"MAY GUSTO KA NA SA 'KIN?"
Kung may tubig lang sana ako ngayon sa bibig ko ay malamang na na-i-bulwak ko na sa gwapong mukha nitong kaharap ko.
Nakataas ang kilay niya pero seryoso ang mga mata niya. Nang dahil sa mga tingin niya ay aligaga akong nag-iwas ng tingin.
Alam ko kung anong nararamdaman ko pero may mga pag-aalinlangan ako. Ang mga salita ni Leean ay sumasagi sa isip ko.
'Inosente pa ang puso mo, Salve..'
Tumingin ako nang deretso sa mga mata ni Kyler nang seryoso na marahan niyang ikinagulat.
"Kyler?"
"Y-yeah?"
"K-kapag ba nagkagusto ang isang tao... required ba na m-masaktan?"
Nakita ko ang madiin niyang paglunok. Pansin ko rin na nag-iba ang emosyon sa mga mata niya ngunit 'di ko mawari kung ano 'yun.
"W-well...I think, it's depends on the situation."
Tumango tango naman ako, ang mga mata ay seryoso pa ring nakatingin sa kaniya.
"Kapag ba nagkagusto ako sa 'yo...darating ba ang sitwasyon na m-masasaktan ako?" tanong ko.
Ewan ko pero umaasa akong sasabihin niyang hindi bilang kasiguraduhan sa tanong ko.
"I don't know. I can't assure you that." ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
"Pero may possibility?" mahina kong tanong.
Nag-iwas siya ng tingin kaya malaya kong nakita ang matindi niyang paglunok.
"M-maybe."
Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay bigla nalang akong nawalan ng gana. Parang kanina lang ay halos hindi magkamayaw ang utak ko kaiisip sa kaniya at noong nakaraang linggo at ngayong nasa harapan ko na siya bigla akong nabuhayan saglit. Ngunit agad din 'yung naglaho dahil sa sagot niya.
"Pumasok kana, Salve."
Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Aldrin. Sabay kami ni Kyler na lumingon sa gate at nakita namin siyang kunot noong nakatingin sa magkahawak naming mga kamay. Agad ko namang binawi ang mga kamay ko sa pagkakahawak ni Kyler.
Hinarap ko si Kyler at nagpilit ng ngiti. "A-ano...bukas nalang." mahinang sabi ko.
Tumitig muna siya sa 'kin bago tumango. Akala ko ay hihiwalay na siya pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
"See you..."
Tuluyan na siyang tumalikod at umalis pero ako ay tulalang nakatingin sa kinatatayuan niya kanina. Pakiramdam ko nawala saglit ang noo ko na hinalikan niya! Pakiramdam ko namanhid ang bahagi na 'yun!
"Kayo na ba?"
Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Aldrin sa likuran ko.
"Bakit? Halata ba?" wala sa sariling sagot ko.
"Sinabihan na kita Ate.."
Inis akong lumapit sa kaniya.
"Alam mo, maghanap ka nalang kaya ng love life mo! Ang bitter bitter mo eh!"
Nauna na akong pumasok sa kaniya. Ngunit bago pa man ako tuluyang makapasok ay may pahabol pa siya.
"On the way na ang sakit kaya maghanda ka nalang.."
*
"BIHIS NA BIHIS ka ah? May lakad ka?"
Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Mama. Agad naman akong napangiti bago siya sagutin.
"May date ako, Ma hehe." excited kong saad.
Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya sa sinabi ko. "Ni Joshua?"
Ang ngiti ko ay nauwi sa ngiwi. "Hindi, Ma. Si Kyler."
Nawala ang kislap ng mga mata niya bagaman ay hindi siya nakasimangot. "Mag-iingat ka Salve. Hindi pa tuluyang humihilom iyang mga sugat mo sa ulo. At saka 'wag ka ring magpapagabi ha?"
Nakangiti akong tumango. "Yes, Ma!"
Nang umalis na si Mama ay saka ko pinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili. Simple lang ang suot ko. Naka maong high waisted lang ako at skirt na maikli pero hindi crop top. Naglagay lang ako ng kunting liptint sa labi at pisngi para 'di ako magmukhang maputla.
