Bumalik din agad kami ng Manila at medyo may mga kailangan pa raw siyang asikasuhin na hindi ko na rin naman tinanong kong ano ba iyon. Ang mahalaga e, okay na ang pakiramdam ko. "Babe, sa sunod na cravings mo hwag naman yong buwis buhay." biro nito sa akin. Pero, hindi ko alam kung joke ba iyon o talagang ganon nga. Ang hirap rin kaya ng ginawa niya. "Sorry babe, napagod yata ikaw. Pero, hayaan mo kakausapin ko na si baby na hwag ka ng pahirapan sa sunod." sagot ko sabay peace sign. "Okay lang babe para sainyo naman ni baby lahat gagawin ko." sagot ni Yvo. Nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami ng bahay. Pagod ako sa byahe pati siya kaya hindi ko na rin namalayan ang pag higa ko sa sofa at doon na ako nakatulog. Naramdaman ko na lang nang magising ako nasa ma

