"Ate may tumatawag!" boses iyon ni Aldrin, nakababata kong kapatid.
"Ate ano ba?!" tignan mo 'to, makasigaw wagas.
Agad akong bumaba at kinuha ang cellphone kong naiwan ko nga pala sa ibabaw ng mesa sa kusina.
"Nakakairita ang ring tone mo," aniya nang makababa ako.
"Pake mo?" umirap lang ang tukmol at naglakad pataas.
"Hello?"
"Naligo kana?" nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa bungad ni Camille, kaibigan ko.
"H-hindi pa hehe,"
"Ano ba 'yan! Bilisan mo, papunta na 'ko." pagkatapos ay pinatay niya na ang tawag.
Agad naman akong umakyat papunta sa kwarto ko at naligo. Maya maya pa'y narinig ko na naman ang boses ni Aldrin.
"Hoy Ate! Nandito na si Camille!"
Kung ilalarawan ko si Aldrin, isa siyang batang walang modo at palaging pinag sukluban ng langit kung umasta. Walang araw na hindi nagkakaroon ng digmaan sa pagitan namin.
"Hoy Ate—"
"SANDALE!!!"
Ang lakas niya talagang makasira ng umaga!
Nang matapos kong ayusin ang aking sarili ay agad akong bumaba. Wala si Camille sa sala kaya malamang ay nasa labas siya ng gate naghihintay.
"Ma, una na 'ko!" sigaw ko sa labas ng bahay.
"'Di ka rinig no'n lol!"
"Langyaka, lumayas ka na nga!" inis na sabi ko kay Aldrin bago buksan ang gate.
Sa aming dalawa ako palagi ang talo. Nakakairita lang!
"Aga aga ang lakas ng boses mo," puna ni Camille bago ako sumakay sa likod niya.
"Lakas makapanira ng araw e,"
Sa aming tatlong magkakaibigan ay si Camille ang matanda kaya siya ang may kakayahang makapag pundar ng sasakyan kagaya nitong motor. Kaming dalawa naman ni Leean ay pawang mga minor pa. Next year pa ang legality age namin.
Kung tutuusin ay pwede naman akong mag bike ang kaso ay ayaw nila Mama. Takaw disgrasya daw kasi ang cute na si ako. Kaya ang ending ay si Aldrin lang ang binilhan.
Ediwao.
Sa may b****a ng village ang bahay nila Leean, palabas, kaya siya ang huli naming susunduin. Parang ano kasi 'yan e, nasa unahan sila Leean, sa bandang gitna naman ako at sa bandang huli naman sila Camille. Ang astig lang ng arrangement ng mga bahay namin hehe.
Malayo palang ay tanaw na namin si Leean na nakaupo sa may waiting shed at mukhang inip na inip na. Pero hindi halata kasi syempre maganda siya.
Sanaol maganda..
"Ang tagal niyo naman!" bumusangot ang maganda niyang mukha bago lumapit sa gawi namin. Bumaba muna ako dahil sa gitna ang pwesto niya.
"Itanong mo d'yan sa isa! Ang tagal kumilos!"
"Sorry naman, tao lang." natatawang ani ko. Nang umandar ang motor ay daldalan na kami nang daldalan at usually, topic namin ang BTS.
"Alam niyo bang ang gwapo gwapo ni Jungkook do'n?! My god! Pakisakal ako please hahaha!" sigaw ko para marinig nila.
"Oo na gwapo pero mas hot do'n si Jimin 'no?! Ideal man talaga!" banat naman ni Camille.
Hanggang sa makarating kami sa parkingan ng mga sasakyan sa school at daldalan pa rin kami ng daldalan.
"Balita ko nga maraming transferee ngayon eh!" nagulat naman ako sa sinabing 'yon ni Leean.
"Ha? Eh dalawang linggo nang nagsisimula ang klase ah?" dalawang linggo nang nagsisimula ang klase at pangatlo na ngayon kaya bakit may transferee pa? Pa-special lang? VIP?
"Aba malay ko! Balita ko may mga kapit kaya madaling nakapasok." muling saysay ni Leean.
"Eh saan ka naman nakabalita? Chismosa ka na ngayon ah?" napaiwas ng tingin si Leean sa simabing iyon ni Camille.
Totoo naman kasing hindi chismosa si Leean. Kami palagi ang tiga hatid ng mga balita sa kaniya kaya nagtataka rin ako kung saan siya nakasagap.
"N-narinig ko lang, ba't ba?"
"Haha narinig nga ba?" halos sabay pa kami ni Camille. Inirapan niya lang kami at nauna na siyang naglakad papasok.
Nang makarating kami sa loob ng room ay wala pa rin ang prof kaya umupo na kami sa kaniya kaniya naming pwesto.
Minuto ang lumipas ay natanaw na namin ang cool naming advicer na si Sir Richard. Babatiin sana namin siya kaso nagulat kami nang biglang pumasok ang Dean I principal kasunod niya kaya napayuko agad kami.
"Good morning Dean!" sabay sabay naming bati.
Nang mag-angat ako ng tingin ay...
OMG!!
Syet, ang gandang tanawin!
Nang mag angat ako ng tingin ay isang pares ng kulay tsokolateng mata ang tumambad sa 'kin. Nakatingin din ito sa 'kin na parang sinusuri ang mukha ko o mas tamang sabihing sa mata ko lang.
Grabe naman, ngayon lang ba siya nakakita ng ganitong size ng mga mata?
Medyo may kalakihan kasi ang mata ko pero bumawi naman sa pilik mata at kilay. Oh 'di ba? Hehe.
Naputol lang ang makapigil hininga naming titigan nang magsalita si Dean.
"Good morning too students. Ahm, I'm here to remind you our upcoming event which is the Sports Fest."
Naghiyawan naman ang mga kaklase ko pero nakatuon lang ang paningin ko sa lalaking nakatayo katabi ng Dean.
Matangkad.
Maputi.
Matangos ang ilong.
Magandang uri ng mga mata.
'Yung buhok niya parang hindi niya ginugupitan dahil messy ito pero syet lang ang hot niya sa part na 'yun!
Tapos 'y-yung lips niya...ang pula! OMG daig pa ang aken!!
"Listen, I'm expecting your full participation and cooperation, is it clear?"
"Yes Dean!" sagot naman ng klase.
"Oh, anyways, this man standing beside me is my nephew. Kyler Jin Caloste."
Kyler Jin...
Ang hot ng pangalan niya hehe..
" Good morning.."
Ang lamig at ang lalim ng boses niya, shocks! Parang koreano lang!
Feeling ko nanlamig ang kalamnan ko nang magtama na naman ang mga mata namin. Nag iwas ako ng tingin pero agad ko ding ibinalik pero syet lang, nakatingin pa rin siya sa 'kin!
Para akong sasabog, mabuti nalang at nagpaalam na si Dean kaya naputol ang makapigil hininga naming titigan.
Para akong nabunutan dun, jusko!
Nagsimula ang klase at para lang akong nakalitaw sa ere sa kaiisip sa nangyari kanina.
Nakipagtitigan ba talaga ako?
Pero syet lang, brown ba talaga ang mga mata niya?!
Hays, para tuloy akong ewan sa kakaisip. Pero ano ba talaga ang problema no'n? Kung makatitig eh parang pinag-aaralan ang mata ko.
Hanggang sa mag break na ay wala akong may naintindihan sa mga lectures. Naglalakad kami ngayong tatlo papunta sa cafeteria at nang makaupo kami ay si Camille ang unang nagsalita.
"Hoy, Salve! Ano 'yung kanina ha? Nakita ko 'yon!"
"Ako rin, nakita ko! Grabe ang eksena ah?" sabat ni Leean.
Hindi ako nakasagot kasi maging ako ay hindi rin alam kung bakit gano'n ang eksena namin nong Kyler kanina.
"Hoy Gondaya!"
"A-ano?"
"Hala, nasapul kana agad ni Kupido?" tanong ni Camille na ikinataka ko. Minsan kasi itong si Camille, maraming hugot sa buhay na pati mga malalalim na salita ay nauungkat. Pati ako nahawa na sa 'nauungkat' na 'yan eh!
"Baka na-love at first sight na 'yan. Magkano pusta mo?" tanong ni Leean.
Ano daw? Love at first sight?! Engot, ako? Baka nga..
"Isang libo sa 'kin. Sigurado akong isang buwan pa bago siya ma-notice."
"Isang libo din akin pero hula ko mga isang linggo lang 'yan. Magtiwala lang tayo sa karisma ng Gondaya."
"Mga walangya kayo! Pinagpustahan niyo pa talaga ako ha?!" tumawa lang ang mga tukmol.
"'Wag mo kaming intindihin! Ang intindihin mo, kung paano ka mapapansin ni—ano nga bang name no'n?"
"Kyler Jin Caloste," agad kong sagot na ikina-OA ng dalawa.
"Naks, tinamaan talaga oh!"
"Tumigil nga kayo!" tinawanan lang nila ako. Silang dalawa ang nagtungo sa counter kaya naiwan akong mag-isa sa table.
'Yung feeling na parang may nakamasid sa 'yo? Nararamdaman ko 'yan ngayon eh. Pasimple kong nilibot ang paningin ko at sa kabilang side ng cafeteria nakita ko si Joshua na kumaway pa sa 'kin. Ngumiti naman agad ako sa kaniya. Naglakad siya palapit sa gawi ko bitbit ang tray ng pagkain niya.