Saktong pagkatapos kong mag-ayos ay may kumatok sa pintuan sabay bukas.
"Bilisan mo na d'yan babaita! Naghihintay na si Kyler sa baba!" si Papa yun.
Sinipat ko muna ang kabuuan ko bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Papa na panay ang tingin sa baba saka titingin sa pinto ng kwarto ko. Sa totoo lang, mukha pa siyang excited kesa sa 'kin.
"Bilisan mo na!"
"Papa naman maka-bilis."
"Aba eh, masamang pinaghihintay ang mga taong ganiyan! Sige ka, baka magbago pa ang isip niyan at hindi matuloy 'yang lakad niyo." pananakot pa niya.
"Ang nega mo, Pa!"
Bumaba na ako at nakita ko nga si Kyler na prenteng nakaupo sa sala. May tasa ng kape sa harap niya pero parang hindi niya pa 'yun ginagalaw. Nakatingin lang siya sa labas at mukhang may iniisip.
Nang makalapit na ako sa kaniya ay saka lang siya lumingon. Ilang sigundo pa kami nagkatitigan bago siya ngumiti nang matamis.
"Let's go?" aniya. Tumayo na rin siya at bahagyang inayos ang damit niya.
Simple lang ang suot niya pero bakit ang gwapo gwapo pa rin niya? Hays, wala talagang hustisya pagdating sa nilalang na 'to.
"S-sige.."
Nagpaalam pa muna ako kayla Mama bago sumama palabas kay Kyler. Nasa labas ng gate ang sasakyan niya. 'Yung sasakyan niya na din 'yun ang gamit niya noong....umamin siya sa 'kin!
Biglang nag-flashback sa isipan ko ang mga pangyayari sa loob ng sasakyan niya. Kung pa'no ako nahimatay dahil sa biglaang pag-amin niya. Pakiramdam ko ang init init na ng pisngi ko, jusko!
"Hey, okay ka lang?"
Nabalik ako sa katinuan nang biglang hawakan ni Kyler ang isa kong kamay. Dahil sa ginawa niyang 'yun ay parang biglang nabuhay ang dapat na mabuhay sa katawan ko!
"Ah-okay lang hehe." nagpilit ako ng ngiti.
Mukhang hindi siya kumbinsido pero hindi na siya nagsalita pa. Hinila niya na ako papunta sa sasakyan niya at binuksan ang shotgun seat. Saka lang niya binitawan ang kamay ko nang makasakay na ako. Umikot siya sa kabila at binuksan ang pinto ng driver seat sabay suot ng seat belt.
Ako naman ay aligagang sinuot ang seat belt dahil baka mapansin niya't siya pa ang magsuot! Baka isipin niya pang pabebe ako!
Bago buhayin ang makina ng sasakyan ay lumingon muna siya sa 'kin at ngumiti. Ngiting nagpabilis ng pintig ng pulso't puso ko!
Jusko!
Tinuon ko nalang ang mga mata ko sa labas dahil baka hindi pa kami nakakapunta sa paroroonan namin ay mahimatay na ako!
'Wag naman sana!
Nakalabas na kami ng Vezcarra subdivision. Pansin ko ang itim na sasakyan na nakasabay din namin sa paglabas ng subdivision. Hindi tented ang salamin ng bintana nito kaya malaya kong nakikita ang loob nito.
Unang nahagip ng paningin ko sa likod ng sasakyan si Jade! Si Jade 'yung one bi one na jowa ni Leean.
Pinakatitigan ko pa ang likod ng sasakyan at sa inaasahan ay nakita ko si Leean na tumatawa. Magkatabi sila ni Jade at naghahampasan habang nagtatawanan. Mukhang wala namang pakialam ang driver nila dahil tahimik lang itong nagmamaneho.
Tsk, lovers! Sanaol may label, 'di ba?!
Nang makarating kami sa high way ay bahagyang bumilis ang takbo ng sasakyan nila kaya nauna na sila sa amin.
