Kasama ko ang mga anak ko sa sasakyan pati na rin ang tatlo kong kaibigan. Nasa likod din si Tom na kanina pa kinukulit ni Tina. Ako na nga yung nahihiya eh lalo na at mukhang naa-awkward ang tao sa ginagawa ng kaibigan ko. Si Tina naman kasi mukhang may balak talagang sulutin ang lalaki sa girlfriend nito. Kaloka. Katabi ko ang dalawang anak na ngayon ay busy ulit sa Ipad nila. Tinuturuan ni Edmund si Ericka sa isang game app na hindi ko alam. I can't relate to them anymore. They grew up really fast. "COZ WE NEVER GO OUT OF STYLE. WE NEVER GO OUT OF STYLE." Ayan na naman sila sa pagkanta nila. Ang annoying din minsan lol. Ang titinis pa ng mga boses. "They're so noisy." inis na wika ni Edmund habang nakatakip sa tenga niya. Tumawa si Ericka. "They're actually fun." Nailing na lang

