HINDI AKO MAKATULOG!
Hating gabi na pero 'di pa rin ako dinadalaw ng antok. Kulang nalang yata ay uminom ako ng pampatulog para antukin ako eh.
Bumangon ako at nagtungo sa banyo. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin at halos mapatalon ako nang makita ko ang babaeng sabog. Syet, parang high!
Magulong buhok.
Malaking eye bags.
May laway pa ngang sumisilip eh, tengene. Ako ba 'to?!
Napasabunot ako sa buhok ko. "Bakit ba kasi hindi mo ako pinapatulog ha, Kyler Jin?! 'Yang mga line mo pakshet-nakakakilig pucha!"
Mistula akong nasiraan na kinakausap ang sarili dito sa banyo. Hindi talaga kasi ako mapakali at palaging sumasagi sa isip ko ang mga linya ni Kyler.
Hindi niya na ako crush!
Because I think I like you na...
"Ugh! Kainis, magpatulog ka naman!" nagpapadyak padyak pa ako.
Naghilamos nalang ako bago bumalik sa pagkakahiga sa kama. Simula nang ihatid niya ako kanina dito sa bahay ay parang wala na ako sa sarili. Hindi ko nga naramdaman na nakakain ako eh. O kumain ba ako? Ewan. Para akong nakalutang eh.
I need some fresh air!!
Bigla akong napabalikwas ng bangon. Inayos ko muna nang bahagya ang sarili bago umibis ng kwarto. Tulog na ang lahat at tanging ilaw nalang ng kusina ang nagbibigay liwanag sa loob ng kabahayan.
Bumaba ako ng hagdan dala ang wallet ko. Balak kong pumunta sa mini mart na pagmamay-ari ng batch mate ko. Twenty four hours namang bukas 'yon eh.
Maingat ang bawat lakad ko dahil baka may magising.
"Tsk, para kang tanga."
"Ay pucha!"
Nagulat ako nang makita ko ang tukmol kong kapatid na komportableng nakaupo sa sofa. Madilim kaya 'di ko agad napansin ang presensya niya.
"Ano ba? Bakit ka ba nanggugulat?" pasigaw ngunit pabulong kong saad.
"Ginulat mo sarili mo, lol."
"Wala ka talagang respeto sa 'kin 'no? Tukmol ka." bigla akong nainis.
"Pwede ba Salve? Hating gabi na para sa mga linya mo. Bukas nalang, okay?" ang mga mata niya'y nakatutok pa rin sa cellphone niya.
Dumiretso na ako sa pintuan at maingat 'yong binuksan. "Bukas your face. Hoy, 'wag kang magsusumbong ah? Tatamaan ka sa 'kin."
"Ge, sasabihin kong may kakatagpuin kang jowa sa kanto."
"Aba't animal ka talaga 'no?-"
"Aish! Bwisit!" nasabunot niya ang kaniyang buhok at salubong ang kilay na humarap sa 'kin. "Umalis kana nga! Natatalo ako nang dahil sa 'yo eh!"
"Gagi ka, kinalaman ko d'yan sa ginagawa mo!" lumabas na ako pero muli ko siyang hinarap bago ko isara ang pinto. "Baka mamaya porn 'yang pinapanood mo eh!"
Isinarado ko na ang pinto pero narinig ko pa na minura niya ako. Ganiyan ang turingan namin sa isa't isa, parang hindi kami magkapatid. Nagtataka nga ang ilan naming mga kamag-anak kung bakit kami ganiyan eh supposed to be close naman daw lahat ng mga magkakapatid. Natatawa nalang ako dahil ang palaging sagot ni Papa sa kanila ay pinaglihi daw kaming dalawa sa sama ng loob.
Madali lang akong nakarating sa mini mart ng ka-batch kong lalaki, si Gab. Kakaiba ang style ng mini mart nila dahil bukod sa may store ito ay may mga table at chairs din sa labas kung saan pwede kang pumwesto kapag gusto mong kumain. Maganda ang view kapag gabi dahil may mga lights na nakakabit sa mga punong nakapaligid.