"Hi," bati niya.
"Para kang tanga haha!" Paano kasi ang pormal niya masyado, parang hindi loko loko.
"Naka-order kana?" tanong niya at naupo sa pwesto ni Leean, kaharap ko.
"Oo, ando'n kela Camille." tumango naman siya.
Napaiwas ako ng tingin dahil nakatingin lang siya sa 'kin habang nakangiti. Creepy.
"Itigil mo nga 'yan! Naiilang ako!"
"Bakit parang..."
"Parang?"
"Mas lumalaki ang mga mata mo?"
"Walang hiya! Umalis ka nga sa harap ko!"
Buyset na 'to.
"Joke lang haha! Okay lang 'yan, maganda naman pilikmata at kilay mo eh."
"Wala akong barya kung mambuburaot ka Hermodo!" kunyareng inis na sabi ko.
"Grabe ka naman. Pinupuri ka na nga't lahat madamot ka pa rin." napairap nalang ako.
"Hoy, pwesto ko 'yan! Alis!" bugaw ni Leean sa kaniya na sinabayan pa ng pagwasiwas ng kamay na animo'y langaw.
"Hindi ako langaw, gagi 'to." umalis siya sa upuan ni Leean at nanghatak ng iba.
"Anong kailangan mo Hermodo?" tanong ni Camille.
"Grabe ka naman sa 'kin! Hindi ba pwedeng lumapit kahit walang kailangan?"
"Hindi,"
Nagsimula na kaming kumain. Sa bawat pagsubo ko ay naiilang ako dahil panay ang tingin sa 'kin ni Joshua. Isa nalang talaga bibigwasan ko na 'to eh!
"Itigil mo nga kakatingin mo sa 'kin Joshua! Nakakailang ka eh!"
"Witwiw!" tinignan ko nang masama si Camille dahil sa nang-aasar na tingin niya sa 'kin.
"Feeling mo naman!" umirap lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos kaming mag break ay agad na kaming bumalik sa room namin. Agad din namang nagpaalam si Joshua. Ka batch lang din namin siya pero nasa ibang major siya.
Wala namang may nangyaring interesente sa buong tanghaling lumipas. Nag-klase lang kami pagkatapos nag lunch. Sumabay din sa 'min si Joshua.
"Ate Camille!" napatingin kami sa pinto ng room nang may pumasok na babaeng sa hula ko ay first year.
"Bakit?"
"Pinapatawag po kayo sa SSC office!"
"Ahsge, thanks!"
Tumayo si Camille at Leean sa kinauupuan nila at sinukbit ang bag sa balikat.
"Oh, pa'no ba 'yan Salve? Una na muna kami. 'Wag kang uuwi hangga't hindi pa kami dumadating ha? Tatamaan ka talaga sa 'kin. Marami pa namang tarantado d'yan sa kalsada—"
"Aish! Umalis ka na nga! Nanenermon ka pa eh!" kunyaring inis na sabi ko.
"Aba, sumasagot kana ah? Kaya mo na bang pakainin ang sarili mo ha, Gondaya?" namewang pa ang bruha.
"Pfft para kang tanga!" nagtawanan ang iba naming mga kaklase kaya natatawa rin ako. Minsan kasi parang timang 'tong si Camille eh.
"Halika na nga, para kang abnoy d'yan!" inis na sabi ni Leean at nauna nang maglakad palabas. Kung natatakot ako kay Camille pag naiinis, mas lalo naman kay Leean! Aba, nakakatakot kaya magalit 'yun kaya agad na sumunod si Camille sa kaniya.
Nang magsimula ang klase sa hapon ay ibinalita sa 'min ang isang balitang nagpa badtrip sa 'kin.
Get your clubs now..
Kelangang may mapili na kaming club ngayon. As in ngayon na! Wala kaming pasok hanggang mamayang 5 dahil ilalaan daw 'yun para sa clubbings.
Kairita naman oh!
Mayroon naman akong choice kaso lang parang ayuko talaga! Pero may magagawa pa ba ang cute na katulad ko? Kaya ngayon, naglalakad ako papunta sa music club room.
Pipihitin ko palang sana ang door knob nang biglang may nagsalitang tao sa likod ko.
"Just as I thought."
"Ano?"
"I expected na dito ka talaga pupunta." nakangiting aniya.
"As if naman kasi may choice ako." medyo inis na sabi ko. Tuluyan ko nang binuksan ang pinto at nakasunod naman sa 'kin si Joshua habang naglalakad ako papasok.
Mm, malawak. Nasabi ko sa isip ko nang tuluyan na akong makapasok sa loob.
