Prologue

1828 Words
“WHEN she’s curious, she asks around?”         Hindi pinansin ni Joy ang sarkasmo sa tinig ng kapatid na si Toni. Patungo na sila sa mga silid nila. Iniwan nila sa veranda si Cheryl, ang sekretarya ng isa pa nilang kapatid na si Vann Allen. Kanina ay kakuwentuhan lamang nila si Cheryl. Nagtatanong ito tungkol kay Anton Quan, isang mabuting kaibigan ni Joy sa business world. Dahil nabanggit ni Toni kay Cheryl ang Agustin brothers, hindi na napigilan ni Joy ang pagkukuwento nang bahagya tungkol kina Joshua at Ike Agustin.         Pinagsisisihan ni Joy ang pagsabad sa usapan nina Toni at Cheryl. Hindi tuloy niya maiwasang maalala ang isang parte ng nakaraan niya na pilit na niyang ibinabaon sa limot. Pilit na hindi siya nagpapaapekto ngunit hindi niya maiwasan. Kahit na matagal nang nangyari iyon, may mga pagkakataon pa rin na pakiramdam niya ay tila kahapon lamang nangyari ang lahat. Tila sariwa pa rin ang mga sugat at hindi na kailanman gagaling. Kahit na marami na ang nagbago, pakiramdam niya ay siya pa rin ang dating Joy. Kahit na gaano kalaki na ang iniunlad ng kabuhayan nila, siya pa rin ang Joy na nagtitinda ng kung anu-ano sa tapat ng maliit na bahay nila at sa mga kaklase niya.         Marami na ang nagbago sa kanya at sa pamilya nila. Wala nang maaaring kumutya sa kanya at sa pamilya niya. Hindi na siya dapat natatakot kahit na kanino. Kaya na niyang harapin ang lahat. Ngunit naroon pa rin ang takot sa dibdib niya. May mga pagkakataon na nararamdaman pa rin niya na hindi siya karapat-dapat. Hindi na dapat niya iyon nadarama dahil hindi biro ang mga pinagdaanan nilang pamilya upang marating ang kung ano ang mayroon sila ngayon.         “Ate,” untag sa kanya ni Toni.         “What?” aniya sa malamig na tinig.         “Why do you know so many things about the Agustins?”         “Because they are on top of the business world. Natural lamang na marami akong alam tungkol sa kanila. Alam mo kung bakit? Dahil pangarap kong pabagsakin sila. Suntok sa buwan, alam ko, pero hindi naman masamang mangarap, hindi ba? Libre lang ang mangarap. Malay natin?”         Bumuga si Toni ng hangin. “Malakas lang kasi ang pakiramdam ko na may itinatago ka sa amin. Normal sigurong magkaroon ng animosity sa mga kalaban sa negosyo pero sobra naman yata ang nararamdaman at ipinapakita mo sa Agustin brothers. Bakit sinabi mo kay Cheryl na ako ang kumalap ng mga impormasyong iyon? Alam mo namang hindi ko malalaman ang mga bagay na iyon kung hindi mo sinabi sa akin. Bakit iba ang pakiramdam ko, Ate?”         Nagkibit-balikat si Joy. “Masyado ka lang nag-iisip, Toni. Sige na, magpahinga na tayo.” Pumasok na siya sa loob ng silid niya pagkatapos.         Hindi niya magawang makatulog kaagad. Kahit na ano ang pigil niya, hindi niya maiwasang isipin ang lalaking iyon. Sa nakalipas na mahabang panahon, hindi niya ito nakalimutan kahit na anong pilit niyang gawin. Palaging panandalian lamang ang paglimot. Bumabalik at bumabalik pa rin sa kanya ang lahat.         Nasa lahi yata nila ang pagiging baliw sa pag-ibig. Bakit napakahirap para sa kanila ang matuto? Bakit hindi kailanman naging madali ang paglimot? Bakit walang on and off switch ang puso para hindi sila masaktan? Makatarungan ba na maramdaman niya hanggang ngayon ang sakit?         Had the guy even thought of her in the past years? Kahit na isang segundo lang, naiisip ba siya nito? Kahit hindi na nito maisip ang simpleng dalagang umibig dito noon, sana ay sumasagi siya sa isip nito bilang isang mahigpit na kakompetensiya sa negosyo.         