TULALA lang akong nakatayo sa harap ng salamin sa loob ng comfort room. Ilang minuto na lang hihintayin para simulan ang subastahan ngayong gabi. Kinuyom ko ang kamao ko nang maisip ang kahindik-hindik na bagay na magagawa ng isang sindikato. At iyon nga ay ang pagbebenta ng mga babae para sa pansariling kapakanan. Huminga ako ng malalim at tinampal-tampal ang aking sarili. Dessa Joy! Focus! I'm an undercover agent kuno and not a reporter. Nilagay ko sa loob ng clutch bag ko ang isang recorder at hinawi ang aking buhok. Sa akin nakasalalay ang malaking balitang ito. I shakes my head violently and blow a harsh breathe. Kailangan kong mag-focus sa trabaho ko ngayon at isantabi ang sakit na nararamdaman ko dahil sa paghaharap namin ni Karim kanina. Though, my heart is broken right now, it

