Solo kong kasama si Acey ngayon dito sa stage. Kinausap ni Miss Chandria si Tyron kaya naman iniwan niya muna ang anak sa akin. Kumakain si Acey ngayon ng chocolate habang nanunuod lang ako sa kanya. Hindi ako pwede saka hindi ko rin hilig ang chocolates. "Acey, can I ask you a question?" Matagal ko na talagang gusto tong itanong. Curious na curious na ako. "Of course mommy." Huminga ako ng malalim. Magtatanong lang naman ako. "Nasaan ang mommy mo? I mean yung tunay?" Tumingin siya sa akin at natigil sa pagkain. Nakita kong lumungkot ang ekspresyon nito. Mali ba ang tanong ko? Don't tell me, iniwan sila ng nanay niya? "Wala na eh." sagot niya. I raised my eyebrow. "Saan nagpunta?"

