LAURA's POV "OMG! Ang ganda mo, Besh!" namamanghang sambit ni Bea nang makarating ako sa mansion ng mga Nguyen. Birthday ni Ms. JenLyn ngayon. Kaya naman naghanda na rin ako. "Syempre ikaw pa ba magpapatalo sa akin?" natatawang sambit ko sa kaniya. "Masyado kang pa-humble, Besh. Nakakainis ka!" nakanguso niya pang sabi. Natawa na lang ako sa inasal niya para siyang bata na nagtatampo. "Anong ganap mo niyan?" natatawang tanong ko sa kaniya. "Eh kasi ang ganda-ganda mo na. Ang talino at ang talented mo pa. Tapos humble ka pa! Ang unfair!" reklamo niya sa akin. "Ewan ko sayo, Besh. Halika na nga pumasok na tayo baka hinihintay na nila tayo," sabi ko at hinila siya papasok. Mabuti na lang at naka-cocktail dress kami kaya hindi hasle. "Laura, Hija!" masaya kaming sinalubong ni Ms.

