Samantha's Pov
Lumabas nako ng coffee shop para dito nalang hintayin si Miguel sa labas. May dinner kami ngayon at susunduin niya ako.
Ilan pang sandali napansin ko ang sasakyan niya kaya naman inayos ko pa ang bangs na nakalawit sa muka ko at nakangiting kumaway sa kanya pagkatapat niya sakin. He just smiled at bumaba. Isang mabilis na halik sa pisngi lamang ang ginawa nito. Saka ako pinagbuksan ng pinto.
Feeling ko talaga sa mga ginagawa niyang to para akong prinsesa. Napakasaya lang ng nararamdaman ko na sana ay hindi na matapos pang muli.
Ito yung mga oras na sana tuloy tuloy lang, na sana ay wala ng katapusan yung kaligayahang umaapaw sa puso ko.
Pagdating namin sa grocery at oo sa grocery nga para mamili ng mga lulutuin niya. Gusto ni Miguel magprepare ng special dish niya sa bahay at gusto niya itong ipatikim sakin. Pagkatapos namin maggrocery, pauwi na kami. Napakasarap lang ng nangyayari. Para kaming magasawa.
"Natatakot ako na baka hindi mo magustuhan." Bulong nitong katabi ko habang inaayos ang pinamili namin sa likod ng sasakyan.
"We'll see." Natawa lamang ako sa naging reaction niya. Hindi kasi siya natawa, at halata ang kaba na nararamdaman.
"Well, magugustuhan mo din to." Sagot niya lang sabay kindat sakin. Myghad napakagwapo ng lalaking to at napakabilis magbago ng mood dahil ngayon parang confident na confident siya.
Pagdating namin sa bahay. Inayos na namin mga pinamili niya. Nagpalit siya ng plain black shirt na siyang mas nakapagpamukang sexy sa gorgeous na lalaking ito.
Pinagmamasdan ko lamang siya habang nagsusuot ng apron. Mygad napakaswerte ko dahil sa dami ng babaeng patay na patay sa lalaking to e mas napili niyang sakin sumama. Ako na ata ang pinakamaswerteng tao sa buong universe.
"Ang hot mo." Bulalas ko. Natawa naman siya. Ayoko sanang suwayin ang sinabi niya sakin dati pero mukang hindi ko kayang pigilan ang sarili ko talagang iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Magkatinginan lamang kami ni Miguel nasa kabilang side kasi siya, may barra kasi sa gitna ng kitchen na may modern stove, kumbaga nasa magkabilaan kami.
"I know." Napalunok ako when he mouthed thank you nagkakasala ako sa isip ko dahil kung ano anong pumapasok dito. Kung ano anong naglalarong hindi naman dapat.
Napatitig lamang ako sa mga mata ni Miguel na ngayon ay nakatingin lamang sakin. Hanggang sa napababa sa mga mapupula niyang labi na, may sinasabi ngunit tila wala akong naiintindihan sa mga ito. Para akong lutang na lutang mula sa kinauupuan ko.
Napalunok muli ako ng mapansin ang adams apple niyang agaw pansin. Hindi kona kinontrol pa ang sinisigaw ng damdamin ko at kanina pa naglalaro sa isip ko, tila may sariling isip ang mga paa ko at lumapit papunta sa kanya.
Walang sali salita ay hinila ko siya sa shirt niya at hinalikan siya sa labi. Ilang saglit pa ay nakipaggantihan nadin si Miguel ng halik.
Napakalambot at napakasarap humalik ng lalaking ito, his lips taste really good, its sweet. I wrap my arms around his nape to pull him closer and deepening the kiss.
Ramdam ko ang paghawak ni Miguel sa magkabilang bewang ko, we are now sharing a very soft and passionate kiss.
We briefly break our kiss, he started caressing my face. "S-sam." Whispered my name. Pero bago pa siya magsalitang muli. I oppressed my lips against his lips.
Ring
Ring
Ring
Napatigil kami ng paulit ulit na magring ang phone niya. "s**t!" Bulong nito. Paiwas sakin. Magkapatong padin ang mga noo namin. Hanggang sa ngumiti na lamang ako sa kanya at lumayo.
"Sige na sagutin mo muna yan baka importante." Sabi ko nalang sabay kagat ng ubas na nandito. Napalunok lamang siya habang mataman nanakatingin sa pagnguya ko. Natawa naman ako na siyang nakapagpaiwas ng tingin niya.
Tiningnan niya kung sino ang caller. "My mom." Banggit lamang nito. Nagpunta si Miguel sa sala at don nakipagusap.
Pagkatapos nilang magusap nilapitan na niya ako.
"Sam."
Seryoso lamang siyang nakatingin sakin at dina muling nagsalita.
"What happened? Is there anything wrong?" He took a deep breathe at mataman akong tiningnan.
"My mom called me. We have a family dinner, my brother has just arrived and she wants me to come over." Hindi ko alam kung anong irereact sa sinabi niya. Napangiti nalang ako ng pilit. So ibig sabihin aalis siya? Hindi matutuloy yung dinner namin ngayon.
"Migs, its okay." Sabi ko nalang. Partly nakakasama ng loob bigla, nabitin ako dahil akala ko yun na. Pero hindi pa pala. Akala ko may dinner kami ngayon pero hindi pala tuloy.
"No I'll stay here. I will prepare our dinner then susunod na lamang ako." Parang nakaramdam ako ng guilt dahil doon. Parang ang selfish ko naman. Kakadating lang daw ng kapatid niya. Teka kapatid? May kapatid siya?
"W-wait you never told me about your brother." Kunot noo kung sabi. Gulat lamang ang rumehistro sa muka nito na agad din naman nawala.
"Yeah, wala kasi siya nasa Cebu, nagkaron ng problema between him and dad." Sabi nito, naintindihan ko naman ang gusto niyang ipahiwatig kaya tumango tango na lamang ako. Babalik na sana sa pagluluto si Miguel ng pigilan ko.
"You better go there. Its fine. We can do it in some other day." Sabi ko na lamang sa kanya.
"No its ok."
"Migs, Its fine? Okay? Go ahead, your family is waiting for you." Sabi ko na lamang. Bumuntong hininga na lamang siya saka ako nilapitan para halikan sa noo.
Napapikit ako sa bigla dahil sa ginawa niya dahil isang malalim na halik sa noo yon na pakiramdan ko mamimiss niya ako ng sobra.
"You sure?" I nodded as a sign of yes. He took a deep breath.
"Im sorry. I promise I'll make it up to you." Sabi niya ng nakangiti.
Ngumiti na lamang ako saka hinayaan na siyang umalis.
"Magiingat ka." Ngumiti lang siya sakin at kumaway.
**
Matthew's Pov
"Father salamat sa lahat." Sabi ko kay father habang naglalakad na kami palabas. Ngayon ay pabalik na ako sa Manila.
"Matt, alam mong laging bukas ang simbahang ito para sayo." Sabi nito na tinatapik ang balikat ko.
Tumigil kami sandali sa paglalakad at humarap sa kanya. Bumuntong hininga lamang si Father Arthur.
"Father, babalik ako. Isa pa nakakulong nasi Teddy, hindi na siya makakagambala pa sa mga tao dito." Sabi ko. Si Teddy at Fernan ang magkapatid na naghaharian sa lugar na ito. Ngunit sa kasawiang palad napasama ang tama sa kanya ng kapatid niyang si Teddy ng umiwas ako sa saksak niya. Binawian din siya agad ng buhay ng gabing iyon.
"Palagi kang magiingat Matthew, hanggat maaari umiwas ka sa gulo." Sabi lamang ulit ni Father.
Ngumiti na lamang ako at tumango tango hindi ko maipapangako sa kanya na hindi nak muling mapapasangkot pa sa gulo.
***
Pagdating ko sa Manila. Nagdarecho nako sa bahay Inilibot ko ang tingin dito sa loob. May nangangamoy. Mabangong amoy! Napangiti ako agad.
"You're back handsome!" Sabi agad ng bumungad sakin sa pinto. Nakita ko siyang lumabas galing kusina.
Napangiti lamang ako ng makita siya na suot suot ang apron at may suot sa kamay na oven mitt.
"Hey!" Bati ko agad at lumapit sa kanya upang yakapin siya ng mahigpit. Natatawa lamang siya habang yakap yakap siya ng mahigpit. Sandali lamang iyon at saka humarap sa kanya na may matamis na ngiti. "I miss you so much." Sabi ko .
"I miss you too son. But hey ano yan?" Agad na napansin ni Mom ang pasa sa muka ko. Napakamot lamang ako ng batok.
"Dont mind it Mom. Mukang masarap ang pineprepare niyo ah." Ngiting ngiting sabi ko at saka nagdarecho sa kusina upang dina ako usisain ng Mom ko. Alam kung mag aalala na naman siya sakin.
Pagkalapit ko sa kitchen, tiningnan ko yung niluluto niya at inamoy saka sumandal sa sink upang lingunin si Mom.
"Alam na alam niyo talaga paborito ko, pinakbet at ginataang alimasag." Sabi ko. Nakangiti lamang si Mom na lumapit muli sa niluluto niya.
"Nagprepare din ako nito." Lumapit siya sa oven at binuksan ito. Mas lalo kung naamoy ang masarap na amoy galing dito.
"Wow! Roasted chicken." Tuwang tuwa ako. Si Mom, siya yung tipo na magulang na handang isakripisyo lahat para sa anak siya yung Ina na kahit ano pang mali mo, handa ka niyang itama. Mahal ma mahal ko si Mom, dahil alam ko at ramdam kong mahal na mahal din niya ako.
Kumunot noo ko at tiningnan si Mom.
"Mom." Tawag ko dito. Nakakapagtaka dahil mukang maraming naihanda si Mom na pagkain.
Nakatingin lamang ako sa kanya at hindi nagsasalita. Kilala ako ni Mom alam ko na kahit sa isip ko maiintindihan niya ako, kung anong gusto kung ipahiwatig sa pagtawag ko sa kanya.
Tila nagtitimbangan lamang kami, bumuntong hininga lamang si Mom. "Okay, your father and Miguel is coming." Napaiwas ako ng tingin sa kanya. I thought Dad was in his business trip.
Bumagsak ako sa malalim na isipin. Darating si Dad? Para ano? Para isupalpal sa muka ko na wala akong kayang gawin? Na wala akong silbi?
"Son.." Naramdaman ko ang pagtapik sakin ni Mom sa balikat. All she want is maayos ang gusot samin ng tatay ko na walang magandang sinasabi tungkol sakin.
"Mom." Lumingon ako sandali kay Mom na maamong maamo ang muka. Bumuntong hininga ako.
"Okay, para sayo Mom. Gagawin ko to para sayo." Sabi ko nalang atsaka niyakap si Mom at hinalikan sa ulo.
"Matty!!" Napakalas ako sa yakap nayon at napatingin sa tumawag sakin.
"Nanay Flor!!" Masayang masaya ako ng makitang muli ang yaya namin ng kambal ko ang taong nagpalaki at nagalaga samin. Si Nanay Flor ay mahal na mahal naming magkapatid na parang tunay at pangalawa naming ina.
Agad ko itong sinalubong ng yakap at halos makarga kona at inikot ikot.