Kanina pa kami nagkakakwentuhan ni Matt ng biglang dumating si Miguel, halatang nagulat pa siya ng makita kami ni Matthew.
Pero agad din naman itong napangiti ng makita ako.
"Love, kanina kapa?" Tanong nito at saka lumapit sakin upang halikan ako. Napatingin ako kay Matt na napabuntong hininga. Hindi siya umimik.
"Di naman masyado." Sagot ko lamang sa kanya. "I brought you this." Nakangiti kung sabi sa kanya at pinakita ang dala kong hopia at stick-o, napangiti siya dahil dito. Napakagwapo talaga ng boyfriend ko.
"Thank you." Sabi lang nito. Hindi ko maiwasang mamula everytime na tititigan niya ako. Pakiramdam ko ay may kung ano sa mga tingin niya, naaalala ko lamang ang nangyari samin kagabi.
"Ehem!" Agad kaming napalingon pareho sa nagfake cough nasi Matthew, na ngayon ay baba taas ang kilay. "So pano? I think I have to go para naman makapagusap kayo." Sabi lang nito, tumango lamang dito si Miguel saka lumabas narin siya sa silid na ito.
Pagkaalis ni Matthew, agad napabalik ang tingin sakin ni Miguel. Magkatitigan lamang kami habang nakangiti.
Isa na itong moment na to sa hindi ko ipagpapalit. Kahit walang salitang lumalabas sa mga bibig namin. Para bang kusa lang kaming nagkakaintindihan.
I closed my eyes at ang tanging naramdaman ko na lamang ay ang labi niyang gumagalaw sa labi ko. We kissed in a short time. Ako na mismo ang humiwalay sa halik na iyon dahil baka kung saan na naman kami mapunta. Lalo na at may pilyo na naman siyang ngiti.
Nakapikit padin ako habang magkapatong ang mga noo namin. I feel loved by him. I love him so much.
"I love you." Bulong ko sa kanya ng hindi nabago ng pwesto.
"Why are you crying?" Napalayo kami ng kaunti sa isat isa ng hawakan niya ako sa pisngi at bakas sa muka ang pag aalala. I didn't know I was crying. Siguro dahil sa sobrang saya at galak na nararamdaman ko.
Hindi ko kayang mawala sakin si Miguel, kung mayron man sumalo sakin sa mga oras na down na down ako. Si Miguel yon. Siya lang ang meron ako at hindi ko kayang mawala siya.
"S-sam." Muli nitong bulong sakin habang titig na titig sa muka ko. Parehong magkasalubong ang kilay niya. I smiled at him at saka umiling iling.
"Im fine. Im just happy." Bulong ko at saka lalo ng naiyak. Hindi ko mapigilan ang luhang tumutulo sa mga mata ko dahil sa nararamdaman kung sobrang pagmamahal sa kanya.
"Ssshh.." Bulong nito sakin at saka ako hinalikan sa noo bago yakapin ng mahigpit. "I am much happier now.." Sabi nito sa gitna ng yakapan namin. "I will make you happy as long as Im here." Dagdag pa nito. Kumalas siya sa yakap at muling humarap sakin. Pinunasan nito ang luhang tumutulo padin sa mga mata ko. "I wont leave you." Hinawakan niya ang dalwang kamay ko habang darechong nakatingin sa mga mata ko "But promise me one thing. Even if Im not with you, I want you to be happy, I want you to go in your life." Kumunot noo ko kaya hinalikan niya lang ako sandali muli sa labi.
Hindi na kami muling nagsalita at ninamnam na lamang ang moment na ito.
***
Matthew's Pov
Napangisi ako habang nakatingin sa pintong ito. "This is it." Bulong ko sa sarili bago tuluyang buksan ang pinto ng kwartong ito.
Napangiti ako agad ng makita silang sabay sabay napalingon sakin!
"Massster!" Sigaw nilang tatlo ng makita ako.
"Namiss niyo ba ako?" Tanong ko sa kanila na ngiting ngiti! Ng makabawi sila sa gulat ng makita ako agad silang nagsilapit sakin para makipagappear at manhug.
Masayang masaya akong makita ulit ang mga kabanda ko. Ang tagal ko din silang hindi nakita at nakajamming.
"Kamusta naman ang cebu Matt?" Tanong ni Leo, siya sa drums.
"Ok naman. " sabi ko atsaka kinuha ang gitara ko.
"Namiss ka ng gitara mo Matthew." Sabi naman ni Johnny na siyang nakatoka sa bass guitar.
Napalingon ako sa isang side kung saan nakasandal lamang siya habang nakatingin sakin.
Agad nagiba ang tingin sakin ng dalwang ugok na to, tila nanunukso ang mga tingin nila, umangat lamang ang gilid ng labi ko ng ngumiti siya sakin.
"I miss you babe." She mouthed bago niya ako lapitan at yakapin.
"Wooo!! Lakas ni Alexa." Pangaasar samin ng dalwa. Alexa Ferrer siya naman ang pianista namin. Alexa is one of my friend. Pero alam naman naming lahat na may pagtingin ito para sakin. Ngunit kaibigan lamang ang tingin ko sa kanya, at malinaw naman ito para sa kanya.
"Tumigil nga kayo!" Tatawa tawang sabi ko habang nakaakbay ako kay Alexa. Parang kapatid na turing ko dito at hindi na ito magbabago pa.
"Anyway, guys guys we have to start our rehearsal, invited tayo sa isang music festival." Sabi ni Leo, napaangat ang gilid ng labi ko.
Simula na naman! "Lets rock!" Sabi ko na lamang bago kami magsimulang magpractice!.
***
Pagkatapos namin magjamming ng mga kabanda ko napagdesisyunan naming kumain na lang muna tutal pare pareho narin naman kaming mga gutom.
Kanya kanya na kaming order ng sarili namin pagkain at umupo nasa table.
"Matt, kailan mo ba sasagutin tong si Alexa? Aba e miss na miss ka nito." Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Leo, pano sinamaan kasi siya ng tingin ni Alexa.
"Nako Matt, kung alam mo lang lagi ka nitong hinihintay." Panggagatong pa ni Johnny. Nagtawanan ang dalawa at maging ako.
Tumingin ako kay Alexa ng nakangiti. "Kayong dalwa tigilan niyo si Alexa ha." Pinagbantaan ko ang dalwa habang natatawa. Para kasi silang mga bata.
Habang kumakain kami, tawa lang kami ng tawa. Namiss ko ang mga lokong to. Kanina pa nila inaasar si alexa.
Kakatawa ko sa kanila may nakapukaw ng tingin ko mula sa gilid. Nawala unti unti ang ngiti ko ng makita ko siyang nagmamadaling lumabas ng restaurant na ito. Teka anong ginagawa niya dito? Akala ko..
"Okay ka lang babe?" Tanong ni Alexa sakin. Napatingin ako kay Alexa na sinusundan ang tinitingnan ko. Babe ang tawag niya sakin noon pa man kaya sanay na kami at ako.
Nilingon ko lang siya at tumango pero agad din napukaw ng isa pang tao ang pansin ko na nagmamadaling sumunod dun sa babaeng palabas.
Kumunot ang noo ko. Kilala ko ang lalaking iyon? Bakit? Teka?
"Guys sandali lang." Bago pa sila magsalita, lumabas nako at sinundan sila.
Nakita ko si Rafael Cali na kasunod niya? Napaisip ako? Bakit sila magkasama? Bakit siya hinahabol ni Rafael?
Kunot noo kung sinundan silang dalwa na papuntang parking. Mula sa kinatatayuan ko kitang kita ko mula sa pwesto ko na nagtatalo sila. Hindi ko sila masyadong naririnig ngunit sapat ang nakikita ko, masasabi kung nagaaway sila?
Pero ang mas ikinabigla ko ay ang ambaan siya ng suntok ni Rafael na ikinagulat niya, at tangina lang lalapit na sana ako ng bigla na lang siyang sumakay sa kotse at umalis.
Naiwan na lamang na galit na galit si Rafael sa kinatatayuan niya.
Anong ibig sabihin nito? Sandra?
***
Sandra's Pov
Napakalabo na ng paningin ko, kanina ko pa pinapahid ang luha ko dahil sa masasakit na salita na sinasabi niya.
Pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung paano pa ako makakatakas kay Rafael.
Pagod na ang isip at puso ko. Napukaw ng atensyon ko ang cellphone ko mula sa passengers seat.
Rafael is calling...
Hindi ko ito pinansin, gusto ko lang sumigaw. Hindi kona alam kung ano pa bang nangyayari. Ginawa ko naman ang gusto niya. Pero bakit kailangan umabot kami sa ganito?
Iniwan ko ang kaisa isang lalaking minahal ko buong buhay ko para sa kanya. Para sumunod sa gusto niya.
Inatake si Dad sa puso at hanggang ngayon maselan ang kalagayan niya. Hindi pwedeng mastress o magisip ng sobra si Dad. At hindi ko naman kakayanin na mawala sakin si Dad, lalo na palugi na ang company na pinagpaguran nila ni Mom na itayo.
Sumama ako kay Rafael para hindi nila ipull out ang shares nila, dahil kapag nangyari ito mapipilay ang company. Mawawala na ito! Ang pamilya ni Rafael na lamang ang tanging nagsasalba sa kumpanya na tinayo ng parents ko.
Matagal ng may gusto sakin si Rafael, at si Rafael din mismo ang matagal ng kakumpentensya ni Miguel noon pa man. Mas napili nitong kunin ako kay Miguel para lang sa pride niya.
Ngunit ang usapan lang namin ni Rafael ay ang hindi ako sumipot sa kasal namin ni Miguel, pero iba na ang hinihiling niya ngayon, gusto niya na makasal ako sa kanya bagay na hindi ko na kayang gawin.
Napakasakit na sa dibdib ko ang mawala ang taong mahal ko, ang pakawalan siya pero ang pakasalan pa si Rafael ay hindi ko magagawa. Hindi ko kayang makasama siya sa iisang bubong at tawaging asawa ko. Hindi ko din kayang hayaan nalang sarili ko na saktan saktan niyang pisikal.
Hanggang ngayon si Miguel padin ang mahal ko. This time lalaban na ako. Tumingin ako sa salamin ng sasakyan ko.
Ang dami ng nagbago, bakas na dito ang pagbabago ng pigura ko, ang mascara ko na kumalat nasa mata ko dahil sa mga luhang natulo dito at ang pasa ko sa may bandang pisngi na tinakpan ko lamang ng make up ko.