Two

1629 Words
           Pinaliwanag sa akin ang kondisyon ng anak ko. Halos wala akong maintindihan. Bobo ako sa mga ganyan eh. Ang alam ko lang, may sakit ang anak ko. Hindi lang basta bastang sakit. Cancer!! Mababaliw ako kakaisip. My daughter needs to undergo Chemo therapy!!! Kung hindi man daw tumalab after ilang sessions kailangan na niyang operahan. Bone marrow chuchu daw. Are you kidding me??? She's just four!!! Paano niya kakayanin ang mga ganyang bagay? Ang liit pa niya. Ang bata pa. Dapat naglalaro siya. Dapat wala siya sa loob ng hospital.             Malaki-laking pera ang kakailanganin sa pagpapagamot ng anak ko and to be honest wala akong ganun kalaking halaga. Nagmo-model lang ako. Nahihiya naman ako kung iaasa ko lang lahat sa pamilya ko so I need to find a way. Kaya ako andito ngayon sa harap ng opisina ni Rafael.              Naalala ko yung offer niya sa akin. Malaki-laking pera din yun. Sakto para sa pagpapagamot sa anak ko. I know sinabi ko na hindi ko tatanggapin ang offer pero uunahin ko pa ba ang pride kesa kay Ericka?               Humugot ako ng malalim na hininga bago ako kumatok sa pinto ng opisina ni Rafael. Ilang katok lang ay bumukas ito at bumungad sa akin ang manager ko na takang takang nakatingin sa akin.                I gave him the envelope na pinirmahan ko na. "Tinatanggap ko na ang offer." walang kaemo-emosyon kong wika.                Mabilis niyang binuksan ang envelope at tinignan ang pirma ko. Sumilay ang malapad na ngiti mula rito. "Good choice, Gianne. Siguradong mas maraming offer ang papasok sayo pagkatapos ng proyektong ito. Don't worry, ako na ang bahala sa lahat. All you need to do is relax and ihanda ang sarili mo."                I smiled weakly. "Tatlong linggo. Tatlong linggo lang naman diba?" tanong ko dito.                "Yep. Tatlong linggo lang ang nakalagay dito. After ng tatlong linggo, makukuha mo na ang limang milyon mo. Easy money, sweetheart."                I nodded. "Pwede ko namang isama ang mga anak ko?" tanong ko.                Actually hindi ko pa alam kung isasama ko ba sila. Lalo na si Ericka. Maga-undergo siya ng Chemo so that means kailangan niyang mag-stay dito. Pero hindi ko sila kayang iwan dito. Matagal-tagal din ang tatlong linggo. Pwede naman sigurong next month na lang? Plus sabi ng doctor, kailangan munang ihanda ang katawan ni Ericka. That means hindi gagawin agad-agad ang chemo.               "Of course, Gianne. Hindi mo naman pwedeng iwan ang mga chikiting na yun. Ihahanda ko na rin ang mga papeles nila."               "Thank you. So, Tatawagan mo na lang ako pag okey na ang lahat?"               "I will, Gianne."               I talked to my family about my new project. Masaya naman sila sa nalaman. Sa wakas ay makakauwi na daw kami ng pilipinas at mas matagal nilang makakasama ang anak ko though andun pa rin ang pag-aalala dahil sa kondisyon ni Ericka. I asked the doctor kung pwedeng magbakasyon si Ericka and pumayag naman ito pero nag-refer siya ng nurse na magbabantay kay Ericka para kung sakaling may mangyari dito ay may makatulong sa amin. May facilities naman daw ang pilipinas para sa mga ganitong bagay. Pero kung lumala man, kailangan daw agad na ibalik dito si Ericka.                Hinahanda na namin ang mga gamit namin. Excited ang dalawang bulilit dahil first time daw nilang magbakasyon sa malayong lugar. Mostly kasi daw sa new york lang. Dito lang sa amerika. Tsk.                "Handa na ba kayo? Wala na kayong nalimutan?" tanong ko sa dalawa na hawak hawak na ang maliliit nilang maleta. Ang cute nga tingnan eh.                 "I packed all my things tulad ng sinabi ninyo." ani Ericka.                 "Me too." -Edmund.                 Ginulo ko ang buhok ng dalawa. "Okey. Let's go?"                 Tinawag ko ang nurse na mag-aalaga kay Ericka. His name's Tom. Mabait naman saka pinoy. Sinadya talaga ng doctor na pinoy ang nirefer niya para hindi masyadong mahirap sa both side. I think twenty four pa ata siya? Bata pa talaga. Excited na ngang umuwi ng pilipinas dahil nalaman ko na meron siyang girlfriend doon na naiwan niya para magtrabaho dito.                 Sumakay na kami ng taxi. Kasama namin si Gian pauwi. Hindi naman pwedeng dalhin namin yung sasakyan niya so commute na lang. Habang nasa taxi ay di magkandamaliw ang mga anak ko. Lahat ng lugar na alam nila, nagba-bye sila. Ang ku-cute talaga. Ipapasyal ko sila sa mga magandang lugar sa pilipinas pag dating namin. Hindi na ako makapag-hintay sa reaksyon nila.                 "Careful. Baka madisgrasya kayo!" sita ko sa dalawa. Tumatakbo kasi papunta sa loob ng eroplano. Tsk.                 "I'm really excited!" ani Ericka sa kapatid niya.                 "Don't run! Baka ma-dizzy ka na naman." hinawakan nito ang kamay ng kapatid at inalalayan sa loob.                 Natuwa ang puso ko sa nakikita. Protektadong protektado ni Edmund si Ericka. Naaalala ko kaming magkakapatid ko sa kanila. Ganyan din kasi sina Gian at Gio sa akin.                 Umupo na kami sa mga seats namin. Katabi ko ang mga anak ko habang sa likod naman sina Gian at Tom. Nasa tabi ng bintana si Ericka at sa gitna naman si Edmund. So nasa gilid ako ng aisle. Ang pinaka-hate kong pwesto sa lahat.                 "Mommy, sa philippines ba nakatira sina Lolo at lola?" tanong ni Ericka.                 I nodded. "Naghihintay na sila sa inyo saka yung mga pinsan niyo."                 "Excited na ako!!" sabay nilang sambit.                 Anyway, nauna na si Rafael sa pilipinas. Ihahanda niya sana ang titirhan namin but I said na sa bahay na lang ng mga magulang ko ako titira while andun sa pilipinas saka hindi papayag sina mommy na hindi noh. Gusto daw kasi nilang maka-bonding ang mga apo nila.                 Tinignan ko si Edmund na may suot na headphone. Para na talagang binata kung gumalaw toh. May crush na nga eh. Pag nasa middle school na daw sila, liligawan niya daw ang crush niya. Hindi ko nga kinaya eh. Si Ericka naman, tahimik lang sa school. Opposite sila ni Edmund. Buti na nga lang at magkasundo silang dalawa eh.                 Welcome home. Andito na kami sa pilipinas. Konti lang ang nagbago dito sa airport ha? Infairness, may forever. Nang palabas na ay napangiti ako ng makita ang mgamagulang ko kasama sina Gio. Kasama din ng mga ito sina Rebecca at Tina.                  Hinawakan ko ang kamay ng mga anak ko saka masaya kaming tumakbo papunta sa mga ito.                  "GIANNE!!!!!!!" sabay sabay nilang sigaw. Kung masaya silang nakita ako, mas masaya sila ng makita ang dalawang kambal na nasa tabi ko.                  "Ang mga cute kong apoooo!!!" tumakbo si mommy papunta sa dalawa at niyakap ang mga ito. Nilapitan na rin ng iba ang dalawa na tila naaasiwa sa kanila. Paano ba naman kasi? Kung makayakap, akala mo naman first time makita ang mga anak ko. Well, except kay Tina. Sa video call niya lang nakikita ang dalawa.                  "We miss you, Gianne." ani Rebecca ng nasa harap ko na. Niyakap ko ang dalawang kaibigan.                  Tumikhim si Gian na nasa likod ko. "Wala man lang akong hug?" nakanguso nitong tanong kay Rebecca.                  Sumilay ang isang malapad na ngiti sa mukha ni Rebecca saka niyakap ang kapatid ko. She cupped his face. "I miss you."                 "I miss you too."                 At ayun! SPG kung SPG ang dalawa. Tsk. Kitang kita ko kung gaano kamahal ni Rebecca ang kapatid ko kaya naman masayang masaya ako sa kanilang dalawa. Natigil na nga ang pagiging babaero ni Gian dahil sa kaibigan ko. I swear sobrang loyal niya. Hindi nga tumitingin sa ibang babae while nasa California. Kahit minsan nagpapa-cute sa kanya ang mga kasama kong mga models, siya na mismo ang umiiwas. I'm so happy for him. May ka-forever na siya. Ilang buwan na lang, ikakasal na sila. So probably, magkakasama na kami ni Rebecca sa california dahil hindi naman pwedeng iwan ni Gian ang mga negosyo.                 "Anubey? Uwi muna tayo!!! May hinanda kaming foods para sa inyo at sa mga pamangkin ko!!! I heard di pa sila nakakakain ng pinoy foods." ani Ate Cath.                I smiled. "Ganun na nga!"                Kinuha ko si Ericka mula sa kanya. Mukhang hindi na makahinga dahil pinapalibutan nila. Alam niyo namang mahina ang anak kong toh. Hinawakan ko si Edmund sa kabilang kamay at pumasok kami sa loob ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD