Tuliro pa rin siya mula ng iwan siya ng kanya Sir Brikz. Malinaw niya narinig na pinalilipat nito ang mga gamit niya sa kinaroroonan niya ngayon. Tuliro na inilibot niya ang mga mata sa kabuoan ng silid. Nanginginig na tumayo siya at lumabas sa silid iyun at sumalubong sa kanya ang maluwag at malinis na salas at sa isang bahagi naman ay ang papunta kusina. Totoo ba ito nakikita niya. Isang condo unit ba ito? Napansin niya ang isang floor to ceiling na glass wall. Nanlalaki ang mga mata na lumapit siya roon. Napaawang ang kanya mga labi ng makita ang nagkikislapan mga ilaw mula sa siyudad. "Totoo bang dito na ko titira?" maang niya bulalas habang nakatanaw pa rin sa labas ng glass wall. Kinabukasan , maaga siya umuwi para hakutin ang mga gamit niya. Hindi naman marami ang gamit niy

