Episode 5

2838 Words
"Ang gwapo ng batang iyon. I like him for you.." walang may nakuhang tugon sa 'kin si Papa dahil lutang ako hanggang ngayon. Hindi talaga ako pinatulog ng mga sinabi ni Kyler kagabi. Idagdag mo pang nag-good night pa siya bago niya bitawan ang kamay ko at sumakay sa kotse niya. Parang may gumagalaw sa tyan ko at ramdam ko pa 'yun hanggang ngayon! "No, I like Joshua for Salve. He's kind though.. " sabat naman ni Mama. Kumakain kami ng agahan habang nagtatalo sina Mama at Papa kung sino ang boto nila para sa 'kin. Pansin ko ang pananahimik ng tukmol kong kapatid pero hindi ko nalang siya pinansin. Pag ganyan siya, ibig sabihin ay may malalim siyang iniisip. Nagtapos na ako sa pagkain nang marinig ko ang pagparada ng motor sa labas. "Una na po ako.." paalam ko. "Paki-kamusta nalang ako kay Kyler!" pahabol ni Papa na ikinangiwi ko. "Tell Joshua na dito nalang siya mag-dinner mamaya!" hindi ko nalang pinansin ang pahabol ni Mama. Kinuha ko ang bag ko sa sofa at agad na lumabas. Nakita ko si Camille na salubong na salubong ang mga kilay habang nagpipindot sa phone niya. Hindi niya napansin ang paglapit ko kaya dinig ko ang ibinubulong bulong niya. "s**t this nerd. You're really getting to my nerves!" Nerd? "Walanghiya ka talaga mula ulo hanggang talampakan! Ang kapal ng mukha mo! Makita lang kita mamaya, pipinuhin ko talaga ang nagkakapalan mong salamin! Bwisit ka!" Sino kaya ang kaaway nito? Babae ba o lalaki? Hindi naman kasi mahilig makipag halubilo sa mga tao si Camille eh. Hindi siya 'yung tipong uunahan kang kausapin. Hindi siya namamansin kapag hindi mo siya uunahan, parang kung magpapapansin ka ay maninigas ka nalang dahil hindi ka talaga niya pagtutuunan ng pansin. Parang karangalan pa nga para sa 'kin na naging kaibigan niya ako eh. "Aish, walanghi—s**t! Kanina ka pa?!" "Mm, sino ba 'yang kaaway mo?" natatawa akong lumapit sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin. "W-wala. Ka-chat ko lang." Tapos pipinuhin mo ang salamin sa mata kapag nagkita kayo mamaya? 'Yung totoo? Ngumiti nalang ako at 'di na nagtanong pa. Napabuntong hininga muna siya bago siya sumakay sa motor at ini-start ang makina. Sumakay na rin ako agad dahil na-iimagine ko na ang nakabusangot na magandang mukha ni Leean habang nakaupo sa waiting shed. Nang araw na iyon ay bumalik na uli kami sa dating gawi. Nagdadaldalan syempre. Napag-usapan namin ang tungkol sa pagkakaroon ng i********: account ng BTS, at kung paano nila pinuna ang account ni Jungkok na siyang may pinaka weird na username sa kanilang pito. Nang makarating kami sa school ay pansin kong wala nang may tumatambay na estudyante sa gilid gilid. May nakikita kaming ibang lumalabas pero kapansin pansin ang pagmamadali nilang makapasok sa kaniya kaniyang room. Nakakapanibago lang. May sumusulyap pa sa mga bintana na animo'y may inaabangang dumaan. "Anong ganap?" 'di ko mapigilang tanong. "Ewan ko, 'di ako nakapanood sa PBO eh." "Sira!" kamuntikan ko nang makutusan si Leean. "Ang ibig kong sabihin, bakit walang mga estudyanteng nakatambay sa gilid gilid? Ang weird lang." Kibit balikat lang ang isinagot sa 'kin ni Leean. Pansin ko ang pananahimik ni Camille at ang pagkasalubong ng kilay niya. Para siyang may kaaway sa isip niya. Mahina ko siyang siniko. "Hoy!" para naman siyang natauhan na napabaling sa 'kin. "B-bakit?" Nauutal pa oh! "Tulala ka d'yan? May problema ba?" napatingin sa 'min si Leean. "U-uh, wala ah!" "Weh? 