LAURA's POV Isang malalim na paghinga ang lumabas sa bibig ko bago ako pumasok ng Vermont. Medyo hindi ako comfortable at wala sa sarili. Pero dahil mahal ko ang Tala, kailangang maipasa ko ito. Hindi ako nakatulog kagabi. Kaya naman medyo nag-overthink ako. Ngayon lalabas ang result ng requirements ko. Ngayon rin nila sasabihin kung sino nga ba ang napiling gagawa ng bikinis sa grand ball ng Vermont. "Laura!" nakangiting bungad sa akin ni Lhi. "Lhi," medyo kabadong sambit ko. "Ready ka na ba? Nasa loob na ang iba. Si Sir Jules na lang ang hinihintay," sabi niya pa. "Medyo kinakabahan ako, Girl," kinakahabang sabi ko ss kaniya. Ngumiti naman siya at muling nagsalita. "Kumalma ka nga. For sure malaki ang chances niyo," sabi niya pa. "Paano mo naman nasabi?" nagtatakang tanong ko.

