"Pero, babe." sagot ko. Kaso mukhang desidido na talaga ito na ikasal kami. "Ano bang gusto mong kasal babe?" balik na tanong niya sa akin. "Ang gusto ko kasi babe kahit simple lang at tayo tayo lang muna. Hindi naman mahalaga sa akin ang enggrandeng kasal. Ang mahalaga tayong dalawa ang magpapakasal." sagot ko. At totoo naman 'yon bukod sa ikinakatakot ko na baka makialam na naman sa amin ang abuela niya. The more na may nakaka alam ng marami mas malaki ang chance na malaman nila. "Hmm! Ikaw ang bahala babe, kung saan ka kumportable at masaya na rin ako doon. Ang tanging mahalaga lang naman sa akin ay makasal tayo. Kapag kasal na tayo mapapanatag na ako." sagot niya sa akin. At sana nga totoong mapanatag na kami kung sakaling maikasal kami. Paano kong hindi at ito pa pala ang simula