'Di nga?" "W-wala nga! Ano kasi—naiinis ako kay Sic Santos!" "Huh?" kaming dalawa ni Leean. "Bakit parang ang layo mo naman?" "K-kasi nga, 'yung mga karakter niya sa mga storya niya ay pinapatay niya! Nakakainis lang!" "Talaga ba?" "Oo naman—teka nga! Eh, kagabi, anong nangyari sa inyo kagabi?" Ano bang pinagsasasabi nito? Pabago bago ng topic ang bruha. Halatang may iniiwasan. Balak ko pa sana siyang usisain kaso napabaling na rin ang atensyon ni Leean sa 'kin. "Oo nga pala, ano nga bang nangyari kagabi? Hindi na kami nakabalik." Nag-iwas ako ng tingin dahil naalala ko na naman ang paghawak ni Kyler sa kamay ko. Heto na naman ang pakiramdam na parang may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko sa isiping iyon. "Hoy, bakit namumula ka?!" nanlalaking matang tanong ni Camille. "'Yung totoo Salve? 'Yung totoo?" -Leean. "Magsabi ka ng totoo at pawang katotohanan lamang!" muling saad ni Camille. "A-ano bang mga pinagsasasabi niyo?" pakiramdam ko nasa hot seat ako! "Anong nangyari kagabi? Bakit ka hinatid ni Kyler?" "Ah, k-kasi—ano...n-nakita niya akong naglalakad kaya pinasakay niya ako." "Kaya namumula 'yang mukha mo?" pakiramdam ko ay mas lalong nag-init ang pisngi ko. Sasabihin ko ba? Aish, bakit ba kasi may pahawak hawak pa eh! Pero bakit niya binitawan agad?! Langya! "Oh, eh anong nangyari no'ng umalis kami?" "W-wala naman.." Engot Salve! Engot! Tumaas ang kilay nilang dalawa sa sinabi ko. Ako naman ay pilit na iniiwas ang tingin sa kanilang dalawa. Magsasalita pa sana si Camille nang may lalaking matangkad na tumigil sa harapan namin. "Go to your room now." malamig na boses na aniya ng lalaki. Matangkad ito at may makakapal na salamin sa mga mata. Matangos ang ilong at mapula ang labi, kasing kulay ng kay Kyler—aish, ba't ba nasali sa usapan ang lalaking 'yon? Nakaayos din ang buhok nito at ang bango. Kapansin pansin din sa likod ng salamin niya ang antok niyang mga mata habang nakatingin kay.... Hala! Nakatingin lang ito kay Camille at itong isa naman ay panay lang ang bulong habang nakakuyom ang mga kamay. "U-uh, excuse me—" "Now." madiin na aniya bagama't malamig. Maglalakad na sana kaming tatlo nang bigla siyang magsalita. "SSC's second highness should work her duty." at saka ito naglakad lampas habang umiiling iling. "That nerd.." bulong ni Camille pero dinig naman namin. Agad na kaming dumiretso sa room namin habang ang isip ko ay nakalitaw. Marahil ay ang gwapong lalaking iyon ang new president, ibig sabihin, 'yung lalaking 'yun marahil ang kaaway ni Camille sa phone niya kanina. Nerd daw eh, saka wala naman siyang pwedeng makaaway maliban sa bagong SSC president na inagaw ang posisyon na dapat ay kaniya. Hays, pero unfairness lang, ang gwapo ng lalaking nerd na 'yun kaso parang mas gwapo pa yata si Kyler. Kahit messy kasi ang buhok niya ay gwapo pa rin, samantalang nakaayos ang buhok noong lalaki kanina. May tsokolate rin siyang mga mata kumpra do'n sa antok at pagod na mata no'ng lalaki. Pero parehong matangos ang ilong nila at mapupula din ang kanilang mga labi. Mag kasing tangkad lang din sila pero parang mas malaki ang katawan ni Kyler—ayy hindi, mas malaki pa siguro ang katawan no'ng lalaki kanina—ayy ewan! Parang same lang, siguro pag makita ko ang katawan nila ay