Palubog na ang haring araw, ang kalsada ay unti-unti ng sumisikip kasabay ng pagdagsa ng mga tao sa sakayan. Inilibot ni Shei ang tingin sa buong lugar, mukhang wala pa balak umuwi ang kasamahan na tutok pa rin sa trabahong ginagawa.
Marahan siyang tumayo, ingat na hindi gumawa ng ingay. Dala ang mainit na kape na pumasok sa loob ng opisina ni Denis na abala sa pagbabasa ng mga report na ipinasa.
"Here's your coffee, sir." Ani Shei bago inilapag ang mainit na kape.
Hindi nag-abala na magtaas ng tingin at nanatiling nakatingin sa binabasang papel. "Salamat."
Katulad ng iba, mukhang wala rin balak umuwi ang amo. Kung sabagay, sa taas ng tambak na papel sa mesa nito ay kukulangin ang walong oras sa pagbabasa.
Nagpaalam siya't lumabas ng opisina. Natagpuan niya ang tingin ng mga ka-trabaho na nag-aabang.
Lihim na kumunot ang noo niya. "May problema ba?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito na mabilis nag-iwas ng tingin.
Nang mapansin na walang may balak na sagutin ang tanong niya'y kibit balikat siyang bumalik sa pwesto. Halos isang linggo na rin ang lumipas, nakakasanayan niya na ang lahat sa bagong trabaho. Mas maayos pa sa inaasahan niya pero ang tingin ng ka-trabaho ay iba.
"Pst, Shei!" Hinanap niya ang mahinang tinig nang dumapo ang tingin sa katabi.
Tumaas ang kilay niya pero nginitian lang siya ng babae. "Pwede ko sabihin sa iyo lahat ng gusto mo malaman--"
"t-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong. Ito ang pangalawang tao na kumausap sa kaniya sa loob at gusto makipagkwentuhan. Ang una ay iyong lalaking hindi na niya muli nakita.
"Oo, pero ilibre mo 'ko ng kape ah?" Hirit nito saka inilahad ang kamay. "Anyway, Kathleen Perez."
"Shei Brillantes." Tanggap niya saka nginitian ang dalaga.
"I know. Basta mamaya, ichika ko sayo lahat ng gusto mo malaman." Sabay kindat nito at mahinang tumawa.
Malapad na ngiti ang tinugon niya bago binalik ang tingin sa ginagawa. Katulad ng amo, tambak din ang papel sa mesa niya. Lahat ay dumadaan sa kaniya bago makarating sa binata.
Dapat lang na worth it ang sahod sa dami ng trabaho na ginagawa. Isip-isip niya saka sunod-sunod na napabuntong hininga.
Tuluyan ng kinain ng dilim ang kalangitan, lumalalim na ang gabi sa bawat oras na lumilipas. At unti-unti na rin kumakaunti ang tao sa loob.
"Hindi ka pa uuwi?" Agaw ni Kathleen sa atensyon niya. Nag-aayos na ito ng gamit at sarili. "H'wag mo masyadong sipagan, hindi mo iyan ikakayaman." biro nito.
Mahinang tawa ang kumawala sa labi niya saka nilingon ang binata. "Magpapaalam na muna ako." aniya.
Tumango lang si Kathleen, tinungo niya ang kinaroroonan ng amo ngayo'y hinihilot ang sentido. "Uuwi na po ako." paalam niya.
"Ihahatid na kita." Presinta ng binata.
"Salamat pero hindi na," tanggi niya bago yumukod, "mauuna na po ako."
Hindi na niya hinintay pa ang sagot, nagmamadali siyang lumabas ng opisina at inayos ang gamit niya. Samantala, walang magawa si Denis kundi sundan ng tingin ang dalaga hanggang sa mawala na sa kaniyang paningin.
"Talagang 'yong marites pa ang nakuha niyang samahan." Iiling-iling.
Amindo si Denis na panget ang imahe niya, bukod sa alam ng lahat ang pagiging babaero niya ay kilala pa siya dahil sa papalit-palit ng sekretarya. Ang hirap talaga maging gwapo at magandang lalaki.
Isa-isa niya rin iniligpit ang gamit sa mesa. Ang dalaga ang hinihintay niya magmula pa kanina, hindi naman siya nagtatagal ng ganong oras sa trabaho dahil mas gugustuhin niya tapusin ang lahat sa condo.
NAKAYAPOS ang braso ni Kathleen sa braso ni Shei nang pumasok sila sa loob ng mausok na korean restaurant. Gabi na rin kaya't napagpasyahan nilang dumiretso sa pagkain.
Hindi naging mahirap para sa kaniya na makuha ang loob ng katrabaho, mabait ito at bibo kaya't mabilis napalagay ang loob niya dito.
"Ano nga pala ang tungkol kay sir?" Inosenteng tanong ni Shei. Gusto niya malaman ang dahilan sa likod ng tingin ng mga tao. Dumagdag pa sa kuryosidad niya ang pahiwatig ni Kathleen at nang lalaking model ng toothpaste.
"Mula nang pumasok ako sa kompanya, umiikot na ang usap-usapan patungkol sa kaniya." Sabay subo ng fishcake na unang inilapag sa mesa bago sila pumasok. "Noong una, hindi ako naniniwala pero ako na mismo nakakita." kibit-balikat nang taong na sanay na sa nasasaksihan.
"Nakita? Teka, ilang taon ka na ba nagtratrabaho doon?" Sa itsura nito ay hindi nagkakalayo ang edad nila pero kung magsalita ay tila alam na alam na ang lahat.
"Oh, three months palang." Nagpeace sign ito saka tumawa. "Walang nagtatagal na secretary kay Sir Denis kaya napansin mo, walang kumakausap sa iyo dahil nasa isip ng lahat aalis ka rin agad."
Kumunot ang noo niya. "Huh? Anong kinalaman ko sa naunang namasukan sa kaniya?" Mukhang mabait ang binata--o baka sa akin lang?
"Sexy 't maganda. Iyon ang pangunahing rason." Tumango-tango si Kathleen bago tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Ang tipo mo ang hilig niya." pahabol niya pa.
"T-teka!"
"May dalawang rason kung ba't walang nagtatagal sa kaniya. Una, pagnagkagusto ang secretary niya agad niyang tinatanggal. Takot sa commitments at responsibilidad 'yon ang sabi ng iba." Sa itsura ni Denis, mukhang wala nga itong magandang gagawin.
"Malabong magkagusto ako sa kaniya." Buo ang loob na sabi niya. Hinding-hindi siya magkakagusto sa katulad ng lalaking 'yon, itsura pa lang ay sakit na ng ulo ang hatid.
"Mahirap magsalita ng tapos." Suway ni Kathleen na kinarik lang ng mata niya.
"Ano ang pangalawa?"
"Pangalawa, kung nakuha--natikman niya na ang secretary niya. You know, iba sa mga babae after S3x ay naghahangad ng relationahip. Iyon ang nangyari sa huling secretary niya." Sandali itong huminto sa pagsasalita bago pinagpatuloy ang sasabihin. "Wala silang pakealam kung may nakakakita o nakakarinig sa kanila, mailabas lang ang init ng katawan nila. And after a month, hindi ko sure pero narinig ko sa iba, na si girl naghahangad ng lebel kaya ayun natanggal."
May nangyari na sa amin. Ibig sabihin, iingatan ko na hindi mahulog sa kaniya para matanggal sa trabaho. That's basic dahil hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya.
QUARTER to nine nang nakauwi si Shei. Hindi mawala ang lahat ng pinag-usapan at nalaman niya kay Kathleen. Kaya pala ganon na lang ang tingin ng mga tao sa kaniya at kung bakit una palang ay pinaalalahanan na siya.
Isang himala ang magtagal sa pwesto na 'yon. Kaya sisiguraduhin ko na ako ang himala na 'yon.
Ilang ikot na ang ginawa, lahat na ng posisyon ay nasubukan na niya ngunit hindi pa rin dinadapuan ng antok. Inis na tinanggal ang pagkakatalukbong ng kumot, sunod-sunod na bumuga ng mararahas na buntong hininga bago tumayo.
Kung kailan oras ng pahinga, hindi siya makatulog pero pag oras ng trabaho walang oras na hindi naghihikab sa sobrang antok.
Habang nagsasalin ng malamig na tubig, kumunot ang noo niya na bumaling sa cellphone.
Anong trip niya sa buhay na tumatuwag pa ng ganitong oras? Tanong niya sa sarili na nakatingin sa pangalan g tumatawag.
"Good evening, sir. As far as I know, tapos na ang oras ng trabaho ko kaya kung anoman ang sasabihin mo ay--"
"Did I wake you up?" Tanong nito na tila walang narinig sa lahat ng sinabi niya.
Nagdidikit ang kilay. "Hindi."
"That's good! Susunduin kita sa apartment mo--"
"At bakit?" Malalim na ang gabi, walanh dahilan para magkita sila. Muling pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Kathleen.
"I can't sleep, samahan mo muna ako lumabas." Pag-aaya nito. "My treat."
Sa pagkakataon na iyon, hindi lang nagdidikit ang kilay, pati ang mata ay tumirik sa dahilan. "Matutulog na ako."
"Please?" Pakiusap nito. "How about puntahan natin ang mga cravings mo. My treat."
Nakaka-tempt pero, "Nope. Tapos na ang trabaho ko, sir. Hindi rin kasama sa babayaran ng kompanya kung sasamahan kita--wala rin sahod." pahabol niya.
"Fine. Babayaran ko ang oras mo samahan mo lang ako." Lahat na ay gagawin para lang sumama ito.
"Magkano ang rate?"
"Five thousand." Mabilis na tugon. "Deal?
"Deal." Malaki ang ngiting tugon. Mas malaki pa ang ibibigay nito kesa sa sahod niya sa trabaho. "Treat mo pa rin?"
"Yeah." Narinig niya itong sunod-sunod na napabuntong hininga. "Susunduin kita sa apartment mo."
"How--"
"Nasa resume mo. Be ready, I'll be there in 15 mins." Anito kasabay ng paglagabog ng pinto saka pinatay ang tawag.
Sinilip ang cellphone at napakibit balikat. Nagpunta sa kwarto't nagpalit ng damit, hindi na siya nag-abala pa na maglagay ng kolorete. Wala naman titingin sa kaniya at gabi na.
Saktong kinse minutos, dunating si Denis sakay ng puting raptor. Walang sabi-sabi na pumasok siya sa likod.
"What?" Tanong niya ng napansin nakatingin sa kaniya ang binata.
"Baby, i'm not your driver." Anito na may seryosong tono.
Sunod-sunod siyang tumikhim bago lumipat sa harap, hindi na rin pinansin ang pagtawag na 'baby' sa kaniya.
"Saan tayo pupunta?" Pag-iiba niya ng usapan. "Ano ba gusto mo kainin?"
"Ikaw." Pilyong tugon nito na may malaking ngiti.
"Aayusin mo ang buhay mo o uuwi ako?" Nagdidikit ang kilay niyang tanong.
Mahinang tumawa si Denis saka umiling. "Chill, nagbibiro lang ako. Ano ba ang cravings mo?" Pagbabalik nito ng tanong.
Sandali siyang nag-iisip-isip, nang mag-umpisa siyang maglaway sa, "Balut."
"Ha?" Nakangiwing reak ni Denis, hindi inaasahan ang sagot niya.
Hindi na nakapagrekalmo ang lalaki. Sunod nalang niyang namalayan, nasa isang kanto sila't nakatingin kay Denis na diring-diri hawak ang sisiw ng balut at pikit-mata na inisang lunok.
"Fnck."