CHAPTER 12

2123 Words
CELESTINA's POV Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman ngayon. Hindi pa rin nawawala ang kabang aking nararamdaman matapos ang naging muling pagkikita namin ni Jay-R kanina. I saw Jay-R again. Jay-R saw me with my daughter, Abigail. At hindi lamang kami basta nakita ni Jay-R kundi nakasama niya rin kami ni Abigail nang ilang minuto rahil inutusan siya ni Kuya George na samahan kami sa pamimili ng fresh foods at perishable goods sa wet market na pagmamay-ari ng aking half-brother. Bakit ganito? Lumiliit ang mundo para sa aming dalawa ni Jay-R. Bakit pagkatapos nang maraming taon na hindi kami nagkita ni Jay-R ay ngayon pa siya biglang sumulpot sa aking buhay? Sa aking maayos na buhay. Maayos nga ba, Celestina? Parang gusto kong pagalitan ang aking sarili rahil sa sinabing iyon ng aking isipan. Masasabi ko namang maayos ang aking buhay dahil may asawa at anak akong matatawag kong pamilya. Naibibigay ng asawa kong si Brent ang mga pangangailangan naming mag-ina. May matatawag akong matalik na kaibigan sa katauhan ni Samantha at laging nandiyan ang aking mga magulang at ang aking half-brother para maging aking sandigan anumang oras. Hindi ko na kailangan ang presensya ni Jay-R sa aking buhay ngayon. Pero si Jay-R ang mahal mo. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata matapos marinig ang sinabing iyon ng aking isipan. Okay, yes. Si Jay-R pa rin ang itinitibok ng aking puso at siya pa rin ang aking mahal pero hindi ko na siya pwedeng mahalin pa katulad noon dahil may asawa't anak na ako ngayon. Asawang nagtaksil sa 'yo. Argh! Bakit ba nakikipagsagutan sa akin ang aking isipan? Maaaring nagtaksil sa akin si Brent at nasaktan ang aking pride doon pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang sarili ko lamang ang aking isipin. May anak ako at lahat ng ina ay gugustuhin kung ano ang makabubuti para sa kanyang anak. At ang tingin kong tama at dapat kong gawin ay ang manatiling kasal kay Brent dahil kami ang mga magulang ni Abigail. I grew up sharing the attention of my father with my half-brother who I thought never knew my existence. Hindi maganda iyong pakiramdam na habang lumalaki ako ay naroon ang takot sa aking puso na baka dumating iyong panahon na hindi na ako makakakuha ng atensyon mula sa aking ama. Gabi-gabi akong nagdarasal noon na sana hindi mawala ang pagmamahal ni Daddy Alfredo para sa amin ng aking ina. Ilang beses kong hiniling na sana hindi matapos ang pagkalinga sa akin ni Daddy bilang aking ama. Maswerte akong hindi ipinagdamot sa akin ni Daddy Alfredo ang pagmamahal ng isang tunay na ama. Mapalad akong sa kabilang ng pagiging illegitimate child ko ay hindi ipinadama sa akin ng aking ama na bunga ako ng isang pagkakasala. Alam kong mali ang naging relasyon ng aking mga magulang pero lagi nilang ipinaparamdam sa akin na nabuo ako rahil sa pagmamahal. Ngunit alam ko ring ang lahat ng pagkakasala ay may kapalit at sigurado akong alam ng aking mga magulang sa kanilang mga puso na ang tadhana na ang gumawa ng paraan para makapagbayad sila sa kanilang pagkakasala sa ina ng aking half-brother na si Kuya George. Though at the end of the day, my biological parents are still my parents. Oo, galit ako sa ginawang pagkakamali ng aking mga magulang pero hindi ako galit sa kanilang dalawa rahil kung wala sila ay wala rin naman ako sa lugar kung nasaan ako ngayon. Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang dahil binigyan nila ako ng buhay at minahal nila ako ng lubos. Sa kabila ng kamaliang ginawa ng aking mga magulang ay naging mabuti naman silang ama at ina para sa akin. All of us aren't perfect. Nagkakamali tayo pero ang maganda sa buhay ay nabibigyan tayong lahat ng pagkakataon para magbago. Nasa mga kamay na lamang ng mga tao ang desisyon kung pipiliin nating ituloy ang ating mga ginawang pagkakamali o itatama natin ang mga ito. Sigurado akong sa piniling buhay ng aking mga magulang ay naging mahirap para sa kanila ang gawin ang desisyong iyon pero proud ako na ginawa nila kung ano ang tama. Proud akong sinubukan nilang itama kung ano ang mali. Ginawa ng aking mga magulang ang kung ano ang sa tingin