Sa kabilang side ako nagtungo, sa store mismo. Sa kabilang side kasi ang tinutukoy kong pwedeng pagkainan, sa kabilang side ng mini mart.
Sa counter ay agad kong nakita si Gab na nakatungo na. Nakapikit na ang mga mata nito pero alam kong mababaw lang ang tulog niya.
"Pabili!!" sumigaw talaga ako para magising siya.
Gulat siyang napatayo at nagpungaspungas. Nang dumako sa 'kin ang paningin niya ay nanlaki ang kulay dilim niyang mga mata.
"Salve!" kumurap siya. "Kanina ka pa ba d'yan?! Hala, sorry nakatulog ako!"
Ngumisi ako. "Sana pala hindi nalang kita ginising para makalibre ako.."
"May CCTV kami, baka nakakalimutan mo."
Mahina akong natawa. "Try lang, baka makalusot."
Nagtungo ako sa ref at naningin ng mga ice cream do'n. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa 'kin.
"Ube ba?" tanong niya.
"Mm, mero'n na ba?" noong last kong punta dito kasi ay ubos na daw dahil may bago siyang suki bukod sa 'kin.
"Mero'n na, kabibili lang. Hanapin mo nalang baka natatakpan lang." sinunod ko naman ang sabi niya. Sa ilalim na ako nakakita ng ice cream na ube.
"Kunti lang ang costumer mo dito?" Siya kasi palagi ang nagbabantay dito.
"Kanina madaming bumibili, pero ngayon..." inilibot niya pa ang paningin niya. "Ikaw nalang yata. Teka, anong oras na ba?"
"Alas dose."
"Ano? Alas dose na?"
"Oh bakit parang gulat na gulat ka d'yan?" taka kong tanong sa kaniya.
"Eh pa'no, wala pa ang kapalit ko. Tsk, naisahan na naman ako!" marahil ay tinutukoy niya ang pinsan niyang pumapalit sa kaniya.
"Pa'no 'yan? Buong magdamag ka dito gano'n?" iniabot ko sa kaniya ang bayad ko na agad niya namang tinanggap.
"Ano pa nga ba? Teka, ikaw lang?" ang daldal talaga ng lalaking 'to!
"May nakikita ka pa ba bukod sa 'kin?"
"Tsk, akala ko kasi may kasama ka. Malalim na pa naman na ang gabi." may pag aalala ang tinig niya.
"Ayos lang." tinapik ko ang balikat niya. "Punta lang ako do'n sa kabilang side. Magpapahangin."
"Ge, puntahan nalang kita mamaya do'n."
Agad akong nagtungo sa sinasabi kong mga table. May music na nagp-play kaya nakakarelax. Kaso lang ay parang ako lang yata ang nandito.
'Di bale, at least makakapag relax ako dito. Bwisit kasing Kyler na 'yan, ayaw magpatulog! Iyong mga salita niya ay parang naririnig ko pa rin hanggang ngayon!
Wala sa sariling sumukwit ako ng ice cream.
"Bakit ba ayaw akong patulugin ng mga salita niyang 'yon?" pagkausap ko pa sa sarili ko.
Pero shet lang, aaminin kong kinilig ako do'n! Eh, sino ba namang hindi eh umamin ang isang Kyler! Iyong nararamdaman kong ito ay nararamdaman ko lang sa Taekok noon! Hays, mukhang malayo na ang narating ko. Parang ayaw ko nang pangarapin si Jungkok hahaha.
Sumandok ulit ako ng ice cream at tumingala sa kalangitan. Maraming bituin. Napakagandang panoorin lalo na't ang dami nila.
Iniisip ko kung anong mangyayari bukas? Maiilang ba siya sa 'kin? Kasi ako, malamang sa malamang na maiilang ako sa kaniya! Crush ko siya aba at dati palang ay naiilang na ako sa presensya niya! Dalawang beses pa nga akong nahimatay parang tanga lang.
Sa pagtingin ko sa kalangitan ay parang bigla kong nakita ang gwapo niyang mukha. Ang kulay tsokolate niyang mga mata na nagpapakaba sa 'kin kapag nagtatama ang paningin namin. Ang nakataas niyang kilay sa t'wing nahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya.
Muli akong sumakwit.
Pero teka-isang linggo palang kaming magkakakilala at minsan nga lang kaming magkita tapos paanong naging crush niya ako? Tapos ngayon may gusto na siya sa 'kin! Na love at first sight ba siya? Ayy, hindi! Like palang pala! Na- like at first sight ba siya sa 'kin kaya gano'n?
"Baka nga na-like at first sight siya sa 'kin."
"Hoy!" napatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa harap ko. Nang tignan ko ito ay si Gab lang pala.
"Nagulat ako sa 'yo!"
"Sino ba kausap mo? Eto, tubig mo." inabot niya sa 'kin ang bottled mineral water.
"Salamat. Ano, kinakausap ko sarili ko."
Umupo siya sa katapat kong upuan.
Nangunot ang noo niya. "Kinakausap mo sarili mo? Kung kailangan mo ng kausap, nandito naman ako. Baka mabaliw ka niyan eh!"
Napaismid ako sa kaniya bago nagpatuloy sa pagkain. "Korni mo."
Nag-kwentuhan lang kami saglit bago ako tumayo at magpaalam sa kaniya. Sa wakas at dinalaw na ako ng antok na mailap sa 'kin kanina.
"Sure ka bang ayaw mo nang magpahatid?" pangungulit niya.
"Hindi na. Baka may manloob pa d'yan at walang bantay. Kaya ko naman ang sarili ko." tinapik ko pa ang balikat niya bago ako tumalikod.
"Ingat ka ah?!"
"Ge!"
"Chat mo 'ko pag nakarating kana!"
"Paraan ka eh, lol!"
Alam ko naman kasing pagnagchat ako sa kaniya ay pahahabain lang niya ang usapan at a-araw arawin niya. Gusto niya daw akong kachat kaso ay ayaw niya namang mag-first move. Gusto niya ay ako pa! Ang kapal niya sa lagay na 'yun!
Isang liko nalang ay makakarating na ako sa amin. Maglalakad na sana ako nang mapansin ko ang lalaking nakasandal sa pader at halatang may hinihintay.
Bigla akong kinabahan.
Naka-hood ito na jacket. Nakasandal ito sakto sa may likuan papunta sa amin. Nang mapansin niya yatang may nakatingin sa kaniya ay lumingon siya sa 'kin at umayos ng tayo.
Napaatras ako nang unti unti siyang maglakad palapit sa 'kin. Madilim kaya hindi ko makita ang mukha niya. Ang street light kasi ay nasa pagliko pa kaya medyo madilim sa part na 'to.
"S-sino ka?"
Hindi ko na maihakbang pa paatras ang mga paa ko dahil sa takot na nararamdaman. Ngunit sa kabila ng takot na nadarama ay nagawa ko pa ring magtanong sa sarili.
Gwapo ba 'to?
Aba kung dito na magwawakas ang lahat ay mas maganda kung sa gwapong nilalang ako babagsak. Hindi na nga ako makakapag bigay ng huling paalam sa mga mahal ko sa buhay eh, kaya siguro naman kahit papa'no ay makatarungan pa rin 'yon.
Nang isang hakbang nalang ang pagitan namin ay nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa 'kin. Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil gulat. Hindi ako nakapag react agad.
"Natakot ba kita?"
Mas lalo pa yata akong nagulat nang marinig ang pamilyar na boses niya. Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at bahagyang umusod nang maunti para makita ko ang mukha niya na kailangan ko pang tingalain.
"K-Kyler?"
Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko! Samantalang kanina niya pa binubulabog ang isipan ko simula noong umalis siya! Parang magic lang.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, gulat pa rin.
"Naglalaba." Ayun na naman ang pagka-pilosopo niya.
"P-pilosopo ka rin eh 'no? Pauso ka."
"Isn't it obvious that I'm here to see you?"
Napalunok ako.
Kilig mode: ON!
" M-may bukas pa naman ah?" napaiwas ako ng tingin. "Saka...g-gabi na."
"Yeah right. Pero nasa labas ka pa rin."
Patay.
"Ah-ano..." mas lalo akong hindi makatingin sa kaniya. Idagdag mo pang nakataas na naman ang kilay niya at naghihintay sa sagot ko!
"Nakita kita.."
Napatingin naman ako sa kaniya. Ayy mali-napatingala pala.
"A-anong nakita? Saan?"
"Who's that guy?"
"Ah, si Gab. Ka-batch ko. May ari ng mini mart." hindi ko alam kung bakit hindi ako komportable sa kinatatayuan ko. Panay din ang kalikot ko sa mga daliri ko.
"Is that so? Are you friend with him?" seryoso ang boses niya!
"Oo. Matagal na kaming magkakilala."
"Nilibre ka ba niya ng ice cream?"
Doon na napatindi ang paglunok ko kasabay ng matinding pag-iling.
"H-hindi ah! May dala kaya akong pera! Eto oh!" pinakita ko pa sa kaniya ang wallet ko.
Tumango naman siya. "Let's walk."
Magkasabay lang kaming dalawa sa paglalakad pero walang may nagsasalita ni isa sa amin. Pasimple ko pang hinihimas ang dibdib ko dahil sa pagwawala na naman ng nasa loob no'n. Hindi pa rin talaga kasi ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon!
Hays, ang haba ng buhok ko! Parang ayaw ko na talagang magpa-short hair.
Naalala ko bigla ang pagyakap niya sa 'kin kaya parang gusto kong maglupasay sa kalsada sa masarap na pakiramdam.
"Psst!" sinundot ko pa ang tagiliran niya.
Napalingon siya sa 'kin at tumingala naman ako sa mukha niya.
"Bakit mo 'ko yinakap kanina?" miss mo ba 'ko?
Gusto ko pa sanang dugtungan pero parang ang kapal naman ng mukha ko do'n. Baka kasi sabihin niyang hindi at assuming lang ako, baka mawindang pa ako sa pagkapahiya.
Nakita ko ang pagpula ng tenga niya sabay ng pag iwas niya ng tingin. Mahina naman akong natawa.
"Hoy! Tinatanong kita!"
Pumunta ako sa harapan niya at pilit sinisilip ang mukha niya pero lalo niya lang 'yung iniiwas. Halos magpa-ikot ikot na ako pero hindi ko pa rin makita ang mukha niya.
Ang cute niya hihihi...
"Stop it." mahinang saway niya kaya mas lalo akong natawa.
"Bakit mo 'ko yinakap ah? Ikaw ah? Chansing ka eh!"
"Stop it, Salve."
Hindi ko siya pinansin. Nagawa ko pang sundutin ang tagiliran niya at mas lalo akong napapatawa dahil halatang naiinis siya. At ang kyut niya sa part na 'yun!
Hanggang sa 'di ko napansin ang batong may kalakihan sa nilalakaran ko. Patalikod kasi ako na nakalakad at nakaharap ako sa kaniya kaya hindi ko kita. Kaya naman ay muntik na 'kong mapahiga sa sahig...sana!
Madali lang akong nasalo ng matipunong braso ni Kyler na ikinasinghap ko. Hindi ko alam kung ano ang parang kuryenteng dumaloy sa akin nang hawakan niya ang bewang ko. Hindi ko rin alam na ganito ka flexible ang katawan ko para maka-biad ng ganito.
Tuloy ay naiimagine ko ang scene sa mga K-drama! Ganitong ganito 'yun eh! Parang gusto ko nalang laging matalisod.
"K-Kyler..."
Naiilang man ay hindi ko magawang umiwas sa mga mata niyang tutok na tutok sa mata ko. At mas lalong hindi ako mapakali dahil...MAGKADIKIT ANG KATAWAN NAMIN!
Kunti nalang. Kunting kunti nalang ay sasagi na ang matangos niyang ilong sa ilong ko!
Syete, pa'no kumalma??!!
"Napapala mo.." bulong niya, ang mga mata ay titig pa rin sa 'kin.
"B-bakit mo ba ako yinakap?" halos pabulong ko lang sing tanong.
Nakagat ko nalang ang pang-ibabang labi ko habang naghihintay sa sagot niya.
"'Wag mong kinakagat ang labi mo dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.."
Nanlaki ang mga malaki kong mata sa kaniya kasabay ng pagtikom ko ng bibig ko. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya!
Wala sa sariling napatuwid ako ng tayo, hindi magawang makatingin sa kaniya.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Namumula ka, Salve." dahil sa sinabi niya ay parang mas lalong namula ang pisngi ko sa hiya.
Nauna na akong maglakad sa kaniya. Ilang hakbang nalang pala at gate na namin, hindi ko lang napansin kanina.
Naramdaman ko ang pagsunod niya sa 'kin. Nang makarating sa tapat ng gate ay nakayuko akong humarap sa kaniya.
"A-ano...umuwi kana, g-gabi na."
"Parang ayaw mo pa yata eh."
'Di ko namalayang napaangat na pala ako ng tingin sa kaniya. "Gagi, hindi ah!"
"Talaga ba?" nakangising aniya.
"Umuwi kana. Baka hinahanap kana sa inyo." napayuko ako uli. Pinagkaabalahan ko nalang ang mga daliri ko.
"Why? Ayaw mo ba akong mapagalitan?"
Bakit parang nang-aasar siya?
"Ediwaw, Kyler. Feeling ka."
Natahimik siya kaya napatingin ako upang tignan ang reaksyon niya. Seryoso ang mukha niya habang matiim na nakatitig sa 'kin. Nailang naman ako bigla.
"'Wag mo nga akong-"
"I can't sleep.." bigla niyang sabi.
"Huh?"
"I can't sleep that's why I'm here." napalunok ako bigla.
Pauso 'to eh. Pabago bago ng topic!
"A-anong kinalaman ko do'n?"
Tumaas ang kilay niya. "Hindi mo alam?"
Nangunot ang noo ko. "Paano ko naman malalaman? Malay ko ba kung iniisip mo 'yung hinahangaan mong mga mata kaya 'di ka makatulog."
Ano ba 'yan biglang dumulas sa bibig ko. Naalala ko kasi 'yung bio niya sa f*******: at hindi ko maiwasang hindi ma-curious at...mainis. Aba may katarungan naman siguro ang inis ko! Like niya na daw ako eh!
"Eyes? What eyes?" siya naman ang nangunot ng noo ngayon.
"I-google mo. Ge, una na 'ko."
Akmang pipihit na ako patalikod nang bigla niyang hawakan ang braso ko at iharap sa kaniya.
"Are you stalking me?" 'di ko alam kung bakit ngingiti-ngiti ito ngayon.
Ang bilis niya ding magbago ng emosyon..
"H-ha? Hindi ah! Ano ka, gold?"
Nakangiti pa rin siya at parang gusto ko nalang tignan 'yun.
"Gusto mo bang malaman kung kaninong mga mata 'yun?"
Napalunok ako nang biglang sumeryoso na naman ang mukha at boses niya.
Nang hindi ako sumagot ay napabuntong hininga siya at ipinulupot ang kaniyang mga braso sa 'kin na ikinalaki ng mga mata ko.
Nakakadalawa na 'to eh!
Parang nanigas ang katawan ko at nanindig ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko.
"It's yours."
"I can see my destiny to your eyes..."