Napangiti nalang ako sa isip ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin si Camille. 'Yung mga kaibigan niya humaharot na samantalang siya nasa mala-impyernong bahay nila kung tawagin niya.
"Anong iniisip mo?"
Napatingin ako kay Kyler nang bigla siyang magsalita. Nasa daan ang atensyon niya.
"W-wala."
Hindi siya sumagot. Kaya ako naman ang nagtanong.
"Ikaw? A-anong iniisip mo?"
"Ikaw."
Natameme ako sa sinabi niya. Lumingon siya sa gawi ko at saka ngumiti.
Ang puso ko syet!
"At saka 'yung lalaki sa wallpaper ng cellphone mo."
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya pero hindi na siya nakatingin sa 'kin. Iniisip ko kung sinong lalaki ang tinutukoy niya. Maaaring nakita niya nga 'yun nang minsang kinuha niya ang cellphone ko. Akala ko kasi wala lang sa kaniya o hindi niya lang pinansin ang bagay na 'yun.
"Who's that guy? Nakikita ko rin siya sa timeline mo. Madalas ka ring mag-share at mag-add ng story sa f*******: ng mukha niya. He even have an album in your account!"
Hala!
Hindi ako makapagsalita. Bakas sa mukha niya ang inis pero hindi siya tumitingin sa 'kin. Nang mag-sink in sa utak ko ang mga pinagsasasabi niya ay palihim akong ngumiti.
Ini-i-stalk niya ba 'ko??! Hmm...
"Stalker ka 'no?" 'di ko mapigilang usisa sa kaniya.
Nang tingnan ko ang mukha niya ay para siyang 'di mapakali na ewan. Malikot din ang mga mata niya at 'di malaman kung saan titingin.
Mas lalo akong napangiti.
"Sabihin mo na kasi! Palagi mong binibisita ang timeline ko 'no?" biro ko.
"S-so what?"
Lah? Ibig sabihin, totoo nga??!!
" Shocks! Totoo?!"
"Y-yeah. Lagi akong nakabantay sa 'yo.."
Hindi ako nakapagsalita at tumitig nalang sa kaniya. Palagi daw siyang nakabantay sa mga sp ko? Kaya pala palagi niyang nakikita ang mukha ni JK?
Hindi nalang ako umimik pa matapos niyang sabihin 'yun. Pakiramdam ko, parang kinuryente ang mga laman loob ko dahil sa panginginig ng mga ito. Hehe wala lang, pakiramdam ko lang.
Nang huminto ang sasakyan ay tinignan ko kung saan kami huminto. Nang makita ay taka akong napalingon sa katabi ko.
"Simbahan?"
Magd-date kami sa simbahan?
"Hindi. Kung nagtataka ka, nasa mall tayo."
Napangiwi nalang ako. Bakit ko ba nakalimutang pilosopo nga pala ang lalaking 'to? Wala nga lang sa oras ang pamimilisopo niya at palaging sa 'di ko inaasahang pagkakataon.
"I just want to do my sunday routine with you."
Lumabas siya ng sasakyan at agad na umikot papunta sa pintuan ko. Maayos niya 'yung binuksan at halos pigilan ko ang pagtili nang abutin ko ang kamay niyang nakalahad sa 'kin.
Hindi niya na binitawan pa ang mga kamay ko kahit pa naglalakad na kami palapit sa simbahan. Pilit kong inignora ang malakas na pintig ng puso ko at itinuon nalang sa paligid ang atensyon.
Matagal tagal na rin ng huling bisita ko simbahan. Wala kasi akong masyadong oras ngayong nagbalik eskwela na. Noong bakasyon naman ay minsan lang din kami kung magsimba dahil inuna namin ang magrelax.
Hays, sorry po Lord...
Hindi pa nagsisimula marahil ang misa dahil marami pang mga taong naglalabas masok sa simbahan. Sa lahat ng taong nakakasabay namin sa paglalakad ay naagaw ng pansin ko ang kumpol ng mga babaeng pormang porma naglalakad 'di kalayuan sa amin. Sa bawat lakad nila ay mistula silang a-attend sa isang fashion show dahil sa mga suot nila.
Hindi naman ako judgemental. Honest lang. Ito kasi ang sinasabi sa f*******: na fashionista ang pormahan pero sa simbahan lang ang datingan.
Napailing nalang ako.
Nang makapasok kami sa loob ng simbahan ay marami na ang tao. Malawak ang simabahan kaya maraming tao rin ang kakasya. Halos lahat ng upuan ay mga puno na. May mga upuan din namang kalahati palang ang okupado.
Iginaya ako ni Kyler sa bandang unahan. May isang upuan pa doon na bakante pa. Malapit lang kami sa altar kaya nakangiti akong umupo.
Ilang minuto lang siguro ang tinagal nang marinig ko ang boses ng mga babaeng palapit sa gawi namin. Maya maya lang ay naramdaman ko ang pag-upo nila sa tabi ni Kyler. Nasa kanang side kasi ang lalaki at malaki pa ang space sa side niya kumpara sa 'kin.
Nang tignan ko ang mga babae ay napangiwi ako nang makitang ito ang mga mala fashionista kanina sa labas ng simbahan.
Pinigilan ko ang pagtaas ng kilay ko nang magtulakan pa ito kung sino ang mauunang uupo sa tabi ni Kyler. Itong lalaki naman ay nakatingin lang sa harap at mukhang walang pakialam.
Mas lalo kung idinikit ang sarili ko kay Kyler.
Nakita kong lumingon siya sa 'kin pero nag-iwas lang ako ng tingin.
"Chancing ka Salve." narinig kong bulong niya sa 'kin. Hindi ko nalang siya pinansin nanahimik nalang.
"Hi, would you mind us sitting beside you?" dinig kong tanong ng babaeng naka-crop top kay Kyler. Pasimple lang akong tumingin sa kanila.
Nagpapa-cute pa amp!
Lumingon sa gawi nila si Kyler at saka ngumiti.
"No. It's fine, you can sit."
Agad namang naupo ang mga babaita with matching pahinhin-hinhin pa!
Nakita kong nagsiko-sikuhan pa ang mga ito bago muling humarap kay Kyler ang babaeng nagsalita kanina.
"I'm Diane. And they are my cousins." nag-abot pa ito ng kamay sa lalaki at agad naman nitong tinanggap. Gano'n din ang ginawa ng mga pinsan kuno niya.
"Oh, attending mass together huh? Great." Komento naman ng lalaki.
"Actually, palagi kami dito. Ano nga palang name mo? Ngayon ka palang namin nakita dito."
Pakiramdam ko unti unti nang umaangat ang kilay ko. Grr.
"I'm Kyler. I'm with my girlfriend and it's our first here." sagot naman niya na ikinagulat ko.
Girlfriend?
Napatingin ako doon sa mga babae at ngumiti ng pilit. Ang kaninang maligalig nilang mga mukha ay nabalot ng pagkadismaya at panghihinayang.
Oh, ha! Girlfriend ako mga babaita!
Nang iangat ko ang tingin ko kay Kyler ay tinaasan ko siya ng kilay.
"'Di ko alam na girlfriend mo na pala ako." bulong ko.
"Alangan namang sabihin kong kaibigan kita edi nasaktan ka." bulong niya pabalik. Pinandilatan ko naman siya ng mata at hindi na umimik pa.
Sabagay, may point naman ang lalaking 'to. Ayaw ko namang tawaging kaibigan niya ano! Hindi ko nga naging kaibigan 'yan eh!
Wala nang may nagsalita pa. Kita ko ring hindi na nagsalita pa ang mga babaita ngunit pansin kong nagsisikuhan ang mga ito.
Hays, 'di ko nga naman sila masisisi kung gano'n nalang sila kanina. Gwapo naman kasing talaga si Kyler at agaw atensyon. Pero nakakatawa lang na ako ang napansin niya sa lahat ng papansin sa paligid niya. Well, hindi nga pala ako naging papansin dahil tadhana mismo ang nagtatagpo sa mga landas namin.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya habang nagmamaneho patungo sa kung saan. Matapos kasi ang misa ay masaya kaming lumabas. Feeling blessed hehe.