maipagkuku—TEKA!! ANO BA 'TONG MGA INIISIP KO?!! Hays, Salve! Bakit ko ba pinagkukumpara ang dalawang gwapong nilalang na mga iyon?! Eh, mas gwapo naman talaga si Kyler at may malambot pang kamay! Wala siguro siyang masyadong ginagaw— "Hoy!" "Ayy!" Para akong nagising sa isang malalim na isipin nang bigla akong pitikin sa noo ni Camille. "Masakit..." hinimas ko pa ang noo ko. Grabe naman kasi makapitik eh. "Nag-d-day dream ka na naman! Halika na nga!" "H-ha?" nagtaka ako dahil nakasukbit na sila ng kaniya kaniyang mga bag. "Break na hoy! Natutulog ka pa 'ata!" nauna na silang lumabas samantalang ako ay nag-loloading pa rin. Gano'n katagal akong lutang?! Wala sa sariling napatayo nalang din ako at sumunod sa kanila papuntang cafeteria. Nakita namin si Joshua kaya sumabay nalang din ito sa amin. "Psst!" sitsit ni Joshua sa 'kin nang maiwan kaming dalawa sa table. "Mm?" sagot ko nang hindi tumingin sa kaniya. Busy ako sa pagv-view ng IG story ni Jungkok eh. "Saan ka galing kagabi?" "D'yan lang.." Ang gwapo talaga ni Jungkok, omg! Naiirita lang talaga ako kasi ang haba haba ng user name niya. "Bakit ka ginabi ng uwi kung d'yan lang? Saka anong ginawa mo?" Itinago ko na ang phone ko sa bulsa ko saka ako tumingin nang deretso sa kaniya. Ang totoo niyan ay naiilang ako sa presensya niya sa hindi ko maintindihan na dahilan. Marahil ay naguluhan lamang ako sa mga pinagsasasabi niya sa 'kin kagabi, at maging sa mga ikinilos niya. Nakakapanibago lang kasi. "Nakita ako ni Kyler na naglalakad kaya inaya niya akong sumakay at sumakay ako." napatango siya sabay iwas ng tingin. Guni guni ko lang siguro na nakakita ako ng kalungkutan sa mga mata niya, siguro nga ay puyat lang ako. "Ehem, ano nga palang plano mo?" nangunot ang noo ko sa pag-iiba niya ng usapan. "Plano?" wala naman akong may natatandaang pinaghahandaan ah? "Mm, kasali tayo sa banda. 'Di ba ayaw mo?" napangiti ako sa tanong niya. "Sasali ako." Hindi ko akalain na magbabago ang takbo ng isip ko pagdating sa banda. Ayaw na ayaw ko talagang sumali pero—kasali kasi si Kyler. Ewan, nagkaroon ako ng interes na sumali no'ng malaman kong siya ang isang vocalist. "Whew! Bakit ka sasali? 'Di ba ayaw mo? Dapat nga maiinis ka kasi ayaw mong sumali—" "Dati 'yun! Iba na ngayon eh haha!" Dumating na sina Camille at Leean dala ang pagkain naming dalawa kaya nanahimik na ako. Muntik na akong masamid nang makita kong pumasok ng pinto si Kyler. Syete, lagi nalang. "Dahan dahan lang uy!" inabot ko ang tubig at agad nilagok habang pasimpleng nakatingin kay Kyler na dumiretso sa counter. "Si Kyler oh!" itinuro pa ng bruhang si Camille si Kyler na ngayon ay nakasandal na sa counter habang may kinakalikot sa phone niya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang puso kong nagwawala na naman. Baka mamaya'y bigla nalang akong bumulagta dito. Inhale....exhale....inhale.....exhale— "Kyler!" daig ko pa ang binihusan ng malamig na tubig nang tawagin ni Camille si Kyler at sinenyasang pumunta sa table namin. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko lalo na no'ng nagsimula nang maglakad papunta sa gawi namin ang lalaki bitbit ang tray ng pagkain niya. Syete, ang puso ko. Ang puso ko! "Wala kang kasama?" tanong naman ng bruha. Hindi ko magawang tumingin kay Kyler lalo na sa mga kulay tsokolate niyang mga mata na alam kong nakatingin din sa 'kin ngayon. Kahit nanlalamig ang mga kamay ay pinagpatuloy ko ang aking pagkain upang makaalis agad ako. Sa susunod na gusto mo akong pigilan, kamay ko ang hawakan mo...at hahawakan din kita pabalik... GRR!!!!! BAKIT BA KASI ANG GALING MONG MAGPAKILIG???!!!! "Hoy, Salve, dahan dahan lang. Napaghahalataan ka eh." pinandilatan ko ng mata si Leean na ikinatawa lang niya. Mabilis ang pagsubo ko kaya agad kong natapos ang pagkain ko. "Salve,nagpasalamat kana—" "Uh—t-tapos na 'ko. U-una na 'ko..." hindi ko na hinintay pa ang tugon nila at agad akong lumabas ng cafeteria. Nagtungo ako sa likod ng building ng seniors at napasandal sa pader doon. Kinapa ko ang dibdib ko upang pakalmahin ang puso ko na palaging nagwawala kapag...kapag nakikita ko si Kyler. Anong ibig sabihin nito? Wala akong alam sa love life kasi hindi ko pa naman nararanasan 'yan. Kung ikukumpara ako sa aming tatlo ay ako nalang ang walang alam pagdating sa pag-ibig keneme na 'yan. "You're always look tense when I'm around." "Ayy, jusko po!!" napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang malalim at malamig na boses na 'yun ni— "What was that?" KYLER!!! "S-sinuaundan mo b-ba 'ko?" "Am I?" Pakiramdam ko ay mas lalo akong hindi mapakali sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ako makatingin sa mukha niya sa hindi ko malaman na kadahilanan. Ang lakas din ng kalabog ng dibdib ko. "Uh—una n-na 'ko.." muntik pa akong pumiyok, langya. Sa lupa lang ako nakatingin habang dahan dahang naglalakad palampas sana sa kaniya pero— "Hold on a minute.." HINAWAKAN NIYA ANG BRASO KO!!! Syete, aatakihin na talaga ako nito!! Ngunit mas lalo akong nagulat nang bigla niya akong iharap sa kaniya at hinawakan ang baba ko upang itingala sa kaniya. Madiin akong napalunok. Nang magtagpo ang mga mata namin ay para akong nalulunod sa uri ng pagkakatingin niya. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko. May kinuha siyang panyo sa bulsa niya at pinahid iyon sa pisngi ko dahilan para mailang ako at mapaiwas ng tingin. "Ang kalat mo.." mahina niyang sabi habang pinupunasan ang mukha ko. Akmang aagawin ko sa kaniya ang panyo pero pinigilan lang niya iyon ng isa pa niyang kamay. At nang dahil sa pagtagpo ng kamay ko sa kaniya ay para akong kinakapos ng hininga sa matinding kalabog ng puso ko. Dahilan upang mawalan ako ng ulirat sa mga matitipuno niyang mga braso. Nang magising ako ay puro puti lang ang nakikita ko. May naririnig akong tunog ng makina sa gilid ko kaya nagkaroon ako ng hinala kung nasaan ako—teka! "Jesus, finally you're awake!" napalingon ako sa gilid ko nang makita ko si Mama na sumisinghot habang nakayakap sa 'kin. "You scared us!" sa likod niya ay naroon sina Papa na nakangiti sa 'kin habang salubong naman ang kilay ni Aldrin na nakamasid sa 'kin, pino-protektahan yata ang pride niya. "Ano bang nangyari ha? Inatake ka na naman!" walang may nakuhang tugon sa 'kin si Mama. Dapat ko bang sabihin sa kaniya na inatake ako dahil kay Kyler? Dahil nasa paligid ko siya? Engot! Nakita kong may nakakonekta sa 'kin na oxygen tank kaya medyo ilang akong igalaw ang ulo't kamay ko. Sabi ni Mama ay mahigit isang oras na daw akong walang malay matapos akong dalhin ni Kyler dito sa clinic. Hindi ko alam kung paano nila nalaman pero hindi na ako nagtanong. Nagpaalam silang kailangan na nilang umalis at talagang sinadya lang talaga nila