nila ay tama hindi lamang para sa kanilang dalawa kundi maging pati sa mga taong magiging apektado kung ipagpapatuloy nila ang kanilang relasyon. Kaya naman ginagawa ko ngayon ang kung anong sa tingin ko ay ang tama. Kung ano ang tama para sa aking anak na si Abigail. Hindi pwedeng masira ang pamilyang aking iniingatan. Ayokong maulit sa pagsasama namin ni Brent ang naging pagkakamali ng aking mga magulang dati. Maaaring nagkamali si Brent ng isang beses o kahit paulit-ulit man iyan, pero hindi ko hahayaang tuluyang masira ang aking pamilya. Poprotektahan ko ang aking pamilya habang maaga pa at wala pang nabubuong bata sa sinapupunan ng kung sinumang babae o mga babaeng nakikipag-agawan pa ng atensyon sa aking asawa. Sisiguraduhin kong sa akin lang ang asawa ko. Hindi ko man mahal si Brent sa romantikong paraan pero mahal ko ang aming anak. Kaya kong pagtiisan na samahan si Brent nang ilan pang taon kung iyon ang kinakailangan para hindi masira ang pamilyang inaasahan ng aking anak na bubuo sa pagkatao nito. I love my daughter, Abigail, so much that I'm willing to sacrifice my own happiness for the sake of my daughter's welfare. Ako ang ina ng tahanan kaya kailangan kong panatalihin ang ilaw na nagsisilbing liwanag at pag-asa para sa aking anak. Kaya naman kakausapin ko si Brent na kalimutan na namin ang lahat ng nangyari lalo pa nga at base sa kwento ni Brent ay ako ang dahilan ng pangangaliwa nito rahil sa kasinungalingan ng pinsan kong si Sophie. I also need to talk to Sophie na rapat ay noong nakaraang linggo ko pang ginawa after Brent confessed to me. I won't let Sophie ruin my marriage just because of our rivalry that she can't get over with. A petty rivalry that she started in the first place when we were kids. Kung hindi man makuha ni Culver na mahalin si Sophie, it's not my fault anymore. And I can't blame Culver, to be honest. I mean, who will love a woman who has a lot of issues in life? At iyon si Sophie. Napakarami nitong issues sa buhay. I'm pretty sure that Sophie is trying to ruin my family because she can't have her own family. Because Sophie only loves herself. At naiinis si Sophie na makitang may buo akong pamilya rahil para rito ay ako pa rin ang babaeng kaaway nito noon magpasahanggang-ngayon. Alam ko rin namang may kasalanan si Brent sa pangangaliwa nito sa akin kaya nga kakausapin ko itong kakalimutan namin ang lahat at muli kaming magsisimula. Isang panibagong simula kung saan pagkakatiwalaan namin ang isa't isa. Kahit pa alam kong Brent hadn't told me the whole truth dahil alam kong hindi lamang si Queenie ang naging babae nito rahil narinig ko itong may kausap na ibang babae sa phone nito at alam ng kausap ni Brent sa phone ang nangyaring pagkakahuli ko kay Brent kasama ang babae nitong si Queenie. Kung hindi gustong aminin ni Brent ang tungkol doon ay ako ang gagawa ng paraan para kilalanin ang babaeng iyon at ako na rin ang gagawa ng paraan para tigilan ng babaeng iyon ang aking asawa. Bilang misis ni Brent ay may karapatan ako sa asawa ko at iyon ang aking ipararamdam sa babaeng iyon at sa sinumang babaeng magtatangkang sirain ang aming pagsasama ni Brent. From now on ay hindi ko hahayaang may makasira ng pamilya namin nina Brent at Abigail. Malalim akong nagbuntung-hininga at muli na namang pumasok sa aking isipan ang mukha ni Jay-R. Ipinilig ko ang aking ulo at muling nagbuntung-hininga. Hindi ko na rapat iniisip pa ang Jay-R na iyon. Tapos na ang lahat sa amin the moment I left Jay-R for Brent and Jay-R confirmed it by not stopping my wedding with Brent. Kaya naman hindi na rapat ako naaapektuhan ng ganito rahil lamang sa muling pagbabalik ng presence ni Jay-R sa aking buhay. Hindi maaaring magpatuloy ako ng ganito. Kailangang ako ang pumigil sa tuluyang pagkasira ng aking pamilya and not the other way around. I'm not happy that I'm feeling conflicted just because I saw Jay-R again. Ang muling pagpasok ni Jay-R sa aking buhay ay nagpapahiwatig na maaaring masira ang aking pamilya rahil nararamdaman ko sa aking sarili na apektado pa rin ako sa presensya ni Jay-R. Matindi pa rin ang epekto ni Jay-R sa aking sistema at nararamdaman kong kayang-kaya ni Jay-R na maangkin ako mula sa aking asawa kung gugustuhin lamang niya. No. I should stop thinking things like these. Hindi pwedeng hayaan kong mangibabaw ang aking damdamin para kay Jay-R because if I let that happen, ang pamilyang iniingatan ko ay masisira. At ano ba ang aking malay kung may damdamin pa rin para sa akin si Jay-R? For all I know ay baka kasal na rin si Jay-R at may minamahal na rin siyang iba. Why? Bakit nakararamdam ako ng sakit sa kaisipang may iba nang minamahal si Jay-R? Hindi ba rapat ay maging masaya ako for him dahil naka-move on na siya mula sa sakit na ibinigay ko sa kanya nang araw na piliin ko si Brent over him? Dapat ay maging masaya ako sa posibilidad na hindi ako guguluhin ni Jay-R dahil may asawa't anak na rin siya katulad ko. Napakagat ako sa aking ibabang labi rahil sa kirot na aking nararamdaman sa aking puso. Nasasaktan ako. Nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan akong isipin na may ibang babae nang nagpapasaya kay Jay-R dahil mahal na mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal ko pa rin si Jay-R. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking mga luha sa aking magkabilang pisngi at hinayaan ko ang aking sariling humagulgol sa loob ng aming kwarto ni Brent habang ninanamnam ang sakit na dulot nang muling pagkikita namin ni Jay-R. ---------- THIRD PERSON POV Sumama ang timpla ng mukha ni Samantha nang makita sa screen ng kanyang phone ang pangalan ng tumatawag sa kanya. Si Culver. Si Culver na rating manliligaw ng kanyang best friend na si Celestina ngunit ngayon ay siya na ang kinukulit. Kaya sigurado si Samantha na gumagawa lamang ng kwento ang pinsan ni Celestina na si Sophie na may lihim na relasyon sina Celestina at Culver dahil alam ni Samantha na wala ng pagtingin si Culver para sa kanyang kaibigang si Celestina at siya na ang hinahabol ng lalaki ngayon. Ngunit ang problema ay hindi tipo ni Samantha si Culver. Pakiramdam ni Samantha ay katulad lamang si Culver ng mga lalaking kanyang nakilala. Ang tingin ni Samantha ay hindi maibibigay ni Culver sa kanya ang kanyang pangangailangan bilang babae na hindi rin naibibigay kay Samantha ng mga lalaking kanyang naging kasintahan kaya naman nauuwi sa wala ang mga relasyong iyon. Pero mukhang natagpuan na ni Samantha ang lalaking may kakayahang magpunan ng kanyang mga pangangailangan. Ang problema nga lang ay napakakomplikado ng magiging sitwasyon kung ipu-pursue niya ang lalaking iyon. Hindi na maaari pang makarelasyon ni Samantha ang lalaking iyon na ilang araw nang gumugulo sa kanyang isipan. Hindi makakalimutan ni Samantha ang matigas na bagay na iyon na kanyang nakita. Malaki at matabang bagay na palaging dumadalaw sa isipan ni Samantha tuwing nakahiga na siya sa kanyang kama sa gabi. Minsan pa ay pumapasok sa isipan ni Samantha ang mahabang bagay na iyon habang siya ay nagtatrabaho sa flower shop. Pinipigilan ni Samantha ang kanyang sariling makagawa ng maling bagay ngunit sadyang ang tawag ng laman ay napakalakas. Gustong isipin ni Samantha na kaya niyang iwasan ang tukso pero may munting tinig sa kanyang isipan na sinasabing labanan niya ang tuksong ito. ---------- JAY-R's POV Nakaharap ako sa salamin na nakasabit sa dingding ng sala ng aking inuupahang apartment unit. Isang malaking ngisi ang sumilay sa aking mga labi habang binabalikan sa aking isipan ang magandang mukha ng aking dating kasintahang si Celestina. Hindi pa rin nagbabago ang epekto sa akin ni Celestina. Ngunit hindi ko rapat hayaan ang aking sarili na magpatangay sa aking damdamin para sa kanya. Hindi ako nagkamali nang maisipan kong magtrabaho para sa kapatid ni Celestina na si George. Ngayong muli na kaming nagkita ng babaeng nanakit sa aking puso ay hindi ko hahayaang hindi niya maramdaman ang parehong sakit na ibinigay niya sa akin. Jay-R: Humanda ka, Celestina. Pagsisisihan mo ang araw na muling nagtagpo ang ating mga landas. Kumuyom ang aking mga palad habang nakatitig sa aking reflection sa salamin at naniningkit ang aking mga mata habang inaalala sa aking isipan ang araw na pinatay ni Celestina ang aking puso. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD