PARANG lantang gulay na nakasandal si Caspian sa tabi ng isang puno habang hawak-hawak ang ulo. Kakatapos lang namin sa ika-pitong rides na sinakyan namin at hindi ko pa nasusulit ang ride all you can na binayad niya. Kinalabit ko siya at inabot ang bottled water na binili ko kanina. "Okay ka na?" Tanong ko at ngumiti. He frown. "A-are you going to ride again?" Tumango ako a nilingon ang isang mahabang roller coaster at ngumiti ng malapad. Bumalik ang tingin ko kay Caspian na nanlalaki ang mata at napalunok pa ng iilang beses. "No way! Ayoko na Dessa—" "Halika na! Mahaba pa ang gabi!" Hinila ko siya sa kamay at iginiya patungo sa entrance ng rollercoaster at nakisabay sa pila. Dahil siksikan ay naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa katawan ko na para bang pinoprotektahan