May mangilan ngilan na ding mga estudyante sa loob at naniningin tingin sa mga instruments na naka set up sa iba't ibang bahagi ng kwarto. May mini stage din sa unahan, para siguro sa auditions. Pero kapansin pansin ang isang desk na nasa baba ng stage. Bukod tangi ito syempre dahil ito lang naman ang nakikita kong desk dito. Puro kasi mga upuan ang nakalagay at karamihan ay may nakatapat na instrumento.
Umupo kami ni Joshua sa tapat ng naka set na iba ibang klase ng mga gitara. Magaganda ang uri ng mga gitara at halatang mamahalin. Parang ang hirap hawakan.
Maya maya lang ay may mangilan ngilan nang pumapasok pero kapansin pansin ang hagikhikan nila na animo'y kinikilig. Tsk, nevermind.
Nang mapatingin ako sa gawi ng pinto ay para akong natulala at napunta sa dulo solar system. Tumama ang paningin ko sa mala tsokolateng mga mata at hindi ito maalis doon. Heto na naman ang sistema kong parang natatarantang ewan. Para akong magkakaroon ng kombulsyon!
Masasabi kong iba talaga ang karisma ng isang..
Kyler Jin Caloste.
Naglakad ito palapit sa desk confidently. Taas noo at walang lingon. Parang kawal lang sa Lireo.
"Good afternoon." para akong nanlamig sa boses niya. Baka nga pwede na akong magpalamig ng chocolate eh.
Pero bakit nga ba nandito 'to?! Hindi kaya..
"I'm the new president of this club as you know."
Ah akala ko naman sinusundan niya ako. Pero bakit naman niya ako susundan? Tsk, pero ano? Siya na ang new preside—WHAT?!
Siya ang new president?!
Hell no!!
Meaning, palagi ko na siyang makikita like araw araw? OMG lang.
"Salve.." napatingin ako kay Joshua.
"B-bakit?"
"Hindi pa tayo nakakapagpalista." oo nga naman, pero syet! 'Wag niyang sabihing pupunta kami sa desk—parang mag cocolapsed na ako no'n.
"H-halika na, palista na tayo.." akmang tatayo na ako nang hawakan niya ang braso ko at pilit na pinaupo.
"Ako na, maupo ka nalang." tumango naman ako pero may kung ano sa 'king nakaramdam ng panghihinayang.
Nakita ko ang isang babaeng may inabot na folder kay Kyler bago tuluyang makalapit sa Joshua sa kaniya.
Pinagmasdan ko lang si Kyler na seryosong nakikipag usap na parang mga kliyente niya ang kaharap niya. Napaka formal niya kung kumilos.
Pero bakit kahit gano'n ay ang gwapo niya pa ring tignan?
Hays.
Nang makabalik si Joshua ay ngumiti siya sa 'kin. Gagantihan ko sana siya ng ngiti nang biglang magsalita si Kyler.
"I heard about the band of seniors so we need to prepare. May I know who's the former members?" tanong niya at nagsimula namang magsalita ang iba.
Lima ang miyembro ng banda at tatlo do'n ay wala na dito dahil graduated na. Kaya ang sabi nitong gwapong si Kyler ay magka-conduct daw siya ng audition.
Guitarist at dalawang vocalist nalang ang kailangan. Kailangang lahat kami ay mag-audition. Kainis naman.
"Exciting.." dinig kong sabi ni Joshua.
"Buti kapa na-eexcite.."
"Bakit ikaw, hindi?"
"Halata ba?" ngumiwi naman siya sa sagot ko.
"Mag audition ka as vocalist, papasa ka panigurado." seryosong sabi niya.
"Sa tingin mo?"
"Oo naman! Maghahanda pa ako ng payong!"
"Walang hiya!" tignan mo 'to, 'di ko alam kung pinapalakas ba niya ang loob ko o ano.
Marunong naman talaga akong kumanta. Since bata palang ako ay kumakanta na ako, wala nga lang akong lakas ng loob. Kumakanta naman talaga ako pagpinipilit eh, ayuko lang talagang maging miyembro ng banda.
Minuto ang lumipas at nagsimula na nga ang audition kuno. Dahil wala akong choice ay nagpalista ako sa vocalist.
"Magaling ka na naman nang kumanta kaya no need na magpalista,"nakangiting sabi sa 'kin ni Rena, isa rin sa mga ka-batch ko.
"Para sa'n pa ang audition kung gano'n?" natatawang ani ko. Natawa naman siya at inasar niya pa ako kay Joshua bago ako umupo ulit sa pwesto ko. Malayo pa naman ang turn ko.
Sana lang talaga maging matiwasay ang audition na 'to..