MY uncle used to play with me....all the time.
Sa tuwing gagala kami nila mommy sa rancho ay palagi niya akong tinatawag sa kwarto niya para maglaro..
“Halika, here’s your favorite manika.”
He gave me a sweet smile, ngumiti din ako sakanya saka pumasok sa loob ng kwarto.
“But Lolo Reno told me that I would be staying with him for now.”
Umiling siya sakin at hinawakan ang kamay ko papasok sa loob.
“No..you are staying here with me Peony.”
Nakita ko kung paano niya ilock ang pinto pagkatapos ay nagtungo sa gilid. I watched him as he took off that piece of cloth in the corner.
“Suprise!” Malawak ang ngiti na pinakita niya sakin ang isang doll house.
“Wow! Dollhouse!” Masayang lumapit ako sa dollhouse. Pinindot ko ang button sa gilid non kasunod non ay kumalat ang ilaw sa dollhouse.
“Is that enough Peony to stay with your uncle right?”
Tumango ako habang tuwang-tuwang pinaglaruan ang dollhouse sa harap ko.
“Good girl..” Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.
“Thank you uncle Miller!” Kinuha ko ang manika at nilagay iyon sa dollhouse.
“You are welcome baby, kagaya ng sinasabi ko sayo huwag na huwag kang lalapit sa Lolo Reno mo. I know he’s the one who changed our family’s life, but that doesn’t mean he should take you.”
Napalabi ako sa sinabi niya, wala akong nainitindihan.
“What do you mean, Uncle?”
“Bata kapa hindi mo pa naiintindihan ang lahat. Darating ang araw na malalaman mo kung gaano maging tuta ang lahi natin sa lolo Reno mo. Pero hindi ko hahayaang may mangyari sayo ha? Akin lang ang paborito kong pamangkin..hihintayin ko na lumaki ka.”
He took my hand and that was the first time he ever did that. Kapag naglalaro kami palagi niya lang hinahaplos ang buhok ko. Bibigyan ako ng candy at muling hahalikan ako sa buhok. Pagkatapos ay sasabihin niyang ‘Hihintayin kitang maging dalaga’
“Hindi paba ako malaki uncle?”
Umiling siya sakin. “7 years old kapa lang, pagsapit mo ng 18 years old kukunin ka ng Lolo Reno mo. Hindi ko hahayaang mangyari iyon dahil uunahan ko siya, we’re going to play a different kind of game.”
Ngumiti ako ng malawak sa sinabi niya. “Really uncle?!”
“Yes ba---
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto, I saw my father’s face-- he was really angry.
“Daddy!” Masayang tinaas ko ang dalawa kong kamay ngunit kinarga ako ni mommy. I was confused because she was crying.
“Hayop ka Miller!”
Iyon din ang kauna-unahang pagkakataon na nakita kong nagalit si daddy. He punch uncle Miller straight in the face. Napaiyak ako sa nakita ko.
“Ilabas mo ang bata Mila!”
“Uncle!” Umiiyak na sumigaw ako hanggang sumara ang pinto ng kwarto.
“Ikaw ang tanga Roman! Hindi mo iniisip ang kalagayan ng panganay mo?! Reno was obsessed with her! Hahayaan mo na kunin mo ang anak mo ng gagong ‘yan? Wala kang utak!”
“At gusto mong ikaw ang kumuha sa anak ko ganon ba ha tangina ka?!”
I kept crying, hearing their angry shouts in the background. Ilang beses ko sinabi kay mommy na pigilan sila. I don’t know what was happening..
“Ssh...tahan na okay? Shh..”
And that was all my mom could say...
Iyon din ang huling sandali na nakita ko ang uncle Miller ko. My mom said he was taken to a mental institution. But my aunt told me that I was the one her husband kept mentioning. Wala akong alam kung sa mga nangyayari..
Until I reach the age of sixteen...
Pinapadalhan ako palagi ni Lolo ng mga gifts kahit walang occasion, ayaw ni dad tanggapin ngunit nagagalit si mommy. Iyon ang palagi kong naririnig na pinagtatalunan nila.
“I told you to keep your hair short Peony! Tignan mo lumagpas na sa batok mo tong buhok mo!” Isang beses sabi ni mama pagpasok niya sa kwarto ko. I was mad at her.
“Ayoko! I was always bullied because of my hair! Inaasar nila na lalaki ako!” At iyon din ang kauna-unahang nasigawan ko siya.
“We have to do this for your sake, Anak.” Nang makita ko ang luha sa mata niya ay gumapang ang guilt sa sarili ko. Again, I was confuse why they have to do that.
Until I reach the age of seventeen..
My Lolo Reno gifted me makeup and a bunch of dresses. Iyon ang hindi natanggihan nila mom at dad lalo pa at pumunta sa bahay si Lolo Reno.
