Matthew's Pov Kanina pako napapaisip, sasabihin ko ba kay Miguel ang nakita ko? Kapatid ko padin siya. Alam ba niyang nandito nasi Sandra? Pakiramdam ko ay may mali. Bakit ganito. Pero matapos kong malaman ang lahat palagay ko mas magiging okay na hindi na niya malaman. Nagtatalo ang isip ko sa dapat kung gawin. Mukang masaya naman na ang kapatid ko kay Samantha at ayoko naman magulo pa silang dalwa. Lalo na napapasaya siya nito. "Matty kanina kapa tahimik dyan ah." Napalingon ako kay Alexa na sumunod pala dito sakin sa veranda ng studio namin. Ngumiti lang ako at pinagmasdan ang ganda ng ambiente mula dito. "Kung ano man yang iniisip mo. Mukang malalim." Nilingon ko siya. "Wala to." Sabi ko at saka nilingon ang iba naming kasama namin sa loob. "Guys pack up na tayo." Napakunot an

