MAKALIPAS ANG APAT NA ARAW... "Ano ito?" naguguluhan na tanong sa akin ni Naya. Walang emosyon ko siyang nilapitan. "Ano na naman ba 'yon?" "Ito oh." Pinakita niya sa akin ang cellphone niya. Nag-post ng picture si Nicole with Braeden at sa caption ay sinasabing hiwalay na sila kagabi pa. Braeden and I broke up last night. Actually, we weren't okay 2 days before and we tried to fix it but we couldn't, so we just decided to break up. Thank you very much for supporting us. "Break na sila?" hindi ko makapaniwalang tanong. Madaming nagsilabasan na comments at sa pinakaunang comment nagulat ako nang mabasa ko iyon. "Ano? Anong masasabi mo?" tanong ni Naya nang ilayo na niya ang cellphone niya sa akin. "May third party daw na naganap kaya sila nag-break." "Oo, nabasa ko nga ang comment

