Palabas na kami ng kompanya ngayon ni Naya at pinag-uusapan na rin namin ngayon ang tungkol sa birthday ng lola nila Steven. "Anong oras daw ba start?" tanong ko sa kan'ya habang papunta kami sa parking lot. "Ang sabi niya 7 pm," sagot nito. Tumingin ako sa relo ko at 5 pm palang kaya may 2 hours pa kami para mag-ayos. Sumakay na ako sa passenger seat ng kotse niya dahil hindi ko dala ang akin. Ewan ko ba at tamad akong dalhin ang kotse ko ngayon at baka nga makisakay na lang din ulit ako kay Naya mamaya pagpunta kila Steven. "Hindi ba nandoon din si Braeden mamaya?" Tiningnan niya ako. Tumango ako. "Oo, hindi ko nga naalala na magpinsan nga pala sila no'ng pumayag na ako kay Steven sa pag-invite niya sa atin." "Okay lang 'yan, act normal lang. Kahit na nandoon pa sila ni Nicole, kas

