Nandito na ako ngayon sa bahay at nakatulala na naman sa kisame. Hindi na ako na hatid nia Braeden dahil may pupuntahan pa siya at may practice pa sila kaya ngayong gabi walang tao sa condo niya. Napatingin ako sa pinto nang maramdaman kong may pumasok at iyon ay si Naya. Dumiretso siya sa cabinet kung saan nakalagay ang isa niyang bag. "Naya..." sambit ko na parang nagpapabili ng kung ano. Agad naman siyang tumingin sa akin. "Oh! Nandito ka na pala? Kamusta ang date ninyo ni Braeden?" Binitawan na niya muna ang bag na hawak niya at binalik sa cabinet at lumapit sa akin habang nakangiti. "Hindi naman date 'yon." "E ikaw mismo nagsabing date!" Kumunot ang noo niya. Huminga ako ng malalim. "Joke lang 'yon syempre... at saka as if naman na makaka-date ko si Braeden? Asa na lang talaga a

