Inasahan na niya na aakto na parang wala nangyari ito noong nakaraan gabi gaya ng nangyari noon sa stocks room. Aminin man niya o hindi medyo nasasaktan siya dun. Alam niya nag-aassume talaga siya. But no,kailangan niya mag-ingat sa ikikilos niya. Ang gaya ni Brikz Lucio ay walang pakiramdam. Hindi malamang naniniwala sa forever. Magkabaligtad sila ng ugali. Napakalaki ng pagkakaiba nila. Hinding-hindi siya nito magugustuhan kailanman. You are mine. Agad na iwinaksi niya ang muli pag-assume ng kanya puso. Napaigtad siya ng bigla may kumatok sa desk niya. Isang mataray na babae ang inip na nakatingin sa kanya. "Yes,ma'am?" "Oras ng trabaho nakatunganga ka lang? Kanina pa ko nandito sa harapan mo ah?" pag-ismid nito. Lihim siya napataas ng kilay. At sino ba itong babae na ito? "W

