16

1663 Words

“I HOPE you don’t mind my asking, Iya, pero tatanggapin mo ba ang alok ni Vann?” tanong ni Peighton habang kumakain sila. Natigilan si Iarah. Hindi pa niya naiisip ang bagay na iyon. Ang totoo, hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya. Hinawakan ng Ate Janis niya ang kanyang kamay. “Hindi sa pinapangunahan kita, Iya, pero kailangan ba nating mandamay ng ibang tao? Sigurado ako, hindi ka ginalaw ni Vann. Alam kong kay Daniel `yang bata. Sadyang napakabuting nilalang ni Vann. Tatanawin kong utang-na-loob ang pagtulong niya sa `yo, pero kailangan bang umabot ang lahat sa pagpapakasal? Ang bata mo pa. Hindi rin magiging legal ang lahat.” “Pag-iisipan kong maigi,” sabi na lang niya. Tama ang kapatid niya. Hindi niya kailangang mandamay ng ibang tao. Sobra-sobra na ang naging tulong ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD