Dahil nabibilisan ako sa mga pangyayari ay nagkasundo kami ni Soren Kai na gawin ang list isang beses sa isang linggo. This time, I did not hesitate to voice out my opinion and this time, someone actually heard me and agreed. Dahil buong buhay akong hindi nagsasalita at hindi palalabas ng sama ng loob ay aaminin kong nakakagaan ito sa dibdib. It feels good to actually hear your voice. It feels good to actually get something off your chest. At sana... sana ay umpisa na ito ng sunod-sunod na paglabas ng boses ko. Siguro'y kinse anyos ako nang magsimulang makipag-usap si Papa sa iba't-ibang babae. Madalas ay uupo siya sa salas, manunuod ng tv at maya-maya ay makakatanggap ng tawag mula sa isang babae. Hindi niya ito ide-decline tulad ng ibang babaero. Hindi siya magtatago sa loob ng banyo pa