"Ganiyan kana ba ka-inlove sa akin at ganiyan ka makatingin?" aniya.
Ngumiti nalang ako at hindi siya sinagot. Mga ilang araw ko nang pinag-iisipan kung kailan ako aamin sa kaniya. Siya lang ang lalaking kilala ko na nananatili kahit walang kasiguraduhan. Well, maliban sa mga w*****d characters.
"Scary.."
"Huh? Ba't naman?" mahina akong natawa.
"The last time I checked, kapag nagsasalita ako palagi kang umiiwas ng tingin. Palagi ka ring nauutal kapag kausap mo 'ko at napapalunok ka pa."
"So?"
"You're acting unusual."
Napansin ko rin naman 'yun sa sarili ko, kanina lang. Para kasing nagkusa nalang ang sistema ko sa presensya niya.
Naging komportable nalang ako nang 'di ko namamalayan. Naisip ko ring, mas mabuti siguro kung sasabayan ko nalang kung anong gusto ng damdamin at isipan ko. Ayaw ko nang magduda.
Inosente pa ang puso mo, Salve.
Umalingawngaw na naman ang mga salitang 'yon ni Leean sa isipan ko.
Pinakatitigan ko si Kyler. Bumubuka ang mga bibig nito ngunit wala akong marinig. Pasulyap sulyap ito sa 'kin habang nagmamaneho.
Wala sa sariling napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Sinong mag-aakalang may isang gwapong may kulay tsokolateng mga mata ang aamin ng nararamdaman niya para sa isang simpleng babae lang na katulad ko? Tadhan nga naman. Ang tadhana talaga.
"Hey! Salve!"
Para akong nagising nang pitikin niya ang noo ko.
"A-ang sakit ah!"
"Nakakatakot ka. Ngumingiti ka nalang bigla d'yan!"
Kinapa ko ang mukha ko at syet, nakangiti nga ako! Syete, kailan pa?!"
"I can see different emotions in your eyes."
Muli akong napatitig sa kaniya. Seryoso na muli ang boses at ang mukha niya. Ngunit may kakaibang kislap ang mga mata niya.
"Kyler..." 'di ko namalayang usal ng pangalan niya.
Lumingon siya sa 'kin ngunit sa pagkakataong ito ay hindi niya na inalis pa ang paningin niya sa 'kin. My heart was beating so fast as car racing.
"Hmm?"
"Tungkol sa sinabi mo kagabi.." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil 'di ko masabi ng diretso ang dapat kong sabihin.
Naalala kong tinanong niya ako kagabi kung may gusto na ako sa kaniya. Gustong gusto kong ipagsigawan ang mga salitang oo, gusto rin kita sa pagmumukha niya kagabi pero wala akong sapat na lakas ng loob.
At nauulit na naman ngayon.
Tumaas ang kaliwang kilay niya. "Alin do'n?"
"'Yung t-tanong mo...kung may gusto na ba ako sa 'yo..."
"Ahh...so?" Aniya na parang...wala lang, gano'n.
What the hell?!
"A-anong so!?"
"So! Letter 's' and 'o'. So."
Pilosopo ampucha!
Napahawak nalang ako sa sintido ko. Pakiramdam ko habang tumatagal ay palala nang palala ang pagiging pilosopo niya! Parang sakit na palala nang palala!
"Gagi alam ko! Ang ibig kong sabihin, wala lang ba sa 'yo?! Gano'n nalang ba?!"
"Ang alin ba?"
"Wala lang ba sa 'yo ang isasagot ko doon sa tanong mo kagabi?!"
"Ahh that. Kahit 'di mo na sagutin, okay lang." aniya at ngumiti.
Nangunot ang noo ko at 'di makapaniwalang nakatingin sa kaniya.
"B-bakit naman?"
"Kasi alam ko na ang sagot."
Oh, my heart!
Napalunok ako. "A-ano?"
"That I have an impact on you from the start." mas lalong lumalim ang titig niya sa 'kin.
"Alam kong unang beses pa lang na magtama ang paningin natin ay may apekto na ako sa 'yo. The way you avoid my gaze on you is a proof, Salve."