She smiled bitterly. Bakit pa niya hinihiling ang mga bagay na tulad niyon? Bakit hindi na lang siya tumigil? Bakit hindi niya ito tularan na tila siya hangin kung ituring tuwing nagkakasalubong sila? Bihira silang magkita pero daig pa nito ang walang nakikita tuwing hindi sinasadyang magtagpo sila.         “Ano ka lang ba, hija? Wala ka namang kayang ipagmalaki sa `kin, sa lahat...”         “Kahit na ano ang gawin mo, hindi ka babagay sa katulad niya...”         “Isa ka lang hampaslupa, isang basura. Ni hindi ka maaaring itabi sa kanya...”         Kahit wala na ang taong nagsabi sa kanya ng masasakit na salitang iyon, ramdam pa rin niya ang kirot ng sugat na nilikha ng mga salitang iyon.         Napabuntong-hininga si Joy. Kung alam lamang nito na lahat ng pagsusumikap niya ay dahil dito, marahil ay pagtatawanan siya ng lahat.         “Joshua Agustin,” usal niya. “Kailan ko makakalimutan ang lahat ng sakit na idinulot mo sa pagkatao ko? Kailan ako titigil sa pagsusumikap na pantayan ka?”   TAHIMIK na pumasok si Joshua sa loob ng bahay niya. Sinalubong siya ng isang kawaksi na kaagad siyang tinanong kung nais ba niyang maghanda ito ng hapunan. Umiling siya at nagtuloy na sa pag-akyat sa grand staircase.         Habang paakyat, hindi niya maiwasang mapatingin sa paligid ng eleganteng bahay. Ang malaking bahay na iyon ay dating pag-aari ng lolo at lola niya sa ama. Bilang panganay na apo, sa kanya napunta ang malaking parte ng kayamanan nang yumao ang mga ito, at kabilang ang mansiyon na napasakanya. Ike, his younger brother, didn’t seem to mind.         Minsan ay tinanong niya ang kapatid kung nagseselos ba ito noon sa labis na pagmamahal sa kanya ng mga lolo at lola nila. Ang sabi ni Ike ay hindi nito maiwasan ngunit mas nais na raw nito ang ganoon. Siya raw ang unang bunga ng pagpapakasal ng mga magulang nila. Tinitingala na sa business world ang dalawang pamilya ng mga magulang nila bago pa man ikasal ang mga ito. Nang pagbuklurin ang mga ito ng sakramento ng kasal, lalong naging tanyag ang pamilya nila. Mas lumawak ang mga negosyong pag-aari ng dalawang pamilya.         Mula pagkabata, alam na ni Joshua na sa kanilang tatlong magkakapatid ay siya ang paborito ng matatanda. They adored Chenie and Ike, too, but he was the most adored. Iyon ay dahil sa simpleng dahilan na siya ang panganay. Bata pa lang siya ay ipinaintindi na sa kanya ng grandparents na malaki ang magiging responsibilidad niya paglaki niya.         It suffocated him while he was growing up. He sometimes hated being the favorite grandson. Pakiramdam niya, walang lugar ang pagkakamali, na nakatingin sa kanya ang lahat. There were many times in the past when he thought he couldn’t bear the pressure anymore. He wanted to quit. Minsan, ang sarap ipasa sa iba ang mga responsibilidad niya. He wanted a very simple life. He wanted to quit being Joshua Agustin.         Pagpasok niya sa silid niya ay walang ganang inalis niya ang coat at kurbata. Tinungo niya ang compact bar na nasa isang panig ng malaking silid. Habang umiinom, hindi niya maiwasang maalala na minsan sa kanyang  kabataan, ang akala niya ay magiging simple ang buhay niya. Inasam niya ang mamuhay nang simple kapiling ang isang simpleng babae. Naging handa siyang talikuran ang lahat—yaman, estado sa lipunan, at pamilya—para lamang sa babaeng iyon.         He smiled bitterly. Inisang lagok niya ang laman ng baso. Minsan, akala niya ay baliw siya dahil hindi niya makalimutan ang lahat. Hindi niya alam kung ano pa ang dapat gawin upang maibsan ang nararamdamang sakit kahit na kaunti lamang.         How long had it been? He had stopped counting the years, the days, and the seconds a long time ago. His heart had stopped beating a long time ago. Someone broke his heart and he was never the same again. Hindi na iyon muling nabuo kahit na ano ang pilit niya sa mga nakalipas na taon.         Lalo siyang nahihirapan tuwing nakikita ito. Sinisikap niyang hindi dumalo sa mga pagtitipon na alam niyang makikita ito dahil nahihirapan siya.         The mere sight of her—now that she looked totally different from the girl he had loved so much—gave him so much pain. Pain that was almost unbearable.         Did she even think of him even for a second? Kung sakali, ano kaya ang naaalala nito tungkol sa kanya? Naging importanteng bahagi ba siya ng nakaraan nito? Ano ang iniisip nito tuwing nakikita siya nang hindi sinasadya? Naaalala man lang ba nito ang mga pinagsamahan nila? Napapangiti ba ito tuwing sumasagi sa isip nito ang masasayang sandali nila noon?         Siya ay palagi itong naaalala tuwing wala siyang ginagawa katulad ngayon. Sa halip na mapangiti nang matamis sa mga alaala ng masasayang sandali nila ay napapangiti siya nang mapait. Nahihirapan siyang huminga, at inaalipin siya ng matinding lungkot.         Nalulungkot siya nang labis dahil mananatiling alaala na lamang ang mga iyon. Hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan. Pakiramdam niya ay hindi na siya magiging masaya katulad noon.         Kahit na sabihan ni Joshua ang sarili na tigilan na ang pag-alala sa mga sandaling iyon dahil hindi naman totoo ang mga iyon, hindi niya maiwasan. Kahit na mas madalas niyang maalala ang mga mapapait na sandali nila, hindi niya maiwasang balik-balikan ang mga masasayang pangyayari sa kanya noon.         He was truly happy. She had faked everything, but he was happy when he believed she was in love with him, too. His whole being believed in their love. He almost died when she said she was not really in love with him.         “Hindi ka ba nag-iisip? Gusto mong magpakatanga sa isang katulad ko? Seryoso ka sa `kin? Hindi nga? Akala ko kasi, pinaglalaruan mo lang ang katulad ko kaya naki-ride na lang ako. Sa palagay mo ba ay hahayaan ko ang sarili ko na mahulog nang tuluyan sa `yo? Hindi ako isang tipikal na mahirap na babae na mai-in love sa isang prinsipe na katulad mo. Hindi ko balak na pahirapan ang buhay ko. Alam mo kung bakit hinayaan lang kita na mapalapit sa `kin? Hinangad ko na magkaroon tayo ng eksena na katulad ng nangyayari sa mga telenovela sa TV. Isang mayamang lalaking umibig nang husto sa isang mahirap na babae.         “Alam mo kung ano ang paborito kong parte? Iyong may kapamilya na makikipagkita sa mahirap na babae, sasabuyan siya ng tubig o kahit na anong inumin na nasa isang magandang baso, at aalukin ng pera ang babae kapalit ng paglayo nito pagkatapos. Sinabi ko na, hindi ako tipikal. Hindi ko sasabihin na hindi ko ipagpapalit sa pera ang pag-ibig ko. Mahirap ako pero hindi ako tanga. Mas mahal ko ang pera kaysa sa `yo.”         Hanggang ngayon ay malinaw na malinaw pa rin sa alaala ni Joshua ang mga sinabi ng babae, at tuwina ay matinding galit ang bumabalot sa buong pagkatao niya. Nagagalit siya dahil nasasaktan pa rin siya. Nagagalit siya dahil minahal niya ang isang katulad nito. Nagagalit siya dahil hinayaan niya ang isang katulad nito na makaapekto nang husto sa pagkatao niya. Winasak nito hindi lang ang puso niya noon—kundi pati ang kaluluwa niya.         “Joy Balboa,” usal niya. “I wish we still lived in different worlds. Bakit kailangan mong pumasok sa mundo ko? Bakit hindi mo hinayaan na pasukin ko ang mundo mo noon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD