"Pahinaan mo yung aircon, masyadong malamig." inis kong turan kay Tyron ng nasa loob kami ng dressing room. Kanina pa siya tayo ng tayo kaka-adjust nung aircon. Nababaliw na ata siya. Tumayo si Tyron para sundin ang utos ko. Hinarap ko si Rafael na kanina pa nawe-weirduhang nakatingin sa amin. Hindi nga tuloy-tuloy ang usapan namin dahil kay Tyron. Ang kulit masyado. "So gaya ng sinabi ko, may natanggap nga akong isang invitation from Aspire para mag-guesting ka sa kanila. Hindi ako makapaniwala. Aspire, Gianne!!! Aspire!! Alam mong sobrang halaga ng Aspire fashion show sa industriya. Lahat ng mga known designers and models and kung sinu-sino pang kilala sa industriya ay pupunta para lang mapanuod yan. This is your time to shine honey!" Napatunganga ako. No way. Ang tagal kong hinintay

