
CHAPTER VII   Pagkatapos nang naging pag-uusap nila noon ni Dior ay laging laman na ng isip niya ang sinabi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala pero paano kung totoo ang sinasabi ng kapatid niya at impostor nga ang nakaharap niya noon?   Isang linggo na ang nakararaan simula nang mangyari ang huling pag-uusap nila ni Pierre at ngayon ay kailangan ulit nilang magkita para sa finalization ng lahat at kung kailan at saan magsisimula ang kanilang photoshoot.   “Do you need any help with that?” Napatingin siya sa pinto at nakita ang nakangiting si Eve.   Tinipon niya ang sketch na ginawa niya at inilagay iyon sa isang suit case saka nagsalita. “Wala ka na bang ibang gagawin? By the look of it, mukhang gusto mong sumama sa pupuntahan ko.”   Tumawa ng mahina si Eve at kinuha ang suit case sa kanya. “Curios lang ako sa kung ano ang puwedeng mangyari sa unang shooting mo. Puwede mo rin naman akong gawing PA, you know that’s my expertise,” anito.   Umiling na lang siya at wala nang nagawa, kahit naman ano ang sabihin niya ay tiyak na hindi siya pakikinggan pa nito. Sa ilang taon nilang pagsasama ay kilala na niya ang babae at isa sa mga katangian nito ang pinakanagustuhan niya—ang pagiging mapag-obserba sa paligid kapag kasama siya. Marahil ang iba ay iisipin na siya ang nasa likod nang paglago ng negosyo niya ngunit ang totoo ay hindi niya iyon magagawa kung wala ang tulong ng babae.   Kaya naman malaki ang tiwala niya rito at hinding-hindi siya magsisis kung tatanggapin nito ang alok niyang maging Senior Consultant niya.   “Don’t you forget something?” tanong nito sa kanya na nagpakunot-noo sa kanya.   May nakalimutan pa ba ako?   “I have the designs and I checked it four times already. Also I have all I need from props to—” Natigilan siya sa pagsasalita nang umiling ito at nakapameywang na tinaasan siya ng kilay.   “Did you look at yourself in the mirror?” tanong nito sa kanya.   “What? Do I look awful?” tanong niya.   “Worst,” sagot nito at hinila siya palabas ng opisina niya. “First things first, you need to be gorgeous and seductive.”   Hindi siya kumibo at nagpahila na lang dito. Mabuti na lamang at hindi pa bumabalik ng Pilipinas ang mga kaibigan niya kaya sila muna ang bahala sa bputique habang siya ay abala sa Photoshoot Project.   Dumaan sila sa isang sikat na salon at ipinaayos niyang muli ang kanyang buhok, iyon lang naman ang kailangan niyang gawin dahil hindi naman niya kailangang mag-ayos ng bongga. Natural ang ganda niya at kung hindi pagbabasehan ang edad niya ay mas bata pa siyang tingnan.   Inabot lang sila ng isang oras sa pagpapaayos ng buhok niya, and she liked it. Her wavy long hair is colored by light brown. Perfect!   She wears her newly designed floral asymmetric dress, paired with red pumps.   “Perfect! Now you’re ready.” Pumapalakpak at nakangiting wika ni Eve nang makita ang kabuuan niya.   Nakangiti naman siyang umiling at inaya na itong lumabas sa salon. Pagpasok nila sa kanyang sasakyan ay kinuha niya ang kanyang itim na blazer at isinuot iyon.   “What are you doing?” Nakataas ang kilay na tanong ni Eve.   “Uh, wearing my uniform? Business meeting ang pupuntahan natin at hindi party, so I should wear something formal,” sagot niya.   Napapalatak naman itong tumingin sa kanya. “Jeez, Lenneth!”   “What?” tanong niya at binuhay ang makina ng sasakyan.   “Nevermind,” sabi nitong napabuntong-hininga.   Hindi na niya iyon pinansin at itinuon na ang atensyon sa pagmamaneho. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa gusali ng UNI Trends, sabay silang bumaba at lumapit sa receptionist.   “Yes, ma’am, how may I help you?” tanong ng Amerikanang receptionist.   “Mr. Esparza is expecting us today. Kindly tell him that my Boss, Lenneth Morales is here,” sagot ni Eve at nginitian ang receptionist.   May tiningnan na memo ang receptionist at nang makumpirmang may appointment nga sila ay iginiya sila sa elevator.   “Ms. Alto will accompany you to his office,” anang babae.   “Thank you, have a good day,” ani Eve at saka sila naglakad papuntang elevator.   Pasimple niyang pinagmasdan ang buong paligid, there are talents, and photographer everywhere. May nakakilala sa kanyang iba ngunit nag-alangan sigurong lapitan siya dahil na rin sa walang emosyon niyang mukha habang naglalakad.   “Smile, Lenneth, tinatakot mo ang mga tao,” sabi ni Eve at pinindot ang button ng elevator. Nang bumukas iyon ay pinauna silang pinapasok ni Ms. Alto at saka nito pinindot ang top floor.   “Hindi ko kasalanan kung nai-intimidate sila sa itsura ko. I don’t need to please everyone, Eve.” Nakahalukikip niyang turan dito.   Sininghalan siya nito ng tingin at hindi na kumibo. Tahimik lang silang tatlo habang paakyat ang elevator papunta sa opisina ni Pierre, sinulyapan niya ang babaeng nag-aassist sa kanila at wala itong kibo sa unahan nila.   Hindi naman nagtagal at nakarating na sila sa top floor.   “This way, ma’am, please?” magalang na wika ng babaeng nag-aasist sa kanila.   Nang tumapat sila sa isang pinto ay bigla siyang nakaramdam ng kaba, hindi niya alam kung para saan iyon at kung ano ang dahilan basta bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya nang marinig ang malamig na boses ng binata sa loob ng opisina.   Lihim siyang napasinghap nang unti-unting pihitin ng babae ang seradura ng pinto ngunit pinilit niyang maging kalmado at pinanatili ang alang ekspresyon niyang mukha.   “Good afternoon, Sir,” bati ng babae sa lalaking nakaupo at nagbabasa ng mga papeles.   Nang mag-angat ito ng mukha ay nagkasalubong ang mga tingin nila at nagtayuan ang mga balahibo niya nang makita ang pamilyar na kislap ng mga mata na hinding-hindi niya makakalimutan.   Kenneth…   “Lenneth…” tawag niya.   Sandali siyang natulala at nanigas sa kinatatayuan, kung hindi pa siya lihim na kakalabitin ni Eve ay hindi pa siya babalik sa huwisyo.   “Good morning, Mr. Esparza. How are you doing?” Nakangiting bati ni Eve sa binata habang siya ay tahimik lang at dahan-dahang naglakad papunta sa itinuturo nitong sofa.   “I’m doing great, you want anything to drink?” tanong nito na nakatingin sa kanya.   Umiling siya. “Don’t bother, hindi kami nagpunta rito para diyan.” Napatingin siya kay Eve nang sikuhin siya nito sa tagiliran.   Masyado bang harsh ang sinabi ko?   “Oh, yeah,” ani Pierre at bumalik sa desk niya para kunin ang mga dokumentong binabasa nito kanina. “Here is the schedule and the location, the photoshoot will begin tomorrow at ang unang location ay dito na muna sa Company, after that, we’re going to Paris for the next shoot and Italy, after that we need to go to your house to shoot some scenes. The last part will be on the beach for our wedding photoshoots,” paliwanag nito.   “Our wedding, huh?” Nakataas ang kilay na tanong niya rito.   “Yeah, we should stick to the script para hindi tayo mailang sa isa’t-isa sa oras na gagawin na natin ang shoot,” sabi nito.   “He has a point, Lenneth,” sang-ayon ni Eve at binasa ang papeles na inilapag ni Pierre sa ibabaw ng mesa. “Isang buong buwang kang busy at magta-travel sa iba’t-ibang lugar. Hmm…”   Inilabas niya ang mga designs na gawa niya at ipinakita dito. “Here are the designs, you can check them kung naayon ba sa tema ang mga gawa ko.”   “It’s past one in the afternoon, I haven’t eaten lunch. Okay lang ba na pag-usapan natin ito habang kumakain tayo?” tanong ni Pierre na kinuha ang mga gawa niyang desinyo.   “Good idea, nakalimutan rin naming kumain ng lunch. Do you have any suggestions where we can eat great foods?” sabi ni Eve na inunahan siyang magsalita.   Tumingin sa kanya si Pierre at hinihintay ang permiso niya, wala na siyang nagawa kundi ang sumang-ayon na lang. May magagawa pa ba siya gayong sumang-ayon na si Eve? Magmumukha naman siyang tanga niyon at hard to get kapag tinanggihan niya pa.   Bumakas ang kasiyahan sa mukha ni Pierre at agad itong tumayo sa kinauupuan nito at inalalayan sila palabas ng opisina nito.   “What the hell is with you, Eve?” bulong niya rito nang papunta na sila sa elevator.   “What? May sinabi ba akong mali? Mahirap tanggihan ang grasya, alam mo ba iyon? Tsaka isa pa, hindi mo ba napapansin ang mga ikinikilos niya at ang pamamaraan niya nang pagtitig sa ’yo?” anito.   Inirapan niya ito. I know! Kaya nga umiiwas ako sa kanya, dahil sa nangyari sa aming dalawa!   Tumahimik silang dalawa nang mapatapat sa elevator at sabay-sabay silang pumasok doon.   Dinala sila ni Pierre sa isang sikat na restaurant na malapit lang sa kinaroroonan ng kompanya nito. Masarap ang pagkain doon at kahit siya ay hindi agawang na-impress sa sa masarap na mga putaheng inorder ni Pierre. Naging maganda ang kinalabasan nang pag-uusap nilang dalawa at hindi niya akalain na mag-eenjoy siya sa pangatlong beses na pagkikita nilang ito.   “Oh, no,” ani Eve na tumingin sa screen ng cellphone nito. “I have to go, something came up at the boutique.”   “What? Where are Eya and Ian?” tanong niya rito.   “Wala si Eya dahil inaya ng asawa niyang mamasyal kasama ang anak nila. Ian is not familiar with everything so I need to go and check it out. Okay lang naman kung umalis na ako, ‘di ba?” anito.   “I think napag-usapan na naman namin ni Mr. Esparza ang lahat, at puwede na akong mag-excuse if—”   “No, honey, stay here and finish your conversation. Kaya ko naman na i-handle ang mga bagay sa boutique, if not I’ll call you immediately,” mabilis na tutol ni Eve sa sinasabi niya at tumayo na para magpaalam. “Thanks for the food, Mr. Esparza, it was great.” Nakangiting saad nito kay  Pierre.   Tumango lang ang binata at nagpatuloy na sa pagtingin sa mga gawa niya. Nagdalawang-isip siya kung papayagan si Eve na umalis at kung magpapaiwan siya doon, sa huli ay pinili niya ang huli. Marami pa talaga silang kailangang pag-usapan para sa isang buwan na taping na gagawin niya at ang paglabas ng video commercial niya kasama ito. It was the final blow for this project.   Hindi pa solid ang planong nagawa nito at kailangan niyang i-check iyon at magbigay ng suggestions kapag hindi niya gusto ang mangyayaring senaryo.   Pag-alis ni Eve ay nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Itinuon niya ang atensiyon niya sa pagkaing nasa harapan niya at pinilit umakto ng natural. Hindi siya puwedeng magpahalata ditong apektado siya sa pagsosolo nito.   “Are you done eating?” tanong nito sa kanya.   “Huh?” Gulat na tanong niya rito. “Uhm, yes.”   “I’ll just pay our bill and we’re going back to my office. Mas maganda kung pag-uusapan natin ito sa tahimik na lugar para mas maging klaro ang mga plano natin,” sabi niya at nagtawag ng Waiter.   Hindi na siya kumibo at tahimik na sinang-ayunan ang sinabi nito, may parte sa kanya ang tila excited dahil sa masosolo niya ang lalaki at hindi siya makapaniwalang iba rin ang reaksyon ng katawan niya sa tumatakbo sa isip niya.   Hindi niya napigiang mapalunok ng laway at pamulahan ng mukha. s**t! I’m not a teenager, anymore pero bakit ganito ang nararamdaman ko?   “Let’s go?” Narinig niyang turan nito.   Huminga siya ng malalim at tumango, sabay tayo. Nauna siyang naglakad dito, tinipon niya pa kasi ang mga dala nilang sketches.   Tahimik silang umakyat sa opisina nito at walang kahit sino sa kanilang dalawa ang nangahas na magsalita, nagulat pa nga siya nang tumunog ang elevator, hudyat na nasa destinasyon na sila.   Inunahan niya ito sa paglabas ng elevator at nang tumapat sa mismong opisina nito ay tumigil siya para ito na mismo ang magbukas ng pinto.   Parang may umihip na malamig na hangin sa katawan ni Lenneth nang isara ni Pierre ang pinto. Bakit parang nag-iba ang temperatura ng paligid ng sila na lang dalawa ang nasa loob ng kuwartong iyon?   It feels like something from her inside lit up and all she could think of are pushing him into his swivel chair and sit on his lap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD