Napupuna niya ang panay titig ni Adriane sa kanya,nararamdaman niya iyun. May gusto ito sabihin pero tahimik lang ito. Magkaharap sila sa mesa habang pinagsasaluhan nila ang niluto nito adobong baboy. "Speak..nasisense ko na may gusto kang sabihin..spill it out now.." dominante niya saad rito. Hindi ito kaagad nakaimik sa pagkabigla. Ngumiti ito pagkatapos. "Hindi ako sanay na tahimik ka,speak now." She sighed. "Uhm,may gusto kasi ako itanong dapat noon pa'to.."anito. "What is it?" "Uhm,bakit mo nga pala ginawa yun Kay Mr.Sato?..galit na galit siya sayo." Inihinto niya ang pagsubo. Mataman na hinarap niya ito. Nagkibit siya ng balikat. "Hindi lang ikaw ang gusto niya abusuhin,Adriane..mas may nauna pa sayo..tinuruan ko lang siya ng leksiyon.." Tumango-tango ito. "Kung ganun dahi