ako. Nag-iwan din sila ng pagkain para sa'kin. Samantalang si Aldrin naman ay simangot lang ang ipinakita matapos magpaalam na pupunta na sa klase niya. Nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko at maisara ang pinto ng kwarto ay dahan dahan akong bumangon at tinanggal ang dextrose na nakakabit sa 'kin. Huminga muna ako ng malalim. "Omyghad, kinikilig ako!! HAHAHA hinawakan niya na naman ang kamay ko at malamang ay binuhat niya ako papunta dito! God, bakit ba kasi nawalan ako ng malay edi sana na-feel ko!" tumawa pa ako na parang nasisiraan ng bait. Hindi ko lang talaga maintindihan ang sarili ko, baka nga nakakabaliw ang isang Kyler. "Kyaaaaaaaaaahhhhh—" "Salve, anong nangyayari?!" agad akong nahiga sa kama nang marinig ko ang boses ni Camille sa labas. Ang ayaw ko talaga sa lahat ay 'yung sinisira ang kilig moments ko eh! Tsk! Dali dali kong ipinikit ang mga mata ko nang marinig kong bumukas ang pinto. "Narinig niyo ba 'yung kanina?" boses ni Camille. "Ang alin?" "Parang may nauulol dito eh!" Grabe naman sa ulol! "Ako nga rin eh, dinig ko. Parang kwagong sumisigaw dahil sa natanggal ang isa niyang malaking mata!" Walang hiya ka Hermodo!! Grr! "Eh sino naman? Mukhang natutulog si Salve eh." boses ni Leean. "Pero dinig ko talaga eh! 'Di ba Joshua? Matinis ang boses niya at para talaga siyang nauulol!" Uloljpeg. " Wala naman sigurong multo dito?" "Tangik, may multo bang ulol? Hindi nagsasalita ang mga multo 'no! Nakikipag-communicate lang sila gamit ang hangin!" si Joshua. Nagpanggap lang akong tulog. Hindi ko alam kung saan aabot ang usapan nila. "Baka wala talagang multo? Baka kwago nga iyon." Isa pa 'tong si Leean eh! Bakit ba kasi panay silang kwago nang kwago?! "Baka nga. Baka nga ulol na ang kwagong iyon at nagpapanggap siya ngayon." Hindi ko na napigilan ang sarili na mapadilat at umupo. Napaataras sila sa gulat nang makita ako. "Hala, gising na ang kwago!" "Gago ka, Hermodo!" Naniningkit ang mata ni Camille habang nakatingin sa 'kin. "So, bakit ka nagsisisigaw?" So, a-alam niya? "S-sinong sumisigaw?" napaiwas ako ng tingin. "'Yung kwago." inirapan ko lang si Camille. "Ano nga palang nangyari sa 'yo? At si Kyler na naman ang accompany mo ha? Dumadamoves kana ba, ha Gondaya?" nang-aasar na tanong ni Leean. "Sinasabi mo?" "Hoy, Gondaya, sinasabihan kita—" "Na 'wag akong magpapaloko sa mga lalaki?" putol ko sa dapat na sabihin ni Camille. "Hindi. Na ayusin mo ang movements mo para magka-lovelife kana! Jusko, ikaw nalang ang walang jowa—tayo pala." Napaismid nalang ako. Napatingin ako kay Joshua na walang imik na nakatingin lang sa 'kin. Wala siyang karea reaksyon at hindi ako sanay sa gano'n. Siya ang lalaking nakilala ko na mahilig mang alaska, lalong lalo na pagdating sa 'kin pero parang hindi ko 'yun nakita ngayong araw sa kaniya. Naguguluhan din ako sa mga asta niya. Simula kagabi ay parang gusto ko nang pagmasdan ang bawat kilos niya at reaksyon niya kapag ako ang pinag-uusapan. Para kasing iba na ang pakiramdam ko eh. Nagpaalam si Joshua na lalabas saglit at wala namang may pumigil sa kaniya, pero bago siya makaalis ay hindi nakaligtas sa paningin ng unique kong mga mata ang pait ng tingin na iginawad niya sa 'kin bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Anong ibig sabihin ng tingin na 'yun Joshua?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD