HINAGKAN ni Joshua ang pisngi ng kanyang Lola Alicia. Nasa hardin ito at nagbabasa ng libro. Ito ang kanyang abuela sa ama.
“Kumusta ang pinakamagandang lola sa buong mundo?” masuyong tanong niya habang umuupo sa isang bakanteng silya sa tabi nito. Nagsalin siya ng tsa sa isang tea cup.
Ibinaba nito ang hawak na libro at nginitian siya nang matamis. “I’m fine. I’m feeling great.”
“That’s good,” aniya pagkatapos humigop ng masarap na tsa.
Ang kanyang Lola Alicia na marahil ang pinakamagandang lola sa buong mundo. She looked ten years younger than her actual age. Napakamaalaga nito sa kalusugan. She only ate healthy foods. Regular ang exercise at yoga nito. She was called “The Queen.” Sa palagay niya ay bagay na bagay rito ang katawagang iyon. Ang bawat galaw nito ay nag-uumapaw sa grace. She walked and talked like a queen. Hindi lamang ito basta maganda, masyado rin itong matalino.
“How’s school and work?” tanong nito.
“Okay naman po, `La. I’m doing well at work.”
Napabuntong-hininga ito. “I told your grandfather that you shouldn’t work as a regular employee. Para ano pa at naging apo ka namin kung magtatrabaho ka sa kompanya na may mababang posisyon?”
“It’s okay. Gusto ko nga po `tong ginawa ni Lolo Arnulfo. Mas marami akong matututuhan kung magsisimula ako sa mababang posisyon. Mas maiintindihan ko ang mga empleyado ko.” Ang Lolo Arnulfo niya ang ama ng kanyang ina. Ang nais nito ay mag-umpisa siya sa mababang posisyon sa malaking korporasyon nito na hawak ng kanyang ama. Mas pahahalagahan daw niya ang mas mataas na posisyon kung alam niya kung gaano kahirap umangat mula sa mababang posisyon.
Umismid ang kanyang lola. Lumapad ang ngiti ni Joshua dahil ito lamang ang taong kilala niyang kahit na nakaismid ay umaapaw pa rin ang grace.
“Ayokong nakikihalubilo ka sa mga ordinaryong tao, alam naman nila `yan. I don’t want you to meet poor people. Hindi ka namin pinalaki para maging ordinaryong empleyado sa sarili nating kompanya.”
Nabura ang kanyang ngiti. Isa sa mga kakaunting bagay na inaayawan niya rito ay ang pagiging matapobre nito. Alam niyang hindi isang ordinaryong pamilya ang pinanggalingan niya. Nang magpakasal ang mga magulang niya, nagsanib ang dalawang higanteng pamilya. Tinitingala ang pamilya nila sa buong Asya dahil sa pagsasanib na iyon.
Mula pagkabata ay ipinaintindi na sa kanya na nasa mga balikat niya ang lahat ng responsibilidad sa mga negosyo nila. Kahit siya minsan ay nalulula sa yaman nila, sa dami ng mga negosyo nila. Napakaraming taong umaasa sa kanya—hindi lamang ang pamilya niya, pati na rin ang mga libu-libong empleyado nila.
Madalas ay natatakot siya. Paano kung hindi siya maging katulad ng ama na napakahusay sa pagpapatakbo ng lahat? What if he failed?
Minsan ay itinatanong niya sa sarili kung bakit siya ang ipinanganak na panganay. Hindi sa wala siyang tiwala sa kakayahan. Natatakot lamang siyang makagawa ng malaking pagkakamali na magreresulta ng pagbagsak ng buong kabuhayan nila.
“So, how’s school? Hindi ka ba nahihirapan?” tanong nito pagkatapos humigop ng tsa.
“Hindi naman po. Kaya ko namang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho.” Nagtatrabaho siya sa kompanya sa weekdays at pumapasok sa graduate school para sa kanyang MBA sa weekends. “Bakit n’yo po ako ipinatawag, Lola?”
Siya na ang kusang nagtanong dahil hindi siya maniniwala kapag sinabi nito na pinapunta lang siya nito roon dahil nami-miss na siya. Kapag nami-miss siya ng lola niya, ito ang mismong nagtutungo sa kanya.
Ngumiti ito nang matamis sa kanya. “I met this wonderful young lady yesterday at the tea party of Mrs. Artiaga. She’s an international ballerina. She’s still young, but she has already achieved so much. She’s very lovely, apo.”
“You want me to meet her,” he coldly stated. Nais niyang mainis dito ngunit hindi niya magawa. He loved the old lady.
Tumango ito, nakangiti pa rin. “I think you would make a lovely pair. I already scheduled your date for tomorrow night. Don’t be late.”
Joshua groaned in protest. Hindi na bago sa kanya ang ginawa nito. Kung sinu-sinong mga babae na mula sa mataas na antas ng lipunan ang ipinakilala nito sa kanya. Tila atat na atat na itong mag-asawa siya samantalang bata pa naman siya. He had just finished college and was starting his MBA studies.
“You’ll just meet the girl,” anito pagkatapos marinig ang pag-ungol niya. Marahil ay umasim nang bahagya ang mukha niya dahil nabura ang ngiti sa mga labi ng matanda. “You will love her.”
He doubted that. Lahat ng mga babaeng ipinakilala nito sa kanya ay hindi niya nagustuhan. Kung hindi boring at stiff, masyadong maarte at vain ang mga iyon. Hindi rin niya marahil gusto na ang lola pa niya ang kailangang maghanap ng babae para sa kanya. He could do that on his own.
Modesty aside, he was good-looking. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya dahil sa pisikal na anyo at yaman niya. Ang pagiging Joshua Agustin lamang niya ay sapat na para akitin ang maraming babae. Ang problema ay sawa na siyang makipaglaro sa mga babae. Nakakapagod nang makipagbolahan kahit na paminsan-minsan lamang niya iyong ginagawa.
“Fine, I’ll meet her,” aniya habang napapabuntong-hininga. “But I hope this will be the last girl, Lola. Mas marami pa po akong dapat isipin kaysa sa paghahanap ng babaeng maaaring pakasalan. I’m still young, come on.”
“I just want the very best for you, apo. I want you to marry the best woman in this world, because you deserve the best.”
“I’ll decide on that. I’ll go ahead if there’s nothing else.” Hinagkan niya ang matanda sa pisngi.
Nakakatatlong hakbang na siya nang magsalita uli ito. “Don’t ever fall for a poor woman, Josh. Huwag kang magpapabiktima sa mga mukhang pera.”
Nilingon niya ito at nginitian. “Wala akong panahon para mag-isip ng mga ganoong bagay.”
Totoo iyon. Napakarami niyang dapat gawin at matutuhan. Pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Wala na siyang panahong makipag-date ngunit ito ang mapilit.
He believed in true love because he had grown up witnessing how much his father loved his mother. Masuwerte siya dahil ipinanganak siya dahil sa pagmamahal at hindi lamang dahil sa obligasyon na magkaroon ng tagapagmana. Kung sakali mang dumating ang araw na makatagpo siya ng babaeng katulad ng mama niya—babaeng kanyang mamahalin—walang magagawa ang lola niya. Kahit na pobre ang babaeng iyon o galing sa mayamang pamilya, wala itong magagawa sa magiging pasya niya.