NANLAKI ang mga mata ni Joy sa nakitang eksena sa sala ng bahay nila. Pababa na sila ng hagdan ng bunso niyang kapatid na si Armie nang marinig nila ang tili ni Cheryl. Dali-daling nagtungo sila roon at nakita niya kung paano suntukin ni Joshua si Anton na bisita ni Cheryl nang umagang iyon. Kasama ni Anton ang anak nitong si Enid na kasalukuyang umiiyak sa nakikitang karahasan mula sa tiyuhin nito. “Joshua, damn you!” naiinis na singhal ni Joy. Hindi na nito inisip ang bata na nasa harap nito. Hindi man lang nito inisip ang kapatid nito na siyang pinakanahihirapan sa sitwasyon. Nilapitan ni Armie ang bata at kaagad na inilayo roon. Nang wala na ang bata ay nilapitan niya si Joshua at walang pag-aalinlangang sinampal ito. “Hindi ka na nahiya sa pamangkin mo. Ayu

