Tahimik lang kami ni Miguel na naglalakad pabalik sa bahay. Tila hinahapo nako sa mabilis niyang paglalakad. Sunod lamang ako ng sunod sa kanya. Hapo at bigat ng pakiramdam ang ngayon ay nagsasapawan sa dibdib ko.
She's my ex paulit ulit na naririnig ko sa utak. Bakit ba ako nagkakaganito. Dahil ba to reaction ni Miguel?
Gusto kong magsalita, gusto kung magtanong. Gusto kung malaman kung ano yon? Bakit ganito? Bakit tila natameme na ako.
Hindi ko magawang tawagin siya o kausapin pa, seryoso lang siya at walang imik hanggang sa nakarating kami sa bahay. Dilim narin ng makarating kami.
Naabutan namin sila na nagvivideoke at nagsswimming sa infinity pool. May mga nagsasayawan pa, mga lasing na ata ang mga to.
Naagaw namin ang atensyon ng iba sa pagdating namin.
"Sam, buti nagkita kayo ni Miguel sa baba." Sigaw ni Mich habang hawak hawak ang kanyang Moet Chandon Champaigne na dala ni Jeffrey mula America.
Tumango lamang ako kay Mich bilang sagot. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko wala akong gana. Pakiramdam ko bagsak ang katawan ko. Dahil ba to sa nararamdaman ko?
Napalingon ako kay Miguel na kausap ngayon ni Alex. Halata sa muka ang galit ni Alex, mukang sinabi ni Miguel ang dahilan ng sugat sa labi niya. Pinagmamasdan ko lamang sila mula dito sa kinatatayuan ko.
"Pare, tara na iinom." Tawag ni Bryan sa kanya. Na tinapik pa sa balikat. "T-teka.. Pare napaaway kaba?" Tanong ni Bryan ng mapansin ang nasa gilid ng labi nito.
Halos lahat sila napalingon dahil sa lakas ng boses ni Bryan.
"What!?" Ngayon naman ay naglakad papunta si Tasha kay Miguel. "Miguel sinong gumawa nan sayo?" Kunot noong tanong nito. Pero ngumiti at umiling iling lamang si Miguel dito.
"Hindi wala to. Dont worry." Tatawa tawang sabi nito bago lumapit kila Bryan at sa iba pang boys.
Napalingon ako sa presensyang lumapit sakin.
"Anong nangyari?" Si Anne na darechong nakatingin sa mga boys. Nilingon ko lamang siya at nagkibit balikat. "Hindi mo alam? Sinundan ka ni Miguel sa baba? Tapos nagk------huyyy Sam!" Diko na pinatapos si Anne sa pagsasalita at naglakad nako palapit kay Miguel.
Nagulat siya ng makita ako. "Halika na muna." Magrereact pa sana siya pero hinigit kona pataas, kausap pa kasi niya ang ibang boys.
"San tayo pupunta?" Tanong nito habang nasunod sa akin.
Bago pako sumagot, tumigil muna ako sa harap ng isang pinto at saka siya hinila papasok sa loob. Nandito kami ngayon sa kwarto namin.
"Umupo ka dyan!" Sabi ko sa kanya, para naman siyang batang sumunod sa sinabi ko. Umupo siya sa side ng kama, nagdarecho ako sa cabinet at kumuha ng bulak at ibang panggamot sa sugat niya.
Tahimik lang akong tumabi sa kanya at sinimulan na gamutin ang pumutok niyang labi. "Ahh" mahinang daing niya ng maramdaman ang pagdampi ng bulak na may alcohol dito. Ramdam ko ang mataman niyang titig sa muka ko. Tila nagiinit ang pisngi ko dahil sa hindi niya kumukurap niyang tingin.
"Nakipagaway ka dahil sa ex mo!?" Tanong ko habang tuloy tuloy padin sa paggamot. Natigilan siya ng magsalita ako. Napabuntong hininga siya at bigla na lamang napayuko.
"Sam." Bulong nito sa pangalan ko. Eto na naman kami everytime na babanggitin ko o ioopen ko ang topic ng kanyang ex, hindi siya sasagot, iiwas at magbabanta sa boses na wag nakong magtuloy sa kung ano man ang gusto kung malaman!
"Yan kana naman e." This time napatayo ako at napaharap sa kanya. Nagulat siya dahil sa ginawa ko.
Napalingon siya agad sakin, bakit ganon ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Bakit ba kailangan masaktan ako ng ganito. Nasa bakasyon kami diba dapat masaya lang? Bakit sa simpleng bagay na to ang sakit na. Ano bang nararamdaman niya sakin? Ano ba ako para sa kanya.
"Sam alam mo mas mabuti pang bumaba na ulit tayo." Sabi nito. Sinubukan niya akong hawakan sa dalwang kamay pero binawi ko ito.
Hindi ko alam kung bakit may luhang kailangan tumulo sa mga mata ko. Agad ko itong winakli ng isang kamay.
"Nagkakaganyan ka dahil sa ex mo? Bakit?" Kunot noong tanong ko, this time hindi kona to palalampasin pa. Gusto kung malaman, gusto kung malaman kung ano ba talaga ako para kay Miguel. "Sumagot ka Miguel." Medyo tumaas na boses ko. Hindi padin siya sumagot. "Mahal mo paba ex mo?" Halos pabulong na tanong ko dito. Mabigat talaga pakiramdam ko. Never nagopen sakin si Miguel tungkol sa ex niya.
This time lumingon na siya sakin, mapungay ang mga mata. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon.
"Sam, hindi mo maiintindihan. Saka wag na nating palakihin pa to." Natawa ako dahil sa sinabi niya. Muling naginit at nangati ang mga mata ko.
"Pwes ipaintindi mo sakin!" Nagulat si Miguel dahil sa mataas na boses ko. "Ano bang meron sa ex mo at apektado ka padin ng ganyan!?" Alam kung wala ako sa lugar para manghimasok sa personal na buhay niya. Manghimasok sa desisyon niyang wag sabihin.
Nakatitig lamang siya sa mga mata ko. Hindi padin nakakabawi sa pagtaas ng boses ko. Huminga siya ng malamim, nadilaan niya ang ilalim ng labi bago makapamewang.
Tila hirap na hirap siyang magsalita, alam ko ramdam ko. "Ano!?" Muling pagtaas ng boses ko, this time seryosong seryoso na muka niya, kung kanina ay napapangiti siya ngayon hindi na.
"Sandra, my ex." Natahimik ako ng magsalita siya. "She's my long time girlfriend. She broke up with me, iniwan niya ako sa mismong kasal namin. Hindi siya nagpakita. Okay na ba sayo yon?" Hindi siya makatingin sakin, at bakit mas bumibigat ang pakiramdam ko ng mapansin ko ang pagtulo ng luha niya na agad niyang iniiwas. May galit dito, bawat salitang binibigkas niya ramdam ko ang galit dito.
"Miguel I love you." Hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin ang nilalaman ng puso ko. Napalingon siya sakin na para bang nabigla. Mataman lamang siyang nakatingin sakin.
"S-sam?"
"Mahal mo paba siya?" Tanong ko na lamang, napaiwas siyang muli ng tingin. At umiling iling.
"H-hindi ko alam." Nabaling ang tingin ko sa kanya.
"E ako ba? May chance bang ma-mahalin mo rin a-ako?" May kung anong bumukol sa lalamunan ko dahil sa lakas loob kung tanungin ito sa kanya. Huminga ako ng malalim at pilit tinigasan ang loob, gusto kung maging handa sa isasagot niya. Gusto kung mas maging handa sa sakit.
Natahimik siya sa naitanong ko. Di agad nakapagsalita. "Kasi ako, alam ko na mahal na kita." Dagdag ko sa sinabi ko.
Napanganga ang bibig niya. Hindi ko maintindihan bakit ba ganito ang dibdib ko. Bakit ba minahal kita ng ganito agad sa maikling panahon.
Matagal kaming natahimik, nakailang buntong hininga pa siya bago maihilamos ang palad sa muka.
"Sam importante ka sakin." Tanging nasabi niya lang sa ilang segundong pananahimik.
"M-miguel." Sa pagkakataon na to tuluyan ng tumulo ang luha ko.
"Sam, masaya ako. Masaya akong kasama ka. Masaya ako na lagi kang nandyan para sakin. Sam, hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka." Sagot lamang nito.
Hindi ko alam ang mararamdaman sa sinabi niya. Nilapitan niya ako, napasinghap ako ng hawakan ako sa magkabilang braso.
"Miguel." Bulong ko ng lapitan ako and the last thing I know magkalapat na lamang ang mga labi namin. Nakamulat lamang ako dahil sa bigla ng ginawa ni Miguel. Napakabilis ng pangyayari.
Yung bigat na nararamdaman ko ngayon ay unti unting nababawasan at napapalitan ng sobrang pagmamahal para sa kanya.
Ng magdampi ang mga labi namin, pakiramdam ko ay nalutang ako sa kawalan, ramdam ko ang unti unting paggalaw ng labi niya. Kusang dahan dahan napapikit ang aking mga mata at napahawak sa pisngi niya.
We are sharing a soft and gentle kiss.
***
Matthew's Pov
Napangisi ako ng sundan ko ang magkapatid na gunggong na to. Sila lang naman ang dalwang magkapatid na naghahari harian dito sa lugar na to.
Ang lalakas pa ng loob na magbenta ng droga at magturo sa ibang batang gumamit nito.
"Tingnan mo nga naman." Lumabas ako mula sa isang posteng tinataguan ko at nagpakita sa kanila. Napalingon sila saking dalwa.
"Ikaw na naman! Wala ka talagang kadala dala e no?" Tatawa tawang sabi ng dalwang ugok na to.
Maangas lang akong lunapit sa kanila habang nakasaksak ang isang toothpick sa bibig ko.
"Kayo ang walang kadala dala! Kayong mga salot ang dapat nawawala sa mundong to!" Matigas na sabi ko. Tila nagkasukatan kaming tatlo ng tingin. Tsk. Di naman ako magpapatinag sa dalwang to.
"Angas mo talaga no bata!" Sigaw nila.
"Mas maangas kayo! Makakapal ang muka niyong mamurwisyo sa lugar na to!" Sa pagkakataon na to ginamitan kona sila ng isang seryosong tono ng pananalita.
Nagkatinginan silang dalwa bagonako sugurin! Sabay kung nahawakan ang dalwang kamao na susuntok sana sa akin. Pero hindi ko papabahiran sa dalwang gunggong na to ang pagkagandang lalaki ko.
Agad kung kinuha ito at binaluktot! Napasigaw sila sa sakit dahil dito.
Nagtuloy ang suntukan namin hanggang sa dumapa ang mas bata sa kanilang dalwa. Pinagsusuntok ko ang isang to na walang awa sa sa sarili.
Ng mapadapa ko sila pareho, na parehong hawak din ang tyan at namimilipit sa sakit.
Tinuunan ko ng sapatos ang tyan nitong mas nakakatanda sa kanila.
"Humanda ka samin Matthew!" Sigaw nitong isa habang nakatingin sa kapatid niya.
"K-kuya." Tawag nito sa kapatid.
"Huling pagkakataon na ibibigay kona to sa inyo! Ayusin niyo na buhay niyo. Tigilan niyo na kung ano mang ilegal na ginagawa niyo!" Ng hindi sila sumagot inipit ko pa lalo ng sapatos ko ang kapatid niya.
"Ahh!"
"K-kuya!" Masama nilang dalwa ako tiningnan.
"Sabi ko ayusin nio na mga buhay niyo!" Sabi ko. Ang tagal nilang sumagot kaya muli kung diniin ang sapatos ko sa tyan nitong isa niyang kapatid.
"O-oo na, o-oo na." Sagot na lamang nila. Ngumiti na lamang ako at tinanggal nasa tyan niya ang nakatungtong kung paa.
Napangisi ako bago sila talikuran at maglakad na lamang palayo.
Sana nga lang talaga ay magbago na ang dalwang iyon. Wala na silang magawang tama. Kakalaya lang sa kulungan ngayon ay inuulit na naman ang mga maling gawain.
Nandadamay pa ng mga inosenteng bata. Ito ang hindi ko hahayaang mangyari.
"Papatayon kita!!" Agad akong natigil sa paglalakad, mabilis akong napalingon sa lalaking ito na ngayon ay nakaamba sakin ang kamay na may hawak na kutsilyo.
"Ah" Daing ko, napahawak ako sa tagiliran ko ng mabilis kung naiiwas sa pagkakasaksak niya. "Tangina!" Halos pabulong at galit na galit kung sabi ng makita ang dugo sa kamay ko.
Kita ko ang pagtawa niya maging ang kapatid niyang nasa likod niya. Sasaksakin pa niya sana ako ng makaiwas muli, nasipa ko ang kamay niya dahilan para tumalsik ang kutsilyong hawak niya.
Sinuntok ko padin siya na halos mabugbog sarado na. Nakapatong lamang ako dito sa sumaksak sakin habang sinusuntok ko.
"Ahh!!" Agad akong natigil sa pagsuntok ng maramdaman ko ang mahapding tumamang muli sa likod ko. Napalingon ako dito, yung isang kapatid naman niya ang sumaksak sakin.
Kunot noo kung tinanggal ang nakabaon na kutsilyo mula sa likod ko. At inihagis ito kung saan, para akong nahilo bigla dahil dito.
Buong lakas ko siyang kinuwelyuhan! Ngunit ng maramdaman ko na may palapit muli sakin. Napalingon ako sa likod ko, palapit sakin na naman itong isa, mga walang kapaguran talaga ang mga to hindi magpapatalo. Agad kung itinulak ang kapatid niya paharap sa kanya na siyang nagawa niyang masaksak sa dibdib.
Gulat ang rumehistro sa muka niya ng makita ang nanlalaking mata ng kapatid na ngayon ay umuubo ng dugo.
"T-teddy!?, h-hindi. Teddy patawad. Diko sinasadya! Hindi. Hindi! Hindeeeee!!! Geraaaaaald!!" Napasigaw na nga ito ng biglang bumagsak ang kapatid niya sa sahig.