“Kamusta ang paborito kong apo?” Nakangising sabi niya sakin habang naglalaro sa isang kamay niya ang tabacco. His teeth were stained yellow and even in his old age, his body remained big and imposing. Nakaupo siya sa sofa namin habang may dalawang katulong sa likod niya.
“Hindi mo naman nasabi papa na darating ka, sana ay nakapaghanda kami.” May kaba sa boses ni mommy. Nakayakap akin ang dalawang magulang ko.
“Come here..” Utos sakin ni Lolo, tumingin ako kina mama pagkatapos ay lumapit sa harap ni lolo. He scanned me from head to toe, for the first time na nakita ko siya ay nagkaroon ako ng takot na hindi ko alam kung bakit.
“Ilang taon kana uli?”
“Seventeen..’’ Tipid na sagot ko.
“Why does your hair stay the same length?’’ Irritable na sabi niya, lumapit sakin ang isang katulong at binuksan ang bibig ko.
“Damn it! Look at your braces! They’re filthy! Sa dami ng pinapadala ko sainyo hindi niyo ba nagamit iyon sa bata?”
And that was the first time I understood my family.
“You have to bring her to the rancho before her eighteenth birthday.” Iyon ang huling sinabi nito bago umalis sa bahay nila. At iyon din ang gabi na nag-empake kami ng mga gamit. Nakita ko kung paano namin naiwasan ang mga tauhan ni lolo sa labas ng bahay. Sa tingin ko ay pinagplanuhan na nila mommy iyon.
“Why does he want to take me mom?” Tanong ko kay mama habang nasa biyahe kami. Sumilip sila sakin ni daddy.
“He’s sick anak, huwag mo ng isipin pa iyon okay? Magpapakalayo tayo ngayon, kakalimutan na natin ang lahat.”
Iyon lang ang narinig ko kina daddy, kumuha si dad ng condo sa Maynila sa BGC. Nalaman ko na ang lahat ng perang pinapadala pala ni lolo ay inipon nila mama. Hanggang ngayon ay misteryo padin sakin kung ano ang sinabi noon ni Uncle Miller at kung bakit gusto ako ni lolo kunin.
Naging maganda ang takbo ng buhay namin sa Maynila. Nagpatuloy ako sa pag-aaral, naging malaya akong gawin ang gusto ko. Mahaba na din ang buhok ko kagaya ng gusto ko. I started dating someone when I was eighteen.
“Bakit ayaw mo? Kiss lang naman ang gagawin natin ha?”
Tinulak ko si Jason. “Nagd-date pa lang tayo ganyan kana? Saka hindi ako mahilig sa ganitong bagay Jason!”
Ngumisi siya sakin.
“Napakaarte mo sakin pa din naman bagsak mo.”
Nagpantay ang labi ko sa sinabi niya.
“Ganon? Gago halikan mo sarili mo!”
Ilang linggo kong iniwasan si Jason, sa buong campus ay palagi niya akong hinahabol. Until the day came when he tried to kidnap me, but he failed. Mabuti ay kasama ko ang mga kaibigan ko nang gawin niya iyon. Pinaldahan niya din ako ng mga mensahe na magpapakamatay siya kapag hindi ako makipagkita sakanya.
And I never thought he’d actually do that...
“Hindi mo kasalanan ang nangyari anak, hindi mo naman siya pinaasa okay?” Nakangiting sabi sakin ni mommy habang sinusuklayan ang mahaba kong buhok sa harap ng vanity mirror.
“Malas ba ako ma? Bakit nangyayari sakin to dati pa?”
“You’re beautiful Peony, that’s why you need to be careful. Many people could become obsessed with you.”
And my mom was right... ang tatlong lalaki na dumaan sa buhay ko bumagsak sa mental hospital. That relationship didn’t even last a month because I kept catching them cheating on me. Ngunit sa tuwing nakikipaghiwalay ako ginagamitan nila ako ng emotionally blackmail na para bang kasalanan ko pa ang lahat. Hanggang sa huli ay gumagamit na sila ng dahas sakin. Simula non, hindi ko na muling nakikita ang sarili ko sa isang relasyon.
And I reach the age of twenty-eight...
“No! You can’t! Pinangako natin sa daddy mo na hindi na tayo babalik don!” Sabi ni mommy nang mabasa namin ang sulat galing sa kamag-anak namin sa hacienda. Ang huling habilin ni lola ay makita ako.
“Mom, kung ano man ang nangyari noon matagal na iyon okay? Isa pa kung nabubuhay si dad, iyon din ang iisipin niya kapag nabasa niya ‘tong sulat.”
“He’ll definitely get angry when he finds out we’re going back!”
Ngumiti ako at hinawakan siya sa braso. “Mom, kailangan mong maiwan dito para sa business natin. Don’t worry hindi ako tatagal doon okay? Palagi kitang tatawagan, promise.”
“But iha---
Niyakap ko siya. “Magiging okay lang ako mom, please..”
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin tanda wala na siyang magagawa kung hindi pumayag na bumalik ako sa lugar na matagal na naming tinatakbuhan...