Sa kalagitnaan ng celebration nila, napansin ko si Nathalie na papalapit sa akin kaya ngumiti ako sa kan'ya. Nakasuot na ito ng sweetheart swim suit na kulay pink. "Let's swim," yaya niya sa akin habang nakangiti. Napatingin naman ako kay Braeden dahil napansin kong tumingin din ito sa akin. Nag-aalangan ako dahil wala naman akong dalawang swimsuit. "Wala akong dala swimsuit." Nahihiya akong ngumiti. "Don't worry, may isa pa akong swimsuit doon at hindi ko pa nagagamit. I'll give it to you na." Ngumiti siya ng matamis. "Go ahead if you want to swim, babe," sambit ni Braeden. B-babe? Sarap naman sa feeling. Ngumiti ako sabay tango. Iniwan ko muna si Braeden kasama ang mga ka-team niya habang ako ay hila hila ni Nathalie papunta sa kwarto nila ni Jack. Nahihiya pa nga ako dahil